Chapter 11

46 3 0
                                    

Aron's POV

Mabilis naman akong hinila ni Ate Nimpa papatago sa likod ng malaking puno.

"Ate Nimpa ano pu'bang nangyayari?Bakit po kayo nasa labas ng ganitong oras?" Pabulong kong tanong sa kaniya. Nilingon naman niya ako saka niya ako tinuro turo.

"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan eh! Anong ginagawa mo dito sa labas? Hindi kaba nila nasabihan?" Pag uulit nito sa itinanong niya sa akin kanina.

"Nasabihan? Na ano po?" Tanong ko sa kaniya. Napa buga naman siya ng isang malalim na buntong hininga saka ako hinarap ng maayos at tinitigan ako ng diretso sa aking mga mata.

"Aron..." Pag banggit nito sa aking pangalan. Nag taka naman ako kung bakit lumambing ang kaniyang tinig at kung bakit namumula ang kaniyang mag kabilang pisngi.

"Aron..." Pag tawag nitong muli sa aking pangalan saka niya ikinawit sa aking batok ang kaniyang dalawang kamay at saka ako hinalikan.

Naitulak ko naman siya papalayo sa akin dahil sa gulat sa kaniyang ginawa. Binigyan naman niya ako ng nag tatakang tingin saka muling nag lakad papalapit sa akin.

"T-teka lang po Ate Nimpa! A-ano pu'bang ginagawa ninyo?!" Kabado kong tanong habang unti unting umaatras papalayo sa kaniya hanggang sa wala na nga akong maatrasan ng dumikit sa puno ang aking likuran.

Huminto naman siya sa aking harapan saka ako hinawakan sa aking mag kabilang pisngi. Tinitigan niyang muna ako sa aking mga mata bago niya ako binigyan ng isang smack kiss sa aking mga labi bago siya muling lumayo sa akin.

Napa kurap kurap naman ako dahil sa gulat at saka hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko sa mga ikinikilos niya.

T-teka nga?! A-ano bang nangyayari sa kaