CHAPTER 22

7K 265 153
                                    

'She's just my student…'

__

"Hindi ba kayo magpapasko sa inyo?" Tanong ko kay Ma'am Gayle habang inaayos ang sintas ng sapatos ko. Pinagpag ko ang pantalon saka tinignan siyang nakahiga lang sa kama niya. Handang handa na siya sa pagtulog.

"No." Mahinang sagot niya saka humikab pa. 

Tumawag sa 'kin si Mama kanina at gusto niyang bago mag ten ng gabi ay nandoon na ako upang sabay sabay naming sasalubungin ang kapaskuhan. Kaya mabilis akong nagbibihis ngayon dahil malapit nang mag alas diyes. 

Mula kasi sila sa pagsamba. Kami naman ay hindi na nagawa iyon dahil nawili kami sa panonood ng palabas kanina. Alam kong hindi maganda iyon kaya babawi nalang siguro kami sa bagong taon.

"Eh mag-isa lang po kayo rito. Sumama nalang po kaya kayo sa 'kin?" 

“No thanks, I can manage.” 

“Alam ko naman po na kaya niyo eh. Pero gusto ko pong magcelebrate kayo ng Christmas kasama kami.” 

“Stop it, Kris. I am used to celebrating Christmas alone.” 

Natigilan ako. Nilapitan ko siya saka hinila ang kumot na nakatakip sa pang ibabang katawan niya. “This time, hindi ka na mag-iisa kasi nandito na ‘ko at yung pamilya ko. Saka bakit hindi ka nakiki-celebrate sa family mo?” I reached her hands and pulled her to get up. 

“My father hates me, Kris.” tamad na aniya kaya natigil ako sa paghila sa kanya. Umupo siya saka sumandal sa headboard ng kama niya, saka ako tumabi upang pakinggan siya. 

“Paano niyo naman po nasabi?” tanong ko. Kahit alam ko naman na totoo ngang ayaw sa kanya ng tatay niya. The way her father treated her says it all. “Saka bakit ba ang init ng dugo sa inyo ng Daddy mo?” Malumanay na tanong ko.

"You really wanted to know?"

"Opo."

“Well, I failed him when I was in grade school. He was expecting me to top my class but I wasn’t able to reach his expectation. He ended up beating me and my grandmother knew about it.” panimulang pagkwento niya. I sat there, beside her listening as her voice started to break. 

“Since my father is a very popular business man, what happened gained a lot of public attention which caused his business to go down…” She cleared her throat. “And when my grandma died, her last will stated that all her properties and business must be put under my name and that angered my dad so much.” 

“Until now, I am still doing my best to bring his trust back.” nilingon niya ‘ko kaya nagkatinginan kaming dalawa. Her eyes was full of sadness. Para bang sinasabi niya sa ‘kin na iyon ang pinaka pangarap niya sa lahat, ang maibalik ang tiwala ng ama niya. 

“And I swear that I will do anything, and give up anything for his love.” she said in despair. Napalunok ako dahil ramdam ko iyong pangungulila niya sa ama niya. Iyong sakit na napagdadaanan niya upang makuha lang ang pagmamahal ng ama niya. 

I can somehow relate to her pero iba kasi iyong sa kanya. Mas malalim at mas masakit. 

Pero sa kabilang banda, mali. How should I tell her na maling magmakaawa sa pagmamahal ng daddy niya because the love she’s desperate for is conditional love. But I can’t judge her though. 

All I can do is to support her, be there for her. 

"I'm sure na ginagawa niyo naman po lahat and at the end of the day, makukuha niyo rin po yung gusto niyo." 

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now