Chapter 13

44 4 0
                                    

Jerome's POV

Dinala muna namin sa bahay nila lola si Meki bago kami muli tumakbo papasok ng kakahuyan.

"Saan mo sila nakitang pumunta?" Tanong ko kay Jake. Napa isip muna siya sandali bago tinuro ang gawing kanan. Dali-dali Naman kaming kumanan at ito agad ang tumambad sa amin.

Halata ang matinding takot sa mga mata ni Aaron habang naka masid sa babaeng naka luhod ngayon sa kaniyang harapan. Pansin ko rin na may kasama siyang isa pang babae.

"Ate Saf?" Mahinang sabi ni Jake. Mabilis ko naman siyang nilingon at saka siya binigyan ng nag tatakang tingin.

"Sino kamo? Si Saf? Diba patay na sya?" Pag ka sabi ko no'n ay kusang lumingon sa harapan ang aking paningin at ang mukha ni Saf ang una kong nakita.

S-si Saf nga? P-paano—?! Hindi kaya minumulto nila kami?

"Po?!"

"Pasensya na ijo. Hindi namin alam kung anong nangyari kay Saf. Basta ang alam lang namin ay natagpuan siyang wala nang buhay ng dalawang estudyante sa paaralan ninyo." Maluha luhang saad ni Tita Sera— Mama ni Saf ang girlfriend ni Aron.

Mahahalata naman sa mga mata ni Aron na hindi siya na niniwala sa mga sinabi ni tita sa kaniya. Paulit ulit siyang umiiling na tila hindi na niniwala kahit na nakita na nito ang walang buhay na katawan ng taong mahal niya.

"Sandali lang akong nawala. Pagka tapos...." Hindi na nga nito kinaya pa at napaluha na nga siya.

"Bro." Agad naman namin siyang dinaluhan ngunit agad din siyang tumayo at nag lakad papaalis. Matapos no'n ay hindi na namin siya nakitang itinuntong ang kaniyang mga paa sa lugar nina Saf nung araw na iyon.

"Aron." Mahina kong pag tawag sa kaniyang pangalan ngunit tila hindi niya naririnig ang aking pag tawag.

Dahan dahan namang lumapit sa akin si Saf na tila may balak sa aking masama. Pero ang kakaiba lang sa akin ay tila hindi manlang ako naka ramdam ng matinding pagka takot.

Kalmado lang ako. Kalmado lang ang pag tibok ng puso ko na tila walang mangyayari sa aking masama. Siguro ay nasanay lang ako maka kita ng mga kagaya nilang multo.

Nang maka lapit sa akin si Saf ay unti unting may nabubuong malambot na ngiti sa kaniyang mga labi. Ngiti na hindi katulad ng sa mga ibang multo na nag papakita sa amin. Dahil siya... kahit na puno na ng dugo at kalungkutan ang kaniyang mukha ay tila para parin siyang isang anghel na bumaba sa lupa para lang ngitian ako.

"Umalis na kayo sa lugar na ito."

Parang um-echo naman sa aking ulo ang kaniyang sinabi. Mag tatanong pa sana ako kung bakit ngunit agad siyang nawala sa aking paningin.

Para kaming nasa movie.

Salitang pumasok sa aking isipan. Ngunit agad akong natauhan Ng Marinig ko Ang nag hahabol na hiningang boses ni Kat.

"A-alis na. D-darating na sya." Napa tingin naman kami kay Kat na naka hawak sa kaniyang tiyan habang naka tingala sa langit.

Nilingon naman niya ako saka niya ako binigyan ng isang makahulugang tingin. Hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang ipahiwatig pero ang alam ko ay binibigyan niya kami ng babala.

"Umalis na kayo. Darating na si Chary." Dagdag pa nito bago siya nag iwas ng tingin sa akin.

Nagka palitan naman kami ng tingin tatlo bago kami nag tanguan at saka kami sabay sabay na nag lakad papaalis kahit na nag tataka kami kung paano Sila napunta sa Lugar na ito. Napa hinto lang ako sa pag lalakad ng mapansin kong hindi siya susunod sa amin.

