CHAPTER 10

8.1K 299 136
                                    

'Ayoko nga. Ano ka, swe?'

__

Inis kong tinapon ang panghuling damit sa loob ng closet saka pabagsak iyong sinara. Mag-isa akong nagliligpit ng gamit sa kwarto at mukha na 'kong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa itsura ko.

Hinawi ko ang buhok saka umupo sa kamang nakalaan para sa 'kin. Talagang pinalitan niya ng queen sized bed ang kama ko. Kulay puti 'yon saka 'yung baroque style yung binili niya.

Habang yung kama niya, pandalawang tao lang. At kulay itim pa. Hindi ako sanay sa ganito kalaking kama. Ang lapad na nga, sigurado akong sobrang mahal pa. Ang gastos niya talaga.

Pagpasok ko kanina sa kwarto ay gusto ko siyang pagalitan nong nakita kong iba na ang kama na nandoon, kung hindi lang namin kasama si kuya at ate Jami ay baka nagbangayan na kaming dalawa.

Pabagsak akong humiga sa kama saka kunot noong tinignan ang ceiling. Marami-rami pa 'kong dapat iligpit ngunit heto, napapagod na ako dahil na rin sa inis na nararamdaman.

Pumasok dito si Kuya kanina at saglit silang nag-usap nina Ma'am Gayle saka umalis din naman agad.

Marami pang binilin na kung ano-ano. Akala mo naman ay may dagat pa 'kong tatawirin bago makapunta sa bahay namin.

Nilingon ko ang gurong kakalabas lang ng banyo at nagpupunas pa ng buhok niya at naka bathrobe. Naligo ulit dahil naiinitan daw siya at grabe daw yung pawis niya kanina.

Ang arte.

Pumasok siya sa walk-in closet at sinara iyon. Napako ang tingin ko sa pinto non hanggang sa bumukas ulit at iniluwa si Ma'am Gayle na ngayon ay nakabihis at nakaayos na yung buhok.

Agad nanuot sa ilong ko ang pinaghalong gatas at pambata niyang amoy. Nakakaadik iyon at ang sarap sa pang-amoy. Nakakawala rin ng stress ngunit kapag nakita mo yung mukha ng may ganoong amoy, maiinis ka nalang bigla.

Pano ba naman kasi, ang sama na naman ng tingin niya sa 'kin. Dapat nga, ako yung naiinis sa kanya.

"Why are you so grumpy this afternoon? Is this still about you not being able to eat your breakfast?" Maarteng tanong niya at naglagay ng kung ano ano sa itsura niya.

"Anong breakfast? Dami mong alam. Hindi ako nagugutom." Pangatwiran ko saka bumangon upang ipagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko.

"Then what?"

"Ba't mo pinalitan yung kama? Hindi ka ba marunong magtipid? Andami mo namang pera, penge ako." Sarkastikong ani ko at naglahad pa ng kamay sa kanya.

"Sure. How much do you want?" Tanong niya habang nag aayos pa rin sa harap ng vanity table niya.

Gusto ko siyang hagisan ng unan. Kaso lang, nakakaawa yung unan. Mukhang ang mahal pa naman.

Ngayong dito na 'ko nakikitira, kailangan kong mag-ingat sa bawat galaw ko. Mukha kasing mamahalin ang mga gamit dito at baka imbes na kainin pa namin sa isang taon, ipambabayad pa namin sa damage kung sakali man.

"Hey! I'm asking how much do you want?" Tanong niya ulit.

"Higit pa sa kung magkano meron ka." Inis na sambit ko at itinigil ang ginagawa para lumabas ng kwarto. Lagpas tanghalian na at hindi pa rin kami nakapagtanghalian. Kanina pa kasi ako abala sa pag-aayos ng gamit ko at siya naman, kaka-entertain kina kuya kanina.

Hinatid pa niya sina kuya sa baba at medyo doon siya natagalan. Pagbalik dito sa dorm niya ay biglang nagreklamo na ang init at naligo.

Nagtaka pa nga ako dahil ang daming niligpit ni Mama. Ayaw na ata akong umuwi sa bahay namin at mukhang pinanindigan ang offer ni Ma'am Gayle na dito na tumira.

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now