CHAPTER 12

6.2K 299 204
                                    

Did I just let myself get fooled by her again? Did I just let my guard down in front of her, again? 

__

Nagulat sina kuya sa sala pagpasok ko sa bahay namin. Nanonood sila ng TV ni Ate Jami sa sala at dere-deretso akong umakyat sa kwarto ko.

Narinig ko ang pasigaw na tanong ni kuya kung bakit daw ako naroon na hindi ko naman iyon sinagot. Ikinulong ko ang sarili sa kwarto at mag-isang dinamayan ang sarili sa sakit na nararamdaman.

Mula ako sa park malapit sa bahay namin. Nagpalipas ng oras hanggang alas sais ng gabi at kakauwi ko pa lang.

Namumula pa ang mga mata ko kakaiyak kanina at medyo basa pa yung pisngi ko. Ayokong makita ako nina kuya sa ganitong sitwasyon. Ayokong mag-alala si Mama sa 'kin. At mas lalong ayaw kong malaman nila ang nangyari sa 'kin. 

Katulad ng mga tao sa paaralan, ayokong makita silang hindi ako pinapaniwalaan. Ayokong masira yung expectations ko na iintindihin nila ako. Dahil alam kong kapag narinig nila ang side ng mga teachers na in-charge sa dance team at ni Ma'am Gayle ay maniniwala sila sa kanila. 

Kinuha ko ang cellphone upang tingnan iyon. Huling bukas ko noon ay nung tuesday pa. Binigay lang iyon sa 'kin ni Ma'am Gayle nong wednesday dahil naiwan ko raw iyon sa mesa niya.

Marami ngang texts at tawag doon mula sa teammates ko. Yung iba, galing kay Mika at Russel at karamihan ay galing sa mga kaibigan ko. May unknown number din doon na nagpakilalang si Ma'am Jade. 

Text messages na nagtatanong kung saan ako at bakit hindi ako pumasok. Yung iba naman ay nag iinform na may practice kami ng buong araw. 

Kinalikot ko iyon at tinignan kung bakit hindi man lang iyon tumunog at nakitang naka do not disturb yung mode ng cellphone ko. 

In-off ko ang do not disturb ng phone at nilapag iyon sa gilid ko. Pinikit ko ang mga mata at inalala ang lahat ng nangyari nitong umaga. 

Kung paano akong pinagtulungan sa kasalanang hindi ko naman ginawa.  Kung paanong nagmukha akong tanga kakapaliwanag na nauwi lang sa wala. At kung paanong winasak ni Ma'am Gayle ang katiting na pag-asa sa puso ko na maipagtatanggol pa niya 'ko.

Nakatulugan ko ang pag-iisip at nagising lang nang tumunog ang phone ko. Napatingin muna ako sa oras bago iyon sagutin. 

Nilagay ko iyon sa tenga ko at hinintay na magsalita si Maxie na nasa kabilang linya. 

"Punta ka raw sa practice mamaya" Malamig na aniya at agad kong binaba ang tawag. Syempre, alam kong galit sila at nagtatampo sa 'kin. 

Pangarap naming apat iyon at hindi na 'ko magtataka kung pati sila ay paniwalang paniwala sa nangyayari ngayon. Mage-expect pa ba 'kong iintindihin nila 'ko? Hindi na. 

Oo't mga kaibigan ko sila ngunit yung tao nga mismong alam kung ano ang totoo'y nagawa akong manipulahin, ano pa kaya silang wala namang kaalam alam sa nangyari sa 'kin.

Tamad akong bumangon at naligo sa banyo. Nagbihis ako ng isang itim na jogging pants at puting maluwag na tshirt. Pinaresan ko iyon ng puting sapatos at binitbit ang maliit na spare bag na nasa kwarto. 

Buti nalang may natirang gamit ko rito. Dahil kung wala, ewan ko nalang. 

Bumaba ako at walang lingong dinaanan lang si Kuya. Kung maaari sana'y ayokong may makausap sa araw na 'to. Gusto kong manahimik at mag-isip ng tahimik. 

Ramdam kong ilang araw na akong dehado at hindi man lang nagkaroon ng oras para sa sarili ko. Siguro, ito na 'yon. 

Tahimik akong sumakay sa jeep at nagdasal na sana hindi na 'ko aabot sa ASU. Na sana, biglang mag u-uturn si kuyang driver at idaan kami kung saan saan. 

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now