Chapter 3

78 5 4
                                    

Aron's POV

"A-ano kamo...?"

Sabay nilang tanong saka sila natulala nang sabay. Mukhang pino-proseso pa nang mga utak nila ang mga sinabi ko. Hinintay ko muna silang maka react hanggang sa...

"H-huy!! Hindi magandang biro iyang sinasabi mo pre! Hindi n-nakakatawa!" Namumutlang saad ni Jerome habang tumitingin tingin sa aming paligid.

"O-oo nga naman p-pare! B-baka naman n-namalik mata kalang sa n-nakita mo kanina." Kabadong dagdag ni Adan habang kumakamot kamot sa kaniyang batok.

Napa buga naman ako nang malalim na buntong hininga saka sinang-ayunan ang mga sinabi nila.

"Baka nga tama kayo. Baka nga namalik mata lang ako sa nakita ko." Sambit ko pero sa loob loob ko ay tila hindi parin ako kumbunsido sa mga sinabi nila. Pakiramdam ko ay nasa paligid lang namin si Chary.

Umiling nalang ako ng mabilis saka sila inaya na bumalik na sa aming classroom.

Sabay sabay naman kaming bumalik sa classroom namin saka naupo sa mga upuan dahil mag sisimula na ang klase namin. Mag kakatabi lang kaming tatlo kaya alam kong natatakot parin sila at inaalala parin nila ang sinabi ko kanina.

Halata kasi sa kanila na hindi sila mapakali sa kanilang inuupuan at ilang beses narin silang lumilingon sa akin.

Napa iling nalang ako ng mahina saka ibinaling sa labas nang bintana ang aking mga mata. Hindi naman kasi ako maka pag concentrate sa pinag-aaralan namin eh.

Muli naman akong nag pakawala nang isang malalim na buntong hininga nang muling may mahagip ang aking mga mata na dalawang babae.

Dalawang babae na may tig-isang pulang payong at nag lalaro sa labas nang habulan. Parang binuhusan naman ako nang malamig na tubig habang pinag mamasdan sila.

Matagal tagal din akong naka titig sa kanila hanggang sa huminto sila sa pag hahabulan at saka sila dahan dahan na tumingin sa aking gawi.

Nabitiwan ko nalang ang aking ballpen at nahulog ito sa sahig. Mabilis din akong napa tayo at napa layo sa aking kinauupuan.

Ramdam ko 'rin ang malalakas na kabog nang aking dibdib at ang pag daloy nang malalamig kong pawis sa aking leeg at noo. Hinahabol ko rin ang aking hininga at nanlalambot din ang aking mga tuhod.

Hindi ko alam ang aking gagawin habang hindi maialis sa bintana ang aking paningin nang marinig ko ang boses ng guro namin, at maging ang boses nang mga kaibigan ko na siyang gumising sa aking pagkaka tulala.

Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko saka sila binigyan nang isang makahulugang tingin nang bigla akong tanungin ni Ma'am.

"Aron? Ayos kalang ba? Bakit na mumutla ka? May sakit ka ba? Gusto mo bang ipadala kita sa clinic anak?" Pag tatanong sa akin ni Ma'am Bambi.

Mabilis naman akong tumango at sinabing mag papasama ako sa aking mga kaibigan. Inalalayan naman nila ako sa aking pag lalakad dahil nanlalambot parin ang aking mga binti.

Nang maka labas kami nang classroom ay imbis na sa clinic ako nag padala ay hinila ko sila papalabas nang school building namin at saka sila dinala sa puno kung saan kami laging tumatambay.

"Pare? Anong ginagawa natin dito sa tambayan natin? Akala koba sa clinic ang punta natin?" Nag tatakang tanong sa akin ni Adan.

"Baka Naman gusto mo lang tumakas sa klase ah? Naks Ang galing nang acting mo pre!" Puri pa sakin ni Jerome sabay tapik sa aking balikat.

Umiling iling naman ako saka napa hawak sa aking dibdib nang makaramdam ako ng kirot mula rito.

