CHAPTER 17

7.1K 310 294
                                    

‘I want you to be my girlfriend’ 

__

"Kris…" she softly called my name. Her apologetic eyes were visible and I hated what I was seeing. 

I pushed her away so I can settle myself to sit. I started buttoning my sleepwear. “This isn’t right, Ma’am.” I stated. I looked at her while my heart was still pounding fastly. I am glad that I somehow managed to think straight and talk to her without stuttering. 

“I know.” she whispered, looking away, 

Tumayo ako at inayos ang sarili upang pumasok sa banyo. Tinignan ko ang sarili sa salaming naroon at saka ilang beses na bumuga ng malalim na hininga. 

I tried calming my heart down. Oo na, I’ll admit that I like her. Pero ayokong sabihin iyon sa kanya, ayokong malaman niya dahil alam kong she’ll stand with her principle and that is I am only her responsibility because my family entrusted my safety to her.

She’s acting this way because she promised my family. I don’t have to put any meaning to her actions. Ako lang din naman yung masasaktan at magsa-suffer sa huli. 

This feeling is very new para sa 'kin. Ilang beses kong pinaulit ulit sa sarili kong parehas kaming babae ngunit hindi, walang nagagawa ang kasarian dahil sa tuwing nakikita ko siya, paulit ulit din na pinapaalala sa 'kin ng puso ko na gusto ko siya.

Nagtagal ako ng ilang minuto sa banyo upang pakalmahin ang sarili ko. Masyado akong nagpapaapekto sa emosyon ko kaya’y nadadala ako sa mga kilos niya. Hindi maaaring ganito. 

I composed myself and made sure that I was thinking straight before going out from the bathroom. 

Wala na siya sa kwarto nang lumabas ako. Nakaayos na ang comforter ng kama at bukas din yung pintuan ng kwarto. 

Lumabas ako at sinilip siyang nakaupo sa sala. Ang parehong mata ay nakatuon sa TV habang prente siyang nakaupo at may hawak na canned beer. 

“Gabi na, umiinom ka pa.” sambit ko at tumabi sa kanya. Ayokong maging awkward sa harap niya. 

“You told me earlier that you weren’t sure of what you feel towards Dhayne.” panimula niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa TV. 

Nilingon ko ang TV, naging kuryoso sa kung ano ang nakikita niya roon na hindi na niya maalis alis ang tingin niya. Wala naman, advertisement lang. 

“May sagot na po ba kayo?” tanong ko at binalik ang tingin sa kanya. 

“You don’t really like her. Your heart was beating that fast because you’re nervous around her. You feel unsafe and that something bad might happen. Don’t take it seriously.” aniya saka uminom ng beer na hawak niya. 

"Pero-"

"Don't love her, Kris. Don't even like her or come near that. Stop yourself from admiring her or even having a crush on her."

"Ma'am..."

"I just don't like the idea of you liking someone else." Mahinang bulong niya na hindi ko nakuha.

Anong ibig niyang sabihin?

Ngumuso ako saka inagaw ang beer na hawak niya. Agad niya ‘kong sinamaan ng tingin. “Maaga pa tayo bukas. Matulog na tayo dahil baka may klase ka pa.” suway ko at dinala ang beer niya sa kusina at itinago iyon sa loob ng fridge. 

Paglabas ko ay nakaupo pa rin siya sa sofa, mukhang malalim ang iniisip niya’t ayaw niya nang makaahon pa. 

“Huy, wala kang balak pumasok?” pagtawag ko. Iniistorbo ang kung ano mang malalim na laman ng isip niya.

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now