CHAPTER 18

7K 299 82
                                    

‘I hate that kiss…’

__

Nakasimangot akong bumalik sa inuupuan habang dala dala pa rin ang paperbag na bigay ni Ma'am Gayle. Ako man ay hindi naintindihan ang naging kilos niya kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin sa paper bag na bigay niya. 

Pwede naman kasing sabihin ng deretso, hindi yung magagalit nalang bigla bigla. Naghintay daw siya ng three hours? Bakit? Sino hinintay niya? Ako ba? Hindi ko naman sinabi na hintayin niya 'ko ah? 

"Ano yan?" Tanong ni Julya saka sinilip ang laman ng paperbag. Agad ko iyong iniwas sa kanya at sinara. 

"Daliri ng tao at dila ng palaka." Sagot ko at agad na tumawa nang pandirian niya ang sinabi ko. 

Nilapag ko iyon sa sahig, sa tapat lang ng upuan ko at agad na umupo. Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-vibrate iyon dahil sa isang text message. 

From: Ma'am Gayle Ioni Servano 
Fourth floor. Now.
12:47PM 

Grabeng 'to. Ano bang akala niya sa 'kin aso? Bahala siya riyan. Hindi ako magrereply.

Itatago ko na sana ang cellpgone sa bulsa nang bigla akong nakaisip ng kalokohan kaya agad ko siyang nireplyan. 

To: Ma'am Gayle Ioni Servano
Ano pong meron? Nasusunog po ba?
Sent! 

Tawang tawa ako nang isend 'yon. Nakiusyoso pa si Julya at sumilip sa cellphone ko kaya iniwas ko iyon sa kanya. Nagtataka ata siya kung bakit natatawa ako habang may ginagawang kalokohan sa cellphone ko.

Muli akong tumawa at nagtipa ng mensahe dahil hindi na siya nagreply pa. 

To: Ma'am Gayle Ioni Servano 
O may snow po ba jan? 
Sent! 

Tawang tawa ako nang isend iyon. At kung gaano kabilis pumasok ang kalokohan sa utak ko, ganon din kabilis akong napatayo at nawala ang tawa ko nang makitang nakatayo si Ma'am Gayle sa may pintuan at masama ang tingin sa 'kin. 

"P-Pupunta na po." Medyo nilakasan ko iyon dahil medyo malayo ang upuan ko sa pinto. 

Peste naman. Kaya pala hindi na nakapagreply. 

Kinuha ko ang paper bag na mula sa sahig at saka dinala iyon. Nakaalis na siya at hindi ko na siya naabutan pang naglalakad. Ang bilis niya. 

Pagpasok ko sa office niya ay nakaupo na siya sa sofa at may inaayos na first aid kit. Lumapit ako sa kanya at nilapag ang paper bag sa center table. 

"Sit, I'll treat your wound." Aniya at saka hinila ang kamay ko. Nilapag niya iyon sa lap niya at sinimulang tanggalin ang bandage. 

"Magaling naman na po yan, hindi na siya masakit." Sambit ko na hindi naman niya pinansin. Pinagpatuloy niya ang paggamot sa sugat ko at pagkatapos ay nilagyan iyon ng bandage. 

Totoo namang hindi na iyon masakit. Tingin ko nga ay naghilom na iyon ng husto kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang sira pa rin siyang naglalagay ng gamot doon. 

“Come here every lunch so that I can treat your wound.” aniya habang nag-aayos na ng mga ginamit niya. 

“Hindi naman na kailangan kasi tingin ko magaling naman na yung sugat ko.” kapagkuwa’y sinuri ko pa iyon ay tinapik tapik upang ipakita sa kanyang magaling na nga at hindi na siya masakit. 

“Don’t be stubborn, alright?” umirap siya saka tumayo at bumalik na sa table niya. 

Kinuha ko ang dalang paper bag kanina at dinala iyon sa mesa niya. Umupo ako sa silyang nasa harap lang ng table niya. 

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now