Chapter 17

35 3 0
                                    

Jake's POV


Araw Ng sabado at maaga palang ay naka bihis na kami. Ngayon Ang Araw na napag-usapan naming lahat.

Lumakad Naman Ako papalapit sa bintana Saka aking tinanaw Ang magandang tanawin Dito sa Davao. Hindi ko alam pero Hindi ko manlang magawang ma-appreciate Ang Ganda Ng Davao. Siguro ay masyado lang akong na i-stress sa mga pangyayari ngayon.

Nilingon ko Naman Ang aking sarili sa Isang whole body mirror. Inayos ko Ang suot Kong white long sleeve. Simple lang Ang ayos ko, white long sleeve at pantalon lang. Bahagya ko ring tinupi Hanggang diko ang aking suot na long sleeve. Inayos ko rin Ang aking suot na salamin Saka mas ginulo pa Ang aking buhok.

Wala Naman akong paki sa itsura ko, Basta may mukha ayos na.

Matapos Kong pag sawaan Ang pag mumukha ko sa salamin ay lumabas na Ako agad sa aking silid at sumalubong sa akin Yung apat na nag hihintay nalang sa akin.

"Nag pa-gwapo kapa talaga." Medyo iritableng Saad Ng kapatid ko habang inaayos din Ang long sleeve Niya.

"Tol, Wala ka namang mapo-pormahan doon." Dugtong ni Kuya Adan habang tinatali Ang sintas Ng kaniyang sapatos.

Wala Ako sa mood kaya nauna nalang Ako sa kanilang lumabas Ng Bahay Saka sumakay sa kotse. Binuksan ko Ang pintuan Banda sa passenger seat Ng sandali akong mapatigil nang maka aninag Ako Ng Isang pamilyar na pigura.

Naka Tayo sa Isang madalim na eskenita. Naka Yuko at may madilim na awra. Kanina paba siya doon? Pinapanood Niya ba kami simula pa kanina? T-teka...!

"Jake?"

Halos mabuwal na Ako Mula sa aking kinatatayuan Ng biglang sumulpot sa naguguluhan Kong utak Ang boses ni Kuya Aron.

Nilingon ko Naman ito at nakikita ko sa kaniyang mga mata Ang matinding pag-aalala. Napa iwas Naman Ako sa kaniya Ng tingin dahil Dito.

Hinawakan nito Ang aking balikat "Kung Hindi maganda Ang pakiramdam mo, pwede ka namang manatili nalang Dito sa Bahay at hintayin kaming maka balik." Suhesyon nito.

Nag Angat Ako sandali Ng tingin Kay kuya Aron Saka siya nginitian Ng bahagya Bago sumagot.

"Ano bang tingin mo sa akin kuya Aron? Saka okay lang Ako, h'wag mo akong alalahanin. Alalahanin mo kung paano natin matatapos itong gulong ito." Sagot ko na tinanguan Niya Bago sumakay sa likuran.

Pumasok na din Ako at naupo sa passenger seat. Pero Bago Ako tuluyang makapasok ay Muli Kong nilingon Ang Lugar kung saan ko siya kanina Nakita. Ngunit Wala na siya Dito.

Isinawalang bahala ko nalang Ang Nakita ko kanina. Baka masyado ko lang ini-stress Ang sarili ko kaya Ganon. Kung ano-ano na tuloy Ang mga nakikita ko.

Ilang sandali pa at sumunod na si tita Nimpa sa akin na nag lock pa Ng Bahay. Huli siyang pumasok sa sasakyan at Saka walang imik na pinaandar Ang kotse.

Tulad Ng lagi ay tahimik Nanaman Ang aming naging biyahe. Habang nasa biyahe kami ay naalala ko Ang sinabi ni tita Nimpa sa Amin kagabi.

"Bukas maaga tayong aalis. Mga bandang alas singco dapat nasa tabing dagat na Tayo. Banda sa kanluran, nandoon nag hihintay Ang kakilala ko, o mas maganda na kung tatawagin nating kaibigan ko. Siya Ang mag dadala sa atin sa Yumso island." Huling Paliwanag sa Amin ni tita Nimpa Bago Niya kami hinayaang pumasok na sa kanya kanya naming mga silid.

Alas tres palang Ng madaling Araw pero nag simula na kami agad bumiyahe. Mas maganda daw bumiyahe pag maaga dahil Wala pang masyadong taong gising nang ganitong Oras.

Itinuon ko Naman sa labas Ng bintana at nadadaanan Namin Ang aking atensyon, at Saka Hindi mapigilang isipin kung Hanggang kailang kami mananatili sa ganitong kalagayan.

