Special Chapter

25 1 0
                                    

Aron's POV

10:51 PM

Natutulog na Ang lahat at tanging Ako nalang Ang gising. Mali. Wala pala si Adan. Saan Naman kaya nag punta Yung lalaki na 'yon? Anong Oras na umaalis pa.

Agad naman akong bumangon upang hanapin si Adan. Marahan akong lumabas nang kwarto Saka nag lakad sa madilim na corridor nitong hospital. Tahimik lang akong nag lalakad habang nag c-cellphon nang may marinig akong pagka basag sa Isa sa mga kwarto Dito sa hospital.

Agad akong napa tigil sa pag lalakad Saka dahan-dahang nag lakad papalapit sa Isa sa mga kwarto Dito sa hospital. Huminto Naman Ako sa pintuan na medyo naka awang. Alam ko Dito nang galing Yung nabasag 'e.

Dahan-dahan Naman akong sumilip upang tignan kung Anong Meron nang sa gulat ko ay Isang babae na naka upo sa sahig Ang aking nakita. Mahaba Ang kaniyang buhok at nangangayayat din siya. Maputla ito at tila Hindi din kumakain. At sa paligid Niya ay puro bubog.

Lalapitan Kona sana ito upang tulungan nang lumingon ito sa akin na siyang nakapag patigil sa aking binabalak na pag tulong. Napa lunok Ako nang sarili Kong laway at napa hakbang nang papaatras sunod-sunod.

Marahan itong tumayo at bumaling sa akin. Hindi ko Naman inaalis Ang aking paningin sa kaniya at nanatiling naka titig sa kaniyang mga Mata. Ang kaniyang itsura ay nakakatakot. Halos lumuwa na Ang kaniyang mga Mata. Wala na ding laman Ang kaniyang pisngi at lubog na ito. Ang kaniyang mga labi ay nanunuyot maging Ang kaniyang balat.

Muli naman akong napa atras nang siya ay umabante at 'di alintana Ang mga bubog na natatapakan Niya. Naka kuba na ito at halos Hindi na maka lakad nang maayos ngunit patuloy parin siya papalapit sa akin habang Ang kaniyang mga kamay ay naka Angat at tila nais akong hawakan.

Sa aking Kaba ay Muli akong umatras hanggang sa maramdaman na nang aking likod Ang malamig na pader. Napa lunok Ako nang madiin nang nakatayo na ito sa mismong harapan ko.

Ngumiti ito sa akin at kita dito Ang kaniyang mga naninilaw na ngipin. Halos buto't balat na lamang siya. Humihilig hilig Ang kaniyang ulo habang naka tingin sa akin Samantalang Ako ay Hindi manlang maka kilos sa kinatatayuan.

Nag babalak na sana akong tumakbo nang bigla itong mag salita. Nung una ay Hindi kopa maintindihan Ang nais niyang sabihin, hanggang sa paulit-ulit Niya itong bigkasin dahilan upang makuha Kona Ang nais niyang ipahiwatig.

"I-i-ka-w... P-pata-y.. i-ka-w... M-m-mama-m-matay..." Uutal utal nitong saad. Hindi siya makapag salita nang maayos dahil sa nanunuyot na Ang kaniyang mga labi baging Ang kaniyang balat sa buong katawan.

Ano bang Meron sa babae na 'to? Muli akong napa lunok nang sarili Kong laway dahil unti-unti na akong ginagapangan nang kakaibang takot sa aking buong katawan.

Balak Kona sanang umalis nang bigla itong tumawa at sinabunutan nito Ang kaniyang sarili. Sabawat pag sabunot Niya sa kaniyang buhok ay siyang pag lagas nang maraming hibla nang kaniyang buhok.

Lumakas nang lumakas Ang kaniyang tawa habang sinasaktan nito Ang kaniyang sarili. Sa aking pagka gulat ay Hindi na Ako naka kilos pa at pinanood na lamang siya na Saktan Ang kaniyang sarili hanggang sa mag datingan na Ang mga nurse at doctor.

Agad nila itong hinuli at sinalsakan nang kung Ano sa kaniyang braso. Binuhat nila ito papasok Muli sa kaniyang silid ngunit Bago pa tuluyang masarado Ang pintuan nang silid nung babae ay nahagip kopa Ang mga Mata nito na matalim na naka titig sa akin.

Naka hinga Naman Ako nang maluwag nang mawala na ito. Napa hawak Ako sa aking dibdib Saka muling nag patuloy sa pag lalakad. Hindi ko alam pero bigla nalang nag paulit ulit sa isipan ko Yung mukha nung babae kaniya maging Yung sinabi Niya na mamatay Ako at maging Ang nakakatakot niyang ngiti at tawa. Paulit-ulit itong nag lalarawan sa aking isipan nang mamalayan ko nalamang na nakatayo na pala Ako sa dulo na bahagi nang rooftop at Isang hakbang nalang ay malalaglag na Ako.

Mabilis Naman akong napa atras. Sinusumpong Nanaman pala Ako. Napa buga nalang Ako nang hangin Saka tumalikod at balak na sanang bumalik sa likuran Ng bigla akong matigilan sa paglalakad.

Tila binuhusan Ako nang malamig na tubig nang bumungad sa akin Ang aking mga kapatid. Naka titig Sila sa akin habang naka ngiti nang nakakakilabot. Napa lunok Ako sa aking Kaba at pilit inilalagay sa aking isipan na Ang lahat nang ito ay Isa lamang masamang panaginip.

Pumikit Ako at huminga nang malalim. Ilang beses ko itong ginawa Saka nag bilang nang tatlo Bago muling dumilat. Sa aking pag dilat ay nawala na Ang mga ito Kaya't naka hinga Ako nang maluwag.

Aalis na sana Ako nang may tumawag sa akin na siyang nakapag patigil sa akin.

"Kuya..."

Napa lingon Ako sa aking likuran at nakitang naka Tayo doon Ang dalawa Kong kapatid. Si Luna at si Chary. Nakatayo Sila malapit sa duking bahagi nang rooftop.

Napalunok Ako habang naka titig sa kanila. Walang ano Mang bahid nang dugo sa kanilang katawan. Tanging bahid lamang nang kalungkutan Ang Makikita sa kanilang mga Mata.

"Pasensya na..." Halos pabulong ko nalang na Sabi. Naramdaman ko nalang din Ang pag tulo nang likido Mula sa aking mga Mata habang naka tingin Ako sa kanila.

"Kuya... S-sorry..."

Mas naluha Ako nang humingi Sila nang tawad sa akin. Agad akong nag lakad papalapit sa kanila ngunit Hindi ko Sila mahahawakan o mayayakap.

Napa iling iling Naman Ako. "H-hindi, wag kayong mag sorry. A-ako dapat. H-hindi Ako naging mabuting kuya s-sa Inyo. Pasensya na." Humihikbi Kong Turan sabay lapit sa kanila.

Sabay Naman silang napa takip sa kanilang mga bibig habang lumuluha at umiiling. Niyakap ni Luna si Chary habang naka tingin sa akin.

"Kuya...

Tawag nila sa akin habang naka unat Ang kanilang mga kamay. Napa ngiti Naman Ako sa kanila Saka mas lumapit. Binigyan ko Sila nang ngiti. Isang ngiti na may halong lungkot. Napa lingon Ako sandali sa aking likuran sabay baling kanila Chary na malayo na sa akin. Lagpas na Sila sa Building Ng hospital habang hinihintay Ako.

Alam Kong sa mga Oras na humakbang pa Ako at matatapos na Ang aking Buhay. Pero kung mananatili ako sa Mundong ito Hindi matatapos Ang pag hihirap na ito. Maging Ang mga kaibigan ko ay mag hihirap nang dahil sa akin.

Jerome... Jake... Adan... Mama... Papa... Ate Nimpa... Kayong lahat...

Mahal ko kayo.

Kasabay nito Ang pag hakbang ko. Ramdam ko Ang bilis nang pag kakahulog ko ngunit tila nag slow motion Ang lahat sa kalagitnaan nang aking pagkakahulog Mula sa itaas.

Bumalik sa akin Ang aking mga nakaraang ala-ala. Ang mga kulitan naming magkakapatid, Ang biruan naming magka-ibigan at ang pang iinis ko sa mga magulang ko. Lahat nang iyon ay tila pinapanood ko sa aking isipan hanggang sa maramdaman ko Ang yakap sa akin nila Luna at Chary habang sinasabayan Ako Mula sa aking pagmabagsak hanggang sa maramdaman ko nalang Ang matigas na Bagay na dumampi sa aking ulo.

Hanggang sa Muli..

Paalam.



–The End–

Umbrella Where stories live. Discover now