Chapter 8

63 4 0
                                    

Aron's POV

Napa kunot naman ang aking noo dahil sa mga ingay na aking naririnig sa aking paligid. Dahan dahan naman akong bumangon mula sa pag kakahiga saka inilibot ang aking paningin.

May bagong babae na kaming kasama na sa tingin ko ay ang tita nina Jake at Jerome.

Napa lingon naman ako sa aking tabi at nakitang naka talungko sa isang sulok si Adan habang naka tulala at tila walang alam sa mga nangyayari.

Muli naman akong napa baling sa kanila at saka sila tinitigan. Mabilis namang nahinto ang kanilang pag uusap nang makita nila ako. Lahat sila ay tahimik lang habang pinag sasalit salitan kami nang tingin ni Adan.

Nag palitan sila nang tingin lahat bago sila nag tanguan at saka naupo sa aming harapan.

"Ako nga pala si Nimpa, ang tita nina Jake at Jerome." Malumanay nitong pag papakilala sa amin. Mag papakilala na sana ako nang unahan na niya ako sa pag sasalita.

"Pasensya na pero hindi ninyo na naman kailangang mag pakilala sa akin dahil ipinakilala na kayo sa akin ni Jerome. Ang mahalaga ay makinig nalang kayong dalawa sa aming mga sasabihin." Nanatiling malumanay ang kaniyang boses habang parang may hinahalungkat siya sa kaniyang bag.

Naramdaman ko naman na lumapit sa akin si Adan saka namin siya hinintay muling mag salita.

Ilang sandali pa at may inabot siya sa amin na isang libro. Agad naman namin ito binuklat at isang bungo na may itim na cover ang agad na sumalubong sa amin. Muntik ko nang mabitiwan ang libro dahil sa gulat at takot mabuti nalamang ay nasalo ito ni Adan.

"Ano pubang mayroon sa bungo na ito?" Pag tatanong ni Adan sa kanila. Muli naman silang nag tinginan at tila nag dadalawang isip pa kung sasabihin ba nila o hindi pero...

"Ang ibig sabihin niyan ay Ang Marka Ng Kamatayan." Biglang sagot ni Jerome sa tanong ni Adan.

"So, ano naman ang koneksyon nito sa pag uusapan natin?" Dagdag na tanong ni Adan. Tumango naman si Jerome sa kanila saka naupo sa aming harapan.

"Ganito ipapaliwanag ko sainyo nang mabuti." Ani tita Nimpa sa amin. Nag pakawala naman siya nang isang mamalim na buntong hininga bago nag bago ang kaniyang ekspresyon.

Madilim na ang kaniyang awra at seryoso na din ang kaniyang ekspresyon. Nag simula naman siyang mag paliwanag sa amin nang mga bagay bagay na dapat naming malaman.

"Ang Marka Ng Kamatayan. Isa iyan sa mga kinatatakutan nang angkan namin. Lalo na't ang bawat isa sa amin ay may kakayahan na makakita nang mga hindi nakikita nang mga normal na tao lang. Si Jerome ay walang kakayahan na makakita ng katulad nang nakikita namin dahil nagmana siya sa kaniyang tatay na isang normal na tao lang." Pag kukuwento sa amin ni Ate Nimpa.

"Ang pamilya namin ay kilala sa dati naming lugar. Hindi din naman kami nag tagal sa lugar na iyon dahil nga sa mga nakikita namin. Ang bawat isa sa mga taong nakikita namin ay may katabi na mga yumaong na kapamilya nila. Lahat sila ay naka ngiti na parabang kahit anong oras ay kayang kaya nilang sunduin ang mga kapamilya nilang naiwan sa lupa. Kaya naman naisipan namin nang pamilya namin na lisanin ang lugar na iyon at manirahan malayo sa bayang aming kinalakihan." Unti unti naman siyang yumuko na tila ayaw nang ituloy ang pag kukuwento. Pero matapos ang ilang segundong katahimikan ay muli nanaman siyang nag patuloy.

"Ngunit kahit saang lugar kami mag punta ay lagi namin silang nakikita. Sinubukan din naming wag gamitin ang kapangyarihan na ito. Pero walang epekto. Sinubukan naman naming wag nalang pansinin ang nasa paligid namin. Syempre nung una ay natuwa kami dahil mukhang umipekto. Pero habang nag tatagal na hindi namin pinapansin ang mga nasa paligid namin ay doon na nag simula ang mas mahirap na pagtakbo ng aming buhay." Nag angat naman siya nang tingin sa amin saka kami tinitigan nang diretso sa aming mga mata.

"Nag simula na kaming maka kita nang itim na bungo nang tao. Bawat tao na nadadaanan namin ay may itim na bungo. Sa bawat lugar na aming pinupuntahan ay may mga taong mag itim na bungo na nababalutan ng itim na awra." Napa tingin naman kami sa libro na hawak ni Adan at napa titig sa itim na bungo na naka guhit dito. "Sa tuwing sinusubukan naming pag masdan Ang kanilang mga mukha ay 'iyang itim na bungo lang Ang aming nasisilayan." Napa kuyom Naman Ako Ng aking kamao sabay napa lunok.

H-hindi kaya... Hindi kaya mayroon din Ako Ng ganito? Mayroon din kaya akong Marka Ng kamatayan?

Muli namang nabaling Kay ate Nimpa Ang aking atensyon Ng Muli itong magsalita.

"Mayroon pa nga na may araw na na mamasyal kaming buong pamilya nang masaksihan mismo namin kung papaano mamatay ang mga taong may itim na bungo. Kung papaano sila nag durusa. Hindi namin kinaya ang ganitong pamumuhay hanggang sa nag desisyon sila Nanay at Tatay na tumira sa gubat upang maiwasan ang mga taong may malagim na katapusan. Nag sawa na kami sa mga nakikita namin. Pero kahit na saan kami mag punta ay nasusundan parin nila kami. Yung mga namamatay na tao. Lahat sila naka tingin sa amin na tila may masama silang binabalak sa amin.

May pagkakataon pa na gusto nila kaming patayin. Pero salamat kay Tito—ang kapatid ni mama na yumaong na. Binabantayan niya kami. Nung una ay napag alaman naming may balak siyang patayin si Nanay pero hindi kalaunan ay sumuko na siya sa kagustuhang iyon at mas piniling bantayan nalang kami. Pero hindi pa doon nag tatapos ang lahat."

Mas naging seryoso naman siya at mas lalong dumilim ang kaniyang awra. Nararamdaman ko rin ang pag kabog nang malakas ng aking dibdib. Tingin ko ay hindi kona kayang makinig pa sa mga ikinukuwento nila.

Pero kung hindi ko malalaman ang dahilan nang aking kapatid kung bakit hindi pa siya nananahimik ay hindi din ako matatahimik.

Tinuro naman ako ni Ate Nimpa maging si Adan ay tinuro niya saka siya umiling iling na may halong matinding pag aalala sa kaniyang ekspresyon. Nag aalala? Nag aalala ba siya para sa aming dalawa?

"Kawawa naman kayong mga bata. Ang babata ninyo pa para humantong sa ganitong sitwasyon nang buhay. Alam kong marami pa kayong pangarap sa buhay. Katulad nang pag tatapos nang pag-aaral. Pero...." Humugot naman siya nang lakas saka muling sinalubong ang aming mga mata at nag salita.

"Ang mga marka ng kamatayan ay naka tatak na sa inyong dalawa." Ilang beses naman kaming napa lunok dahil sa kaniyang sinabi nang may iabot siya sa aking isang libro na mukhang lumang luma na.

"Mas mabuti sana kung babasahin ninyo ang librong iyan."

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now