Chapter 24

38 2 0
                                    

Jake's POV

Napamulat Ako Ng aking mga Mata dahil sa sinag Ng Araw na nanggaling sa bintana.

Dahan-dahan Naman akong bumangon Mula sa pagkakahiga sa Isa  sa mga mahahabang sofa Dito sa loob Ng silid kung saan naroroon Sila tita Nimpa.

Sandali akong napa hikab at napa kusot Ng aking mga Mata nang mapansin Kong Wala na pala Dito sa silid Sila kuya Aron at kuya Adan.

Siguro ay nauna na silang nagising at lumabas? Baka Naman ay bumili lang Sila sa labas? O kaya Naman ay nag pahangin?

Napailing nalang Ako Saka tumayo at sandaling nag stretching. Nag inhale exhale Ako Saka nag lakad papalapit sa bintana at binuksan ito upang maka langhap Ng sariwang hangin na nag mumula sa labas.

Panay Amoy gamot nalang Kasi Ang naaamoy ko Dito sa loob Ng silid na ito. Nilingon Kong sandali Sila kuya na ganoon parin at Walang Malay. Napadako din sandali sa libro Ang aking mga Mata Bago napa iling.

Kahit ngayon lang sa mga Oras na ito, Ayoko munang isipin Ang tungkol sa mga Bagay na nangyayari ngayon. Kahit sandali lang.

Muli akong humarap sa bintana at dinamdam Ang masarap na simoy Ng hangin Dito sa itaas nang mapansin Kong maraming tao Ang nag kukumpulan sa ibaba.

Kumunot Ang aking noo habang Sila ay aking pinag masdan. Nag kakagulo Sila at tila Hindi alam Ang mga gagawin. Hindi ko maintindihan ngunit naka ramdam Ako Ng matinding Kaba sa aking dibdib. At dahil din sa matinding kuryosidad ay agad Kong napag pasyahang bumaba at makiusisa sa kanila.

Pinilit Kong makipag siksikan sa mga taong ito upang maka punta sa sentro na kanilang pinag kakaguluhan. Ilang sandali pang pakikipag gitgitan ay narating Kona Rin Ang kanilang pinag kakaguluhan.

Tila ba naubusan Ako Ng hanging nalalanghap. Tila Rin ba'y sumisikip Ang aking dibdib. Hindi Ako maka hinga Ng maayos. Ramdam ko rin Ang pangangatog Ng aking kalamnan. Pakiramdam ko ay mawawalan na Ako Ng lakas ano Mang Oras.

Nablangko Ang aking isipan nang siya mismo Ang datnan Kong pinag kakaguluhan nila.

T-teka.. t-totoo ba ito? H-hindi.. Hindi siya Yan..

Napa takip Ako Ng aking bibig habang umiiling na naka masid sa bangkay Ng Isang Lalaki.

"K-kuya Aron..." Hindi makapaniwalang banggit ko sa kaniyang pangalan. Naihakbang ko nalang Ang aking Isang paa papaatras dahil sa gulat at takot.

Pakiramdam ko ay naka tingin siya sa akin dahil sa mga Mata niyang naka dilat habang naliligo sa sarili niyang mga dugo.

Base palang sa posisyon Ng kaniyang katawan at dugo na naka kalat sa paligid, siya ay nagulog Mula sa mataas na Lugar. Tiningala ko Naman Ang rooftop at mapapansing walang bakod sa bawat sulok nito. Muli kong tinignan Ang walang Buhay na katawan ni kuya Aron.

Imposible..  imposible namang tumalon siya Mula doon. Hindi! Hindi katanggap tanggap!

Habang naka tingin Ako Kay Kuya Aron at sa mga bukas niyang mga Mata ay may unti-unti akong napapansin sa kaniya.

Naka dilat man Ang kaniyang mga Mata ngunit kung siya ay iyong pag mamasdang mabuti, siya ay naka ngiti. Ngunit Hindi ko maintindihan kung bakit. Alam Mona ba Ang lahat kuya Aron? Ano bang nangyari Sayo? Bakit?

Sandali pa at nakaramdam Ako Ng mga kamay na siyang humawi sa akin. Nagsi datingan na Ang mga nurse at Saka inasikaso si kuya Aron. Napa atras akong Muli habang pinag mamasdan siya.

Kinausap din Ako Ng mga nurse at pulis bilang kakilala nito upang makasama sa imbestigasyon nila. Matapos Ang lahat Ng kaganapang iyon ay doon Kona naramdaman Ang bigat sa aking dibdib.

Nakakaramdam Ako Ng lungkot at takot. Lungkot dahil sa sinapit niya at takot dahil sa maaaring mangyari din sa Amin.

Minabuti ko na lamang na bumalik sa silid kung saan naroroon Sila tita Nimpa at sa aking pag pasok ay nadatnan Kona Silang mga naka upo. Dali-dali ko Naman silang nilapitan Saka Sila sinuri.

"Gising na kayo! Ayos lang ba kayo? May masakit ba sa inyo? Gusto ninyo Ng pagkain? Bibili Ako." Pag papaulan ko sa kanila Ng tanong ngunit hiniling lang ni tita Nimpa na tawagin ko Ang doktor upang masuri Silang Muli na agad ko namang ginawa.

"Doc!"

Pinag mamasdan ko Sila habang Sila Naman ay sinusuri Ng doktor na aking tinawag. Ilang sandali pa at hinarap na Ako nito.

"Ayos na Sila, h'wag kang mag-alala. Pag papahinga nalang Ang kailangan nila at makakalabas na din Sila." Saad ni Doc Bago siya nag excuse. Nag pasalamat muna Ako sa kaniya Bago ko nilapitan Sila kuya na nanatiling naka upo sa kama.

"Sure kayo? Ayaw ninyo kumain?" Muli Kong tanong sa kanila na kanilang iniilingan lang. Tumango nalang Ako Saka naupo malapit sa kanila

Nanatiling tahimik kaming tatlo nang mag simulang mag tanong si tita Nimpa patungkol sa mga nangyari. Inisip ko na baka Hindi nila kayanin Ang mga malalaman nila pero nag pupumilit Sila Kaya't minabuti ko nalang na mag kwento sa kanila.

Sinimulan ko Ang lahat sa mga nalaman ko sa libro maging sa pag-amin ni kuya Aron sa mga nagawa niyang pagkakamali. Nung una ay nagulat pa Sila dahil sa nalaman nila Ng biglang mag tanong si kuya tungkol sa kanila.

"Oo nga pala, asaan na Sina Aron at Adan." Pag tatanong nito. Hindi kopa naikukuwento sa kanila Ang nangyari Kay Kuya Aron at Hanggang ngayon ay Hindi pa nakakabalik si kuya Adan.

Hindi ko sana sasabihin ngunit may karapatan silang malaman Ang lahat.

"S-si kuya Adan pag gising ko Wala na siya Dito at Hanggang ngayon Hindi parin siya bumabalik." Panimula ko kumunot Naman Ang kanilang mga noo at nag tanong kung bakit ngunit nag kibit balikat lang Ako sa kanila, dahil talagang Wala din akong alam.

"Eh si Aron?" Karagdagang katanungan ni kuya. Nahinto Naman Ako at napa lunok Ng sarili Kong laway Bago nag Iwas sa kanila Ng tingin. Inulit ni kuya Ang kaniyang tanong ngunit parang umuurong Ang aking dika upang mag salita.

Hindi ko alam kung naka ilang ulit Ng tanong si kuya Bago Ako nagka lakas Ng Loob mag salita.

"S-si kuya Aron...." Lumunok muna Ako Saka napa pikit Ng mariin dahil Hindi ko parin matanggap Ang nangyari sa kanya.

"W-wala na sya." Matapos Kong bitiwan Ang salitang iyon ay muling nabuo Ang katahimikan sa aming paligid. Hanggang sa tanungin Ako ni tita Nimpa kung papaano nangyari Ang Bagay na iyon. Isinalaysay ko Naman sa kanila lahat Ng nalalaman ko maging kung papaano ko Nakita si kuya Aron sa baba.

Matapos Ng aking pag sasalaysay ay Muli kaming natahimik. Ang lahat ay nalulungkot sa kaniyang sinapit ngunit pinili naming manahimik bilang pagluluksa.

Halos mapa iktad Naman Ako sa gulat Ng biglang buksan ni kuya Ang TV at Isang news flash Ang siyang agad na bumungad.

Ngunit Hindi Namin inaasahan Ang aming Nakita sa balita.

"B-bakit pati s-siya..?"

*****

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

Umbrella Where stories live. Discover now