CHAPTER 20

7.6K 312 70
                                    

'Let me recharge, Kris. I missed you…'  

__

“Christmas is coming, so ano nga yung plano niyo? Maga-out of the town kayo or something?” tanong ni Gracia at agad akong umiling. 

“Wala naman kaming plano. Hindi pa naman kami nag-usap ni Mama about christmas since lumipat ako sa dorm. Sure naman ako na hindi na kami pupuntang probinsya kasi nandito na nga si kuya.” Muli kong binuklat iyong libro na binabasa at ibinalik ang pansin ko roon. 

“Kung wala, yayain sana kita. Pupunta kami ng family ko sa Jeju. One week lang naman so let’s have fun there.” mabilis iulit akong umiling. 

“Family vacay yun.” 

“Well, kilala ka naman na nina mommy so okay lang naman siguro ‘yon diba?” 

“No thanks, Grace.” sambit ko, hindi inaalis ang pansin sa hawak na libro. 

Noong nakaraang taon, dahil kami lang naman ni Mama ay pumunta kami sa probinsya upang i-celebrate ang pasko kasama si Kuya. Iyon ang unang pasko na hindi namin kasama si Papa kaya hindi rin ako sure kung nag-enjoy ba talaga kami o nagluksa lang. 

Sigurado naman akong wala ring gana si Mama na mag outing o kung ano man sa pasko. She’s still mourning for my father’s death. It’s been almost two years already pero feeling ko ay hindi man lang nabawasan ang sakit na naramdaman ni Mama magmula nong mawala si Papa. 

“Nasan na ba yung dalawa?” biglang tanong ni Gracia, pertaining to the two of our other friends.

“Nasa canteen nga. Dun sila bumili ng pagkain eh.” sagot ko naman. 

It was our break time at pinili ni Gracia na samahan ako dahil pinag-usapan namin ang tungkol sa nangyari noong sabado. Pagkatapos ko raw umalis sa loob ng court ay marami ‘yung nainis dahil bigla ko nalang iniwan si Jiyo. 

And Jiyo talked to the crowd and told them that I had to go because of the emergency. Also, he assured the crowd na kakausapin niya ‘ko at susundan to get my answer. 

He got it though. That night, I said no

Sinigurado kong hindi ako nagkulang sa pagpapaunawa sa ‘kanya kung ano ang rason ng pag-ayaw ko. 

“I did try to force myself to feel something for you, Jiyo. Pero wala eh, no matter how hard I try. Can’t we just stay friends? For lifetime?” 

“Are you saying this because of Ma’am Gayle?” 

“What? Paano naman napasok si Ma’am Gayle sa usapan natin?” 

“She told me she’ll make you say no.” 

Part of it was because of her, of course. But it’s not because she told me to say no. It’s because I like her.

“No, Jiyo. Kahit wala si Ma’am Gayle it’s still a no.”

Of course, noong una ay halos hindi niya matanggap iyon ngunit sa huli ay laylay balikat siyang umalis ng dorm namin. I appreciate that he respects my decision even though unfair iyon para sa kanya. 

I did my part and explained my side. Kahit medyo nahirapan akong hindian siya ay ginawa ko pa rin. I don't want him to feel bad pero alam ko rin na maling umoo ako sa kanya para lang maisalba ko ang nararamdaman niya. 

“Oh? Bakit andami niyo naman atang dala?” tanong ni Gracia sa dalawa kong kaibigan na kakaratiung lang mula sa canteen. 

Marami silang dalang pagkain at halos hindi sila magkandaugaga pareho sa pagdala non. 

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now