OUR ENDING: THE ENDING

8.6K 309 171
                                    

'I love you...'

__

"Gayle, calm down." Lumapit sa 'kin si Dhayne at hinawakan ako sa braso. Humigpit ang pagkakahawak ko sa railing ng hagdan. 

"Bakit ka nandito? Anong ginawa mo sa kanya?" Mariin pa ring tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa sariling ama. 

I was about to burst out when Kris stood up and went outside, running.

"Kris!" I called her name and ran after her.

I heard Dhayne and others calling my name too but I didn't mind them. All I was thinking at that time was what was happening to Kris. What did my father tell her that she was crying? 

"Kris? Saan ka pupunta? Kris!" I pulled her wrist to stop her from running. Agad niya iyong binawi. 

"U-Uuwi na po 'ko, Ma'am. Gusto ko na pong umuwi." Umiiyak na aniya. 

"What happened? Anong sinabi ni Dad sa 'yo? Bakit ka umiiyak, Kris?" I asked. Nakalimutan ko na rin ata ang sariling kalasingan. 

"Hindi ko po alam, gusto ko nang umuwi-" 

"Kris, please pag-usapan natin 'to." 

"Gusto ko na pong lumayo sa inyo." She sobbed.

"Baby, listen to me." I held both of her cheeks and lifted it to look at me. Namumula iyong mga mata niya at basang basa iyong pisngi niya. "You promised to trust me right? You trust me, right?" Nagsusumamong tanong ko. 

Umiling siya. "I trust you, Gayle. Pero hindi ko na alam ngayon." 

"Anong sinabi ni Dad sa 'yo? Bakit bigla kang nagkakaganyan?" 

"Gayle ikaw ba kung hihilingin ko sa 'yong lumayo sa 'kin. Gagawin mo?" She asked. Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Nangibabaw ang kaba sa dibdib ko at biglang nanlamig ang buong katawan ko. 

"Kris… d-don't do this to me." Mahinang tugon ko. Ang mga luha sa 'king mga mata ay nagbabadya na rin. 

"Your Dad told me that I was ruining you. Is that true?" 

"No, no Kris. We talked about this already, right? I told you he will do anything to ruin us. I don't need him-" 

"Hindi ba talaga, Ma'am?" 

"Kris…" 

"Sinasabi mo lang na hindi mo siya kailangan at pagod ka nang magmakaawa sa pagmamahal ng Daddy mo but I know deep inside, gustong gusto mo pa ring mahalin ka niya at tanggapin. At walang mali roon, Gayle."

Parehas kaming natahimik. I couldn't explain to her because of the frustration I felt that time. Natatakot akong mali ang lumabas sa bibig ko. Na mas lalo ko lang siyang mabigyan ng rason para ipagpatuloy ang kung ano man ang nais niya. 

"What I feel for you isn't just a playtime, Kris." Mahinang ani ko, tuluyan nang binasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Yumuko ako upang tignan ang sarili kong mga paa. Takot akong nakikita niya 'kong umiiyak. Takot akong baka bigla nalang siyang umalis. Takot akong baka hindi na mababago ang desisyon niyang umalis.

At mas natatakot akong kung hahayaan ko siyang umalis ay iyon na ang huli naming pagkikita. 

"I will do everything para sa 'yo. I already fell deeper at alam kong alam mo 'yun. Maayos tayong nag-usap hindi ba? I became honest with you. Please don't let my father poison your mind, Kris."

"Yun nga yung mali Ma'am eh. Because you will trade everything for me. Kaya mong ibigay lahat ng kung anong meron ka, ako? I have nothing to offer." 

"I'm not asking you for anything, Kris." 

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now