Humihingi Ako Ng paumanhin Kay kuya Aron sa pag iisip Ng ganito. Pero Minsan talaga ay nakakapagod din kahit papaano na may humahabol sa 'iyo. Lalo na't kamatayan pa Ang nag hahabol.

Hindi Naman sa nag re-reklamo Ako, namiss ko lang bigla Yung mga Araw na mag kakasama kami at nag kakatuwaan na may normal at payapang Buhay magkakasama.

Kaya Ang hirap lang isipin na ganito Ang kakahatungan naming lahat matapos Ang nangyari Kay Charry.

Napa himas Naman Ako sa aking sentido Saka nag pakawalan Ng buntong hininga. Minabuti ko munang umidlip sa biyahe dahil mukhang malayo pa Naman Ang patutunguhan Namin. Isa pa kulang din Ako sa tulog kakaisip Ng paraan para mahinto na itong kaguluhang ito. Ipapahinga ko muna sandali Ang utak ko.

****

Nagising nalang Ako nang makaramdam Ako Ng sunod sunod na pag tapik sa aking mag kabilang pisngi.

Dahan-dahan ko namang iminulat Ang aking mga Mata at Hanggang ngayon ay madilim parin Ang kalangitan.

Ikinurap-kurap ko Ang aking mga Mata upang maalimpungatan nang maramdaman Kong may tumapik sa aking likuran. Nilingon ko ito at si Kuya Jerome lang pala ito na diretso Ang tingin Kay tita na nakikipag usap sa Isang lalaki na may katabing Isang speedboat.

"Tara na." Pag-aaya sa akin ni Kuya na aking tinanguan lang. Lumabas na Ako Ng kotse Saka Ako sumunod sa kanila.

Inabot ni tita Nimpa Ang susi Ng kotse Niya sa kasamahan nung lalaking kausap Niya Hanggang sa lingunin kami nito at inaya nang sumakay sa speedboat.

Habang nasa bihaye kami ay kumakain na kami nang mga binaon naming pagkain. Kaunti lang Ang kinain ko dahil busog pa naman Ako dahil kumain Ako kanina Bago gumayak. Saka Isa pa feeling ko isusuka ko lang din lahat dahil medyo nakakahilo Ang speedboat masyadong mabilis Ang andar, Hindi din Ako maka kain Ng maayos

Inabot din kami Ng tatlong Oras sa pag bibiyahe Bago kami may matanaw na Isang tagong Isla. Nung una nga ay inakala ko na aabutin lang kami Ng Isa o dalawang Oras pero higit pa pala sa inaasahan ko Ang itinagal Ng biyahe Namin.

Sa malayo ay hindi gaanong naaaninag Ang Isla dahil nababalutan ito Ng hamog. Ngunit habang papalapit kami Ng papalapit ay doon na ito until unting lumilinaw.

Nang tuluyan na kaming makalapit ay doon ko lang napansin Ang nababalutan Ng matataas na pader Ang buong Isla. May malaking makalawanging gate din Ang Isla na ito at naka pangalan Dito Ang Family Yumso.

Pagka baba namin sa speedboat na aming sinakyan ay agad kaming binalaan Ng kaibigan ni tita Nimpa.

"Mag-iingay kayo, marami na Ang nag subok na pumasok sa abandonadong Isla na ito ngunit halos Wala nang nakabalik sa kanila at nag laho nalang na parang Bula. Mag iingat kayo." Pag bibigay babala nito sa Amin na aming pinasalamatan.

"Isa pa pala!" Mag lalakad na kami sana Ng pigilan kami nito. Nilingon Naman Namin siya sabay-sabay nang may ilabas siyang mga button na kulay pula at inabot ito sa Amin tig-iisa.

Inilagay Namin ito sa aming mga damit gaya Ng sinabi Niya. "Pindutin ninyo lang Ang mga button na iyan kung may problema Mang nangyayari. Handa akong bumiyahe Ng mabilis para mag abang Dito sa pangpang sa inyo. Mag iingat kayo'ng Muli." Huling sambit nito Bago umalis.

Nang mawala na siya sa aming paningin ay Muli naming hinarap Ang malaking makalawanging lumang gate Ng Isla at pangalan Ng pamilyang Yumso Ang naka lagay.

Nag tinginan muna kaming Lima Bago nag tanguan at Saka nag simulang mag lakad papasok sa lumang gate.

Malakas na pag ugong nito Ang maririnig nang bumukas ito nang dahil sa hangin na humampas Mula rito. Muli kaming nag tanguan Saka napag pasiyahang pumasok at tumuloy na.

Napakagat muna Ako sa aking pang ibabang labi Saka sumabay sa kanilang pag lalakad. Hindi Ako mapakali. Kanina kopa siya napapansin.

Naka sunod ba siya sa amin simula palang kanina??

****

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now