CHAPTER 24

7.2K 307 80
                                    

‘Don’t put meaning behind those actions that I did to you, it means nothing to me.’ 

__

I don’t know what happened after that night. I just woke up feeling heavy in my head the next morning and I can’t remember anything that happened last night. 

Napahawak ako sa sentido ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Sinuri ko pa ang buong kwarto upang masigurong nasa tamang lugar nga ‘ko at kung may saplot pa nga ba ako.

The last thing I remembered last night was when Jiyo took me home. The rest became vague. I can remember some dialogues pero hindi ako sigurado kung nangyari ba talaga iyon. 

Wala na rin si Ma’am Gayle sa kama niya paggising ko. Gusto kong simulan ang araw ko, maligo at linisin ang sarili dahil ang lagkit ng pakiramdam ko ngunit napapangunahan ako ng katamaran at sakit ng ulo ko. 

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nagulat ako nang makitang ala una na ng hapon. Ang haba naman ata ng naging tulog ko? 

Tumayo ako upang tingan ang sarili sa salamin. Namumula ang braso ko at ang itaas na bahagi ng likod ko. Ganun din ang iilang parte sa legs ko. 

Inis kong binagsak sa kama ang katawan. Bakit ba kasi ako uminom kagabi? Nagtiwala naman ako kay Maxie na juice lang talaga iyong binigay niya sa ‘kin dahil alam naman niyang may allergy ako, pero bakit nagkaganto? 

Sa gitna ng katamaran ay sinikap ko pa ring tumayo upang maligo na at makapagbihis. Amoy alak pa ko at ang lagkit na rin ng pakiramdam ko. Para akong natuyuan ng pawis na mula sa ilalim ng araw. 

Naging mabagal ang pagkilos ko habang nagbibihis ng pambahay na damit. New year na at pupunta pa ‘ko mamaya sa bahay namin upang icelebrate iyon kasama ang pamilya ko. Dapat nga, nandun ako buong bakasyon ngunit dahil wala naman kaming lakad, dito na ‘ko namalagi sa dorm ni Ma’am Gayle. 

Maliban kasi sa wala naman akong libangan sa bahay ay wala ring kasama rito si Ma’am Gayle. 

Naabutan kong nag-aayos si Ma’am Gayle ng pagkain sa kusina. Isa isa niyang isinasalin sa bowl ang mga pagkaing nasa plastic pa at inihahain iyon sa mesa. 

“Ngayon ka lang din kakain?” tanong ko habang papasok sa kusina. 

“You’re awake. Congratulations, you’re still alive after drinking last night.” sarkastikong aniya. 

“Well, thanks.” mapaglaro ko siyang nginitian. Akala niya siya lang marunong. 

“But what I can’t take is that you were almost kidnapped last night because of your stupidity.” seryosong usal niya. Nakaupo na ‘ko sa silya kaya umangat ang tingin ko sa kanya. 

“What do you mean, Gayle?” tanong ko. 

“Jiyo, your friend? Almost took advantage of your drunkness and tried to kidnap you.” 

“Huwag ka ngang mapambintang. Saan mo ba nakukuha yang pinagsasabi mo?” 

“Last night while he was driving you away from Grace’s house, Dhayne tried to stop him because he was drunk. Dhayne chased after him but he drove faster, trying to take you with him somewhere else.” seryoso siya sa sinasabi niya. Na para bang siguradong sigurado siya sa sinabi. 

“Ma’am?” naguguluhang tanong ko. 

“I know I’ve done a lot of unforgiven things to you, Kris but believe me this time.” 

“Hindi magagawa ni Jiyo iyan, he’s been a very good friend to me…” 

“He’s already in prison, temporarily paying for what he did but we can’t sue him because there’s no physical evidence to what he did.” 

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now