"Oh! Ayos kalang ba talaga? Pumunta muna kaya tayo sa clinic para ma-check ka?" Nag aalala nilang sambit pero mabilis kong hinawakan ang kanilang mga balikat saka ito pinisil.

Medyo napa daing pa sila dahil sa lakas nang pag pisil ko rito ngunit nanatili akong naka titig sa kanilang mga mata.

Humugot muna ako nang hininga bago nag salita. "Jerome, Adan, Hindi na ako nag bibiro at siguradong hindi na din ako namamalik mata sa nakita ko." Napa lagok naman sila nang sabay habang pinapakinggan ako sa aking mga sinasabi.

"Kanina sa may classroom habang nag ka-klase tayo ay naka tanaw ako sa bintana. Habang naka tanaw ako sa bintana ay may nakita akong dalawang babae na nag lalaro nang habulan sa harapan ng school building natin. Pareho silang may hawak na pulang payong. T-tapos..." Napa bitiw naman ako sa kanila dahil hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang nakita ko.

"T-tapos ano?" Kabadong tanong sa akin ni Adan. Nilingon ko naman siya saka binigyan nang isang takot na ekspresyon na siyang naka pag palayo sa kaniya nang isang hakbang.

"Tapos... nakita ko siya... nakita ko ulit siya na may kasamang ibang babae. Tumingala sila sa gawi ko saka nila ako nginitian. Ngiti na hindi ko makuha ang kahulugan nito. Basta ang alam ko ay may gusto silang ipahiwatig sa akin." Napa sabunot naman ako sa aking buhok saka nag lakad paikot ikot.

Napansin ko naman na napasabunot din sila sa kanilang mga buhok saka nag lakad nadin pabalik balik na tila may malalim ding iniisip.

"Pre, hindi kaya may gusto siyang ipakita sayo kaya siya nag papakita sa'iyo?" Biglang turan ni Adan pagka tapos nang isang minutong pag iisip at katahimikan.

Tumango naman si Jerome saka ako binigyan nang isang kakaibang tingin. "Tama siya, malamang ay ganoon nga ang nais niyang ipahiwatig sa 'iyo pre." Pag sangayon ni Jerome sa sinabi ni Adan.

"Ang tanong ano naman ang gusto niyang ipakita sa akin?" Naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa.

Nagka tinginan naman silang dalawa. "U-um..." Sabay nilang turan saka napa kamot sa kanilang mga batok na tila hindi alam ang sasabihin.

"H-hindi namin alam eh." Sabay nilang sambit.

Muli namang may nabuong katahimikan sa aming pagitan nang bigla nalang pumitik si Jerome na tila may naisip.

"Oo tama! Naalala kona!" Saad niya na nakapag pakunot sa mga noo namin ni Adan. "Ang alin?" Sabay naming tanong sa kaniya.

"Naalala ko na, may ikinuwento sa akin ang lola ko noon patungkol sa ganitong pangyayari. Sa pag kakaalam ko ay nangyari na ang ganitong pangyayari kay lola." Aniya. Nag palitan naman kami ng tingin ni Adan saka muling bumaling sa kaniya.

"Tapos?" Sabay naming tanong.

"Ganito kasi, puntahan natin si lola tapos itanong natin ang mga nangyari sa kaniya noon. Malamang ay may alam siya sa mga nangyayari sa'yo ngayon." Suhesyon nito.

Sandali munang may namuong katahimikan sa aming tatlo bago kami nagsi sangaayunan at hindi na nag sayang pa nang oras at nag punta na kami sa bahay ng lola ni Jerome.

"Pupuntahan natin siya sa Davao." Sambit ni Jerome na tinanguan nalang namin.

Ano kayang makukuha naming sagot mula sa lola ni Jerome? Gusto ko na talagang malaman ang dahilan kung bakit hindi parin nananahimik ang kaluluwa nang aking kapatid. At gusto ko naring malaman ang dahilan kung bakit siya patuloy na nag papakita sa akin.

"Kuya..."

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now