CHAPTER 15

7.2K 346 241
                                    

'I was here two nights waiting for you to come home.'

__

"You don't want strawberry flavor?" Umiling ako kay Dhayne at saka naghanap ng ibang flavor na gusto ko. Marami raming flavor ang pagpipilian doon kaya medyo nag-aalangan pa 'ko.

"Vanilla and chocolate nalang." Sagot ko saka kinuha ang isang tab ng vanilla at isang tab ng chocolate ice cream. 

Paghahatian nalang siguro namin iyong dalawa. Hindi ko naman iyon maubos at halata namang medyo hindi mahilig sa ice cream si Dhayne. 

"Saan tayo pagkatapos natin dito?" tanong ko habang naglilibot kami't pumipili siya ng toiletries niya. Hindi na raw siya nag-abalang magdala ng mga iyon upang kahit maliit na maleta lang ang dalhin niya ay ayos na. 

"Balik tayo sa hotel tas baba tayo sa rock formation malapit sa dagat." aniya at kumuha ng tissue at wipes. 

Binilhan niya 'ko ng snacks at bumili rin siya ng stocks namin para hindi kami panay order ng pagkain sa hotel. 

"Masamang puro order. Less hustle kapag ikaw na yung nagluto." aniya. 

Iniwan niya ang mga binili namin sa guard at lumabas upang maglibot sa ilang parte ng mall. Hindi naman masyadong malaki ang mall kaya kung titignan ay medyo maraming tao at halos karamihan sa mga iyon ay dayo pa. 

Hindi ko naman kasi alam na kilala pala ang lugar na 'to. Hindi kasi pamilyar sa 'kin at hindi ko rin naman nakikita sa mga tourists spots o sa kahit anong magazine. 

Sunod niyang pinasukan ay ang bilihan ng cellphone. Nagtingin siya ng bagong model ng brand ng cellphone na ginagamit niya. 

"Bilhan din kita ng isa? Naka order na 'ko eh. So bawal na umayaw." tanong niya at nagulat naman ako. 

"Para saan?" 

"Para pairing tayo. Couple" aniya at ngumuso. 

Lumapit ako at tinignan ang price ng binili niya. Nagkatinginan kaming dalawa at malakas akong umayaw. 

Bigla kasi akong kinabahan sa presyo ng phone na bibilhin niya. Lagpas isang daang libo lang naman at dalawa pa ang bibilhin niya. 

"Why? Don't worry I'll just give it to you." muli akong umiling. Tinalikuran ko siya saka lumabas ng stall upang hindi na niya 'ko mapilit pa. 

Ang gastos niya naman. Pwede naman kasi niyang itago ang pera niya. Yayamanin. 

Pagkatapos niyang mamili ng phone, kinuha namin ang groceries na pinamili saka bumalik ng hotel at iligpit ang mga iyon. Tumagal kami sa taas ng halos dalawang oras at saktong tanghalian na kaya nagluto na siya. 

Ako naman ay lumabas upang bisitahin ang mga kaibigang nasa tapat lang ng room namin. 

"Mag-iinom kami mamayang gabi. Nagpaalam kami kay Ma'am Jade at sabi niya huwag lang daw magpakalasing talaga." ani Gracia habang nakaupo kami sa sala ng room nila at kumain sila ng chichirya. 

"Bawal naman ako jan eh." sambit ko. Hindi naman talaga ako makakarelate sa mga ganyang bagay dahil sa allergies ko. 

"Kaya nga, lalaro kami mamaya habang umiinom at babantayan naman kami ni Ma'am Jade eh." sagot ni Gracia. 

"Sumama ka nalang. Huwag ka nang uminom, sumali ka lang sa mga laro." si Aiza naman. 

Napansin kong tahimik lang si Maxie na nakikinig sa gilid at mukhang malalim ang iniisip niya. Nagkatinginan kaming tatlo at tahimik akong nagtanong sa kanila. 

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now