CHAPTER 6

7.4K 337 211
                                    

'Stay away…' 

__

Nauna akong pumunta sa parking lot at naghintay sa harap ng kotse ni Maxie. Meron siyang sasakyan since pwede naman na siyang mag-drive. Maxie, Gracia and Aiza are in their twenties. Ako ang pinakabata sa 'min kaya madalas, ako yung napag-iiwanan. 

Sinipa ko ang mga batong nanahimik sa daan dahil sa inip. Sana pala ay pagco-commute nalang yung sinabi ko sa loob para deretso na uwi. 

"Kris…" napalingon ako sa nagsalita. Ang mabibigat niyang takong ay sobrang ingay. 

"Ginagawa niyo rito, Ma'am?" Tanong ko kay Ma'am Gayle. Nagtataka kung bakit siya sumunod sa 'kin.

"You won't get your tie? I still need to talk to you."

"Tungkol saan po?" 

"For the… Of course for the pre-test." Umiwas siya ng tingin at tumikhim. 

"Pwede po bang bukas na? Gabi na po kasi. Baka mag-alala si Mama sa'kin." Kunwaring tinignan ko ang oras sa relo ko. 

Alam kong wala si Mama sa bahay. Ayoko lang talagang sumama sakanya dahil may lakad kami mamaya ni Dhayne. At iyon na yung sinabi ko sa loob, mahirap na kung ano na naman ang isipin ng mga kaibigan ko.

"Okay then. Can I get your number? I'll just call you later." Aniya pa at itinuro ang cellphone na hawak ko. 

Can I get your number daw, pero tinuro yung cellphone ko. Wala naman ata siyang dalang cellphone kaya ako nalang ang kumuha ng number niya. 

"Kunin ko nalang number mo. Ako na tatawag mamaya." Sagot ko at ibinigay ang cellphone ko sakanya. 

"Uhh, password?" Nag-aalangang tanong niya. 

"My birthday…" sagot ko at muling nagsisipa ng mga bato. 

Umangat ang tingin ko nang maya maya'y iabot niya sa 'kin ang phone ko. Nakapatay iyon. "Ah, my birthday is-" 

"I saved my number in your speed dial too. Check it later." Aniya lang at umalis. 

Teka? Na-save na niya? Takang tinignan ko ang screen ng phone ko. Naka-unlock na ata iyon nang iabot ko sakanya. 

Nilingon ko ang nagmamadaling umalis na guro saka tinago ang phone ko. Napakasungit. Hindi man lang nagpaalam. Bigla bigla lang umalis. 

Namataan ko sina Maxie na papalapit na kaya itinago ko na ang phone ko sa bag. "Anong eksena niyong tatlo?" Pangungusisa ni Maxie. 

"Anong kami? Sila." Inis na sagot ko at binuksan na ang shotgun ng sasakyan niya. Ibinaba ko ang bintana at saka dinungaw si Gracia at Aiza. Magkalapit lang ang bahay nila at may sasakyan din si Gracia kaya sasabay silang dalawa. 

"Malamang kayo. Anong ginagawa mo sa dorm ni Ma'am Gayle at bakit naiwan yung tie mo roon?" Tanong ni Maxie habang sinusuot yung seatbelt niya. 

"Mauna na kami?" Tanong ko sa dalawa sa labas. 

"May utang kang kwento sa'min, Kris." Umiiling na ani ni Gracia saka pumasok sa sasakyan niya. 

"Bye, Aiza." Kaway ko sa kaibigan at tumango lang ito. "Tara na." Kay Maxie naman saka sinuot ko na yung seatbelt ko. 

"So ano nga? Hindi ka talaga magkukwento?" Nakangiti kong binalingan si Maxie. 

Kami talagang dalawa iyong malapit sa isa't isa. Lalo na kapag dalawa lang kami. Nitong mga nakaraang araw lang hindi dahil hindi naman sumasakto ang schedules namin. Kapag late siya'y maaga ako at kapag maaga siya ay late naman ako. 

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now