CHAPTER 26

7.4K 325 175
                                    

They kissed...

__

I was browsing through my social media accounts that I wasn't able to open for almost a month already when my friend, Gracia, entered the office. I looked at her with confusion. Mukha kasi siyang nagmamadali dahil mabilis siyang lumapit sa table ko.

Ma'am Gayle was still in her class and our last subject for the day just ended thirty minutes ago. I went straight to her office and started to browse the internet until Gracia came.

"What? Why?" tanong ko habang nakaangat ang tingin sa kanya. I was still holding my phone.

"The blind date we set for you is already tomorrow, iinform lang kita baka makalimutan mo." mahinang sambit ni Gracia, halos pabulong iyon.

"Um-oo ba 'ko?" nagtataka ulit na tanong ko.

"No. But you didn't say no either. So, tomorrow it is." aniya at dumeretso na sa labas, hindi man lang hinintay ang sagot ko.

Well, hindi ko pa nasabi kay Ma'am Gayle na aalis ako at hindi rin ako sigurado kung papayag siya. At hindi rin naman ako sigurado kung kailangan ko pa bang ipaalam sa kanya ang mga ganung bagay.

It's been almost two weeks mula nong napag-usapan namin ang blind date na iyan at ngayon lang ulit in-open ni Gracia ang ganyang topiko kung kailan bukas na iyon magaganap.

My routine did not change. Sa loob ng dalawang linggo ay patuloy pa rin ang pabalik balik ko dito sa office ni Ma'am Gayle. Ang mga kaibigan ko naman ay hindi ko na rin halos nakakausap, si Dhayne nalang palagi ang lumalapit sa 'kin sa tuwing hindi ko kasama si Ma'am Gayle.

Hindi rin ako magawang pansinin ni Maxie. Kahit tuwing research namin ay hindi siya nagsasalita kung hindi rin naman importante. Masama ang tingin niya sa 'kin at nagtatampo siya sa hindi ko malamang dahilan.

"You've been very busy na kahit sa research natin ay nagce-cellphone ka? Nandito ka nga pero yung utak mo kung saan saan lumilipad." inis na sambit niya nang minsa'y gumawa kami ng research at may konting sagutan na naganap sa pagitan namin.

Hindi ko nalang iyon pinansin. Baka nga, bad mood lang talaga siya nung mga araw na iyon at baka may mali rin ako. Hindi ko alam.

Mabilis na napalitan ang mood ko nang pumasok si Ma'am Gayle sa opisina niya. May dala dala siyang tatlong clear folder at iyong handbag niya. Ngumiti ako saka kinuha na ang bag ko upang ayusin iyon.

"Ang aga mo ngayon Ma'am, ah?" nakangiting turan ko sa kanya.

"Yeah, actually I decided to do my tasks in our dorm." sagot niya saka isa isang nilapag at inayos ang mga dala niya.

"Marami ka bang gagawin, Ma'am?" tanong ko at pinagmasdan ang ginagawa niya.

"Yeah. I think I'll be very busy this weekend." sagot niya.

Siguro, mabuti na rin iyon. I should open the topic about the blind date pero hindi ako makahanap ng tyempo. Mukhang busy naman siya ngayon and I think hindi naman niya iyon mabibigyan ng pansin.

"Are you free tomorrow?" Tanong niya kaya iyon na rin siguro ang cue ko para sabihin sa kanya ang totoo.

"Actually, n-no." Mukhang nag aalangan pang sagot ko kaya umangat ang nagtatanong niyang tingin sa 'kin.

Ngayon niyo lang ba akong narinig na umayaw sa inyo since nag confess ako, Ma'am?

"Why? You have another agenda tomorrow?"

"Ahm, may ano kasi. Blind date na si-net si Aiza sa online daw. Ayaw niyang pumunta kaya ako nalang daw." Humihinang sagot ko.

"I thought you're not on good terms with your friends?" Tanong niya kaya nagtaka ako. "That's the thing that I want to talk to you but we're both busy. You're not doing well in your acads, Kris. Do you know that?" Seryoso nang tanong niya.

Our Ending [OUR SERIES #1]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt