Chapter 26

35 2 0
                                    

Jerome's POV

Gabi na at Hindi parin ako natutulog. Samantalang Ang mga kasama ko Dito sa silid ay tahimik na natutulog.

Napa tanaw Ako sa bukas na bintana. Hindi ko ito ipina sarado kay Jake kanina dahil gusto Kong matanaw Ang maliwanag na sinag nang buwan sa madilim na kalangitan.

Madalas naming ginagawa iyon mag kakaibigan sa tuwing nag e-emote kami o nangangako sa Isa't Isa. Mag kasamang naka tanaw sa kalangitan at masayang nag bibiruan.

Pero mukhang malabo na ulit mangyari Ang dating nakagawian Namin. Napa tawa Naman Ako nang mahina dahil Hindi ko lubusang maisip na aabot kami sa sitwasyong ito.

Ang Akala ko ay Masaya kaming mag tatapos lahat. Samasama kaming ga-graduate at kukuhanin Ang course na gusto Namin. Kaso Wala na eh haha.

Hindi ko lubos na maisip na mangyayari sa kanila ito. Na mangyayari sa Amin ito. Dahil parang nung kahapon lang eh nag tatakbuhan kami sa field Ng school at tumatambay sa ilalim ng Puno.

Nakakalungkot lang isipin na ganito pa Ang inabot Namin. Hindi Naman ito Kasama sa mga ipinako Namin sa Isa't Isa noon.

Napailing nalang Ako habang iniisip Ang mga dinanas nila. Dati ay napaka ayos pa nang takbo nangbuhay Namin. Masaya kaming nag bo-bonding. Nag lalaro Ng baseball. Haha. Nakaka-miss Naman yon masyado.

Paano nga ba nangyari Ang lahat nang ito? Bakit ba kami umabot sa sitwasyon na ito?

Ah. Oo naalala Kona. Simula nung namatay Ang kapatid ni Aron na si Chary. Sinisi Niya Ang sarili Niya kung bakit Hindi siya naging mabait na kuya sa kapatid niya.

Pero sa aminin man Niya o sa Hindi, sobra-sobra Ang pag mamahal Niya sa kapatid niya. Maging kung papaano Niya ito protektahan sa ibang tao. Masyado siyang mabait na anak at kuya.

Ang dami nang nag sakripisyo Ng mga Buhay dahil sa kaganapang ito. Pero ngayon. Tinapos na ni Adan lahat, kapalit nito Ang kalayaan Niya at kasiyahan.

Naikuwento sa Amin ni Jake na Isa sa susi Sina teacher Bambi at teacher Stella upang matapos Ang sumpa. Ang sumpa na mamamatay Ang sino Mang kapamilya mo o kakonektado sa Oras na Ang pulang payong na sumisimbolo sa dating samahan nila sa bayan nila ay dumalaw sa 'iyo.

Ginamit nila Ang pulang payong upang sumimbulo sa kamatayan at dugo. Silang dalawa ni teacher Stella ay may Dala Ng sumpa. Na kayang ipasa sa iba.

Ang sumpa na iyon ay napasa Buhay nila matapos nilang tapusin Ang lahat Ng taong naninirahan sa Yumso island. Para bang isinumpa Sila Ng kalikasan dahil sa ginawa nila.

Pero dahil sa ginawa ni Adan na pagtapos sa kanila ay naputol na Ang sumpa. Ang lahat ay natapos.

Napaka laki nang mga naging sakripisyo nila para sa Amin. Kaya sobra Ang pasasalamat at pakikiramay Namin sa kanila.

Napa tingin akong Muli sa naka bukas na bintana at muling tinanaw Ang maliwanag na buwan na siyang naka bantay sa akin.

Ipinikit ko Ang aking mga Mata habang sinasalo Ang nalamig na simoy na hangin na pumapasok sa loob sa pamamagitan nang naka bukas na bintana sa tapat ko.

Naramdaman ko Ang pag tulo nang aking mga luha na kanina pa nag babadya.

Umiiyak Ako para sa inyo. Nakiramay Ako sa Inyo. Dahil sa dinanas ninyo. Sana mapatawad ninyo Ako dahil Wala manlang Ako tulong na nagawa para sa inyo.

Umbrella Where stories live. Discover now