"Hindi kaba sasama sa amin?" Tanong ko sa kaniya ngunit tanging pag iling lang ang isinagot niya.

"B-bakit?" Tanong ko sa kaniya ngunit nanatili lang siyang naka tingin sa langit ng ilang segundo. Nang mapansin niyang hindi ako aalis hangga't hindi nalalaman ang sagot niya ay agad siyang lumingon sa akin saka ako binigyan ng inis na tingin.

"Alam mo kase kahit saan ako mag punta susundan lang ako ni Chary. Kaya hindi kona siya papahirapan pa kung gusto niya akong patayin." Saad nito na aming ikina gulat.

"Bakit ka naman niya papatayin?" Tanong ko muli sa kaniya. Napa ikot mata naman siya saka ako nilingon at saka siya umupo at siya akong sinagot.

"Hindi ninyo ba alam? Ako ang nasa likod ng mga pambubuling nagaganap kay Chary. Lagi ko siyang binu-bully sa tuwing wala kayo. Kaya siguradong ako ang una niyang papatayin bago kayo." Sagot nito na parang wala lang.

Mag tatanong pa sana ako ng samaan niya ako ng tingin. Wala na kaming nagawa pa kung hindi ang tumakbo nalang.

"Kuya Aron. Bakit kaba hinahabol ni Chary?" Tanong ni Jake kay Aron na mukhang nahimasmasan na sa pagka takot.

Napa iling si Aaron na tila wala ring alam sa mga maaaring dahilan ni Chary kung bakit siya sinusundan nito.

"Dati ay malapit kami sa isa't isa. Pero simula ng tumuntong kami sa high school doon na kami nag simulang maging malayo sa isa't isa. Kaya wala akong alam na dahilan para gawin niya ang mga bagay na ito." Sagot ni Aron habang patuloy sa pag takbo.

Malapit sa isa't isa? Sila? Dati? Ayun na nga! Parang alam ko na—.

"Kuya!/Jerome!"

****
Third Person's POV

"Mahal, sunduin mona ang mga bata at kailangan na nilang umalis sa lugar na ito." Nangangambang turan ng matandang babae na nag ngangalang Eki.

"Tama ka diyan sa sinabi mo mahal. Kanina lang kase ay nag pakita sa akin ang kapatid nung Aron. Tila galit na galit, ngunit alam moba mahal na may isa pa akong bagay na napansin." Napahinto naman sa ginagawa ang matandang si Eki at napa baling sa kaniyang asawa na nasa may tapat na nang kanilang pintuan ng bahay.

"Kanina lang ay napansin ko sa kaniya ang matinding kalungkutan." Pag tutuloy nito sa kaniyang sinasabi.

Umupo naman ang matandang babae na si Eki sa isang silya na hindi kalayuan sa kaniyang asawa.

"Tingin moba mahal ito na ang oras?" Halos pabulong ng sambit ni Lola Eki habang naka yuko ang kaniyang ulo. Lumambot naman ang ekspresyon na suot-suot ni Lolo Martin at saka nilapitan ang kaniyang asawa.

"Siguro nga." Simple ang sagot nito bago siya lumabas ng bahay upang sana sunduin ang mag kakaibigan sa kakahuyan ng bigla-bigla nalang sila sumulpot sa harapan ng matanda.

Napa hawak naman sa dibdib si Martin dahil sa pagka gulat hanggang sa mapa luhod ito habang pinag papawisang naka hawak sa kaniyang dibdib.

"Lolo!" Agad naman dinaluhan ng asawa niyang si Eki si Martin at maging ang kanyang mga apo ay dali dali siyang dinaluhan. ngunit sa kanilang pag lapit ay isang pangyayari ang hindi inaasahan ng lahat na nangyari.

"T-takas n-na..."

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism, Plagiarsm is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now