CHAPTER 7

8K 345 252
                                    

'This is the only food that I can offer... for now.'

__

“If ever… If ever I’ll ask you to stay away from Dhayne, would you do it for me?” aniya.

Kunot noo ko siyang tinignan…

Bakit?

Ngumiti ako saka mahinang natawa dahil sobrang seryoso ng mukha niya.

“I don’t think ako yung dapat niyong pagsabihan ng ganyan kung sakali man, Ma’am Gayle.” tawa ko. 

Nagtaka naman siya saka nagtanong. “Why?”

“Si Dhayne yung lapit ng lapit sa ‘kin. I think kung sa ‘kin kayo hihingi ng pabor, medyo malabo.” 

“Can’t you avoid her?” 

“Pwede. Pero iisang klase lang kami. Guide niya ‘ko at tumutulong pa siya sa Dance Team.” Natahimik naman siya at bahagyang napaisip.

“I’ll do something about that. Just stay away from her.” seryosong aniya kaya mas nagtaka ako. 

Desidido ba siya? Akala ko noong una ay nagbibiro lang. Saka ko naalalang, oo nga pala’t hindi pala marunong magbiro ang isang ‘to. 

“I’m sorry but it’s a no, Ma’am.” mariing sagot ko saka pumasok na sa loob ng bahay. 

Kung may problema siya kay Dhayne ay problema niya yun. Hindi naman makatarungang sisirain niya ang kung ano man ang meron kami ni Dhayne dahil sa away nilang dalawa. 

Labas ako sa kanila ni Dhayne at labas din siya sa amin ni Dhayne. Gano’n din si Dhayne sa ‘ming dalawa. 

KINABUKASAN, alas syete pa lang ng umaga ay nasa paaralan na ‘ko. Hindi nakauwi si Mama kagabi at nagtext lang si Ate Maxine na mamayang gabi na raw uuwi si Mama. 

Tahimik akong nagbabasa ng printed hand-outs namin sa research nang pumasok si Dhayne. Humihikab pa siya at bahagyang nag inat bago tuluyang lumapit sa upuan niya at nilagay roon ang bag niya. 

“Kris! Kumusta araw mo kahapon? Anong oras ka nang umuwi?” tanong ni Dhayne habang papalapit. Ibinaba ko sa desk ang binabasa ko at nilingon siya. 

“Maaga pa. Tumulong lang ako kay Ms. Servano na ayusin yung Dance Hall at pumunta muna sa dorm ni Ma’am Gayle saka umuwi.” 

“Pumunta ka sa dorm ni Ma’am Gayle?” natitigilan siyang umupo sa upuan ni Aiza at nagtatakang tumingin sa ‘kin. 

“Oo. Naiwan ko yung tie ko roon diba?” sagot ko saka ibinalik ang mata sa binabasa. 

“Y-Yeah, sana sinama mo nalang ako.” mahinang aniya. 

“Hindi ko rin alam na pupunta ako roon. Nakita lang ako ni Ma’am Gayle sa waiting shed kaya inaya niya ‘ko sa dorm niya.” 

“Inaya ka niya? Sumama ka?” tinignan ko si Dhayne dahil nag-iba ang tono ng pananalita niya. 

“O-Oo, kasi sabi niya kunin ko na raw y-yung tie ko sa dorm n-niya.” paliwanag ko, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa tanong niyang iyon. 

Ang seryoso niyang mga mata ay sinusuri ang mata ko. Ilang minuto niya akong pinagmasdan bago bumaba ang tingin niya sa labi ko.

“What else did you do?” tanong niya. Hindi inaalis ang tingin sa mga labi ko. Tumikhim ako at umiwas habang kumakamot sa batok ko. Wala sa sariling binasa ko ang labi saka muling tumingin sakanya.

“Wala na, okay? K-Kumuha lang ako ng tie saka umuwi.” I tried not to stutter but I failed. 

“She took you home?” She said and reached to play my hair. 

Our Ending [OUR SERIES #1]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora