CHAPTER 14

7K 267 165
                                    

'Sabagay, hindi ko naman kailangan ng permiso mo kapag niligawan kita.'

__


"Paki-abot ng wristband mo." Utos ko sa isang member at inabot niya iyon sa 'kin. Inangat niya ang kamay, inilahad iyon sa 'kin kaya sinuot ko iyon sa kaliwang kamay niya. Ganun din ang ginawa ko sa kanan. 

Kinuha ko ang collar niya at maingat iyong sinuot sa kanya. Tinignan ko ang skirt niya kung maayos na at saka nilagyan siya ng headdress. 

Tumutulong ako sa designers na bihisan at ayusan ang mga ka-team dahil dalawang oras nalang ay magsisimula na ang competition. Ganun din ang ginagawa ni Russel at Mika. Tatlo kaming hindi pa naka bihis dahil abala pa ring unahin ang iba. 

Maliban sa designer committee, naroon din si Ma'am Gayle na abala rin sa pagcheck ng props at si Ms. Servano at Ma'am Jade na naghahanda ng music na ipapasa sa music coordinators.

Si Dhayne yung isa sa mga tumutulong maglagay ng make up at ayusin ang buhok ng mga dancers na nagprisintang sasama kahit may klase pa ang ibang students. 

"Dhayne, tapos ka na?" Rinig kong tanong ni Mika kay Dhayne. 

"Oo, si Kris na isusunod ko." Tugon ni Dhayne kaya nilingon ko sila. Abala pa 'ko sa isa pang member na nagpatulong ayusin ang damit niya. 

"Hindi pa naman tapos si Kris. Ako na muna unahin mo." Ani Mika at umupo na sa harap ni Dhayne kaya wala siyang nagawa kundi magsimula na. 

"Ma'am, marunong ka po bang mag make-up?" Tanong ni Russel kay Ma'am Gayle. Pinagpatuloy ko ang pag aayos sa ka-team. 

"Yes. But I'm busy." Sagot ni Ma'am Gayle. Ngumuso ako at inayos ang pagkakahook ng skirt ng inaayusan ko at saka nilagyan siya ng headdress. 

"Okay na ba yung higpit? O mas hihigpitan ko pa?" Tanong ko at saka inadjust ang headdress niya. 

"Okay na po." Aniya kaya inayos ko na iyon. "Salamat po." Nakangiting aniya at umupo na sa pwesto para hindi na niya magalaw at masira ang costume. 

Ako na ang huli na hindi pa naaayusan at nakita kong may isang makeup artist na wala nang ginagawa kaya tinawag ko siya. 

"Tapos ka na ba? Ako na-" natigil ako nang nay humila sa braso ko. Nilingon ko iyon at nakita si Ma'am Gayle. 

Pinaupo niya 'ko sa silya, sa tapat ng malaking salamin. "Bakit po, Ma'am?" Takang tanong ko. Tinignan ko siya habang kumukuha ng makeups sa sarili niyang bag. Pati yung brushes at kung ano ano pang hindi ko kilala ang tawag.

"I'll do your makeup." Aniya at hinawakan ang chin ko para iangat ang mukha ko. "Close your eyes." She instructed na agad ko namang ginawa. 

Hindi ako maalam sa make up kaya hindi ko alam kung ano ang nilalagay niya sa mukha ko. Nakasandal lang ako sa silya at nakatingala sa guro habang nakapikit. 

Maya-maya'y naramdaman ko na ang make up brush niya sa mata ko. Ilang minuto ang tinagal non bago siya natapos. 

"Open your eyes." Sambit niya na sinunod ko naman. Halos mapaatras ako nang mapansing nakaupo siya sa high chair at ang kanang tuhod niya ay nasa pagitan na ng dalawang legs ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Kahit iyong mukha niya ay medyo malapit na rin sa mukha ko.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin kaya natigilan siya. "Why?" Tanong niya. Ako lang ata itong naiilang sa posisyon naming dalawa. 

"Masyadong malapit Ma'am, distansya ng konti." Sambit ko saka awkward na tumawa. Pinipigilan ang kabang nagsisimula na namang mamuo sa dibdib ko.

Our Ending [OUR SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon