Chapter 19

40 2 0
                                    

Aron's POV

Nasa Loob na Kami Ng kotse ni ate Nimpa habang siya ay nakikipag-usap pa siya sa kaibigan niyang tumulong sa 'aming makarating sa Yumso Island.

Nakipag kamay muna si Ate Nimpa sa kaibigan Niya na sumundo sa Amin sa Isla pabalik Dito sa Isla Ng Davao. Nung una ay nagulat pa ito nang makabalik kami Kaya't nag paliwanag sandali si ate Nimpa.

Matapos nang ilang sandaling pag-uusap nila ay sumakay narin si ate Nimpa sa kotse kung saan ay naroroon at nag hihintay kami.

Pagka pasok Niya palamang ay pinaandar agad nito Ang makina Ng sasakyan at nag madaling paandarin Ang kotse. Sinabi Niya sa Amin kanina na babalik na kami sa aming tahanan sa Quezon upang puntahan ang Lugar kung saan naka Tira si Urina Yumso. Ang babaeng may hawak Ng Redbook na siyang hinahanap Namin; na nagging dahilan upang makarating kami sa misteryosong Isla Ng mga Yumso. Ang Yumso island na mas Kilala sa pangalang Yumso Province.

"Hindi ko aakalain na sa tagal at sa dinami-rami Ng mga pinag Daanan natin nasa kaniya... Nasa kanila lang pala Ang mga kasagutan." Pag sisira ni Adan sa katahimikang namumuo sa Amin habang nasa biyahe kami.

Napa buga Naman Ako Ng hangin. Hindi ko rin Naman naisip na mangyayari Ang Bagay na ito. Matagal na kaya nilang alam na hinahanap Namin Sila? Baka Naman alam na nila pero Hindi lang nila ipinapahalata?

Ang layo na nang narating Namin pero ha'yon at sa Lugar kung saan kami naka Tira, nandoon lang pala Ang mga kasagutang matagal ko nang hinahanap.

"Tumawag na Ako sa mga magulang nila Jerome. Ang Sabi ko ay doon Tayo sa Bahay nila manunuluyan pansamantala." Pag sisingit ni ate Nimpa sa aming usapan.

"Tutal ay nasa ibang Bansa Naman Ang mga magulang nila Jerome ay doon muna Tayo sama sama manunuluyan habang inaalam natin Ang mga kasagutan sa problema n'yo." Saad pa nito at nag focus na siya sa pag mamaneho.

Simula Davao Hanggang Quezon Ang biyahe namin Kaya't matatagalan pa Ang biyahe Namin pabalik sa Quezon. Napabuga Naman Ako Ng hangin Ng biglang mag ring Ang aking cellphone.

Napa tingin Naman Sila sa akin lahat Kaya't agad akong humingi Ng paumanhin Saka sinagot Ang tawag. Pagka tapat ko pa lamang Ng cellphone sa aking tainga ay mga hikbi agad sa kabilang linya Ang agad na bumungad sa aking pandinig.

Napaayos Naman Ako Ng pag kakaupo Saka kunot noong tinignan Ang pangalan Ng tumawag sa screen Ng aking cellphone. Mas napa kunot Naman Ang noo ko nang mapagalamang si mama pala Ang tumawag.

"Ma?"

Malakas Naman na napa preno si ate Nimpa dahilan upang mapa baling Ako sa kaniya sandali. Binigyan ko siya Ng nagtatakang tingin ngunit lumingon lang ito sa akin Saka Ako pinagmasdan Ng seryoso.

Patuloy parin Ang pag hikbi sa kabilang linya Kaya't Muli ko itong tinawag.

"Ma??"  Sa pag kakataong ito ay medyo nilakasan Kona Ang aking boses at nag babakasakaling marinig Niya Ang aking pag tawag.

Napa baling na silang lahat sa akin habang may pag-aalala sa kanilang mga ekspreyon. Ini-speaker Kona Ang aking cellphone upang marinig din nila Ang nangyayari Mula sa kabilang linya.

Nagka palitan Naman Sila Ng tingin sabay baling sa akin Ng Isang nakakabinging tawa Naman Ang aming narinig Mula sa kabilang linya.

"Ma? Okay lang pu'ba d'yan? Ma?" Pag tatanong ko ngunit nanahimik lang Ang pagtawa sa kabilang linya kasabay nito Ang pagka putol Ng tawag.

Kusang humigpit Ang pagkakahawak ko Mula sa aking cellphone Ng mamatay Ang tawag. Sandali ko muna itong pinag masdan Bago ito ibinalik sa aking bulsa.

Napansin ko Naman Ang pag-aalala sa mga mukha nila at tila nais nilang mag tanong ngunit nanatili lamang silang tahimik, Hanggang sa magsimula muling umaandar Ang sasakyan at nag patuloy sa biyahe.

Habang patuloy kaming nasa biyahe ay Hindi manlang mawaglit sa aking isipan Ang mga paghikbi sa kabilang linya, maging Yung tawa na 'di ko matukoy kung si mama ba 'yun o hindi eh.

Napa buga na lamang Ako Ng hangin Ng maramdaman ko Ang pag tapik nila sa aking mga balikat. Nginitian ko Sila na nag papahayag na 'ayos lang ako' Kaya't napa tango nalang Sila sa akin.

Ano na Ang nangyayari? Kailan ba ito matatapos?

Sa totoo lamang ay napapagod na ako sa mga pangyayaring ito, ngunit Hindi Ako pwede sumuko hanggat Hindi ko nalalaman Ang mga sagot sa likod Ng mga misteryong ito.

Lumipas Ang maraming minuto at Oras Hanggang sa abutan kami Ng dilim dahil sa traffic habang nasa biyahe kami papauwi.

Nang makarating kami sa Quezon ay Ang Bahay agad nila Jerome Ang agad naming tinungo. Nag suhesyon pa Sila na Dadaanan Namin Sila mama pero agad din akong tumanggi dahil nakausap ko rin Naman si papa at nag paliwanag siya sa akin patungkol sa pag tawag sa akin ni mama.

Sabi ni papa ay napagod lamang daw ito sa gawaing Bahay at sinumpong lang Ng Toyo kaya ganoon. Agad Naman akong naniwala sa kaniya dahil ilang beses na Rin Naman nang nangyari sa kanya Ang Bagay na iyon.

"Mag pahinga na kayo, dahil sa makalawa sisimulan agad natin Ang pakay natin." Sulpot ni ate Nimpa sa aming harapan galing kusina.

"Kailangan n'yo Ng lakas." Dagdag pa nito Saka umakyat na sa ikalawang palapag habang daladala Niya Ang Isang Tupperware Ng ice cream. Yung nabibili lang sa halalagang isang Daan.

Agad kaming sumangayon sa kaniyang sinabi at nag kan'ya-kan'ya na kami Ng pag panik sa aming mga kan'ya-kan'yng silid.

Malaki Ang Bahay ni Jerome at saktong maraming k'warto Kaya't nag suhesyon si Jake na tig-iisa kami Ng silid na gagamitin.

Pagka panik ko sa akin silid ay agad akong dumapa sa aking kama Saka ko ipinikit Ang aking mga Mata upang simulan Ang pagpapahinga.

Masyado na akong pagod para ipagpatuloy pa Ang mga Bagay na ito ngayong araw. Sa makalawa ay haharapin pa Namin Sila, sana Naman ay tulungan nila kami. Sila Ang kasagutan sa aming mga katanungan.

Hanggang sa tangayin na nga Ako Ng antok.

A/N:

Sorry po dahil po sa no long update. Sorry din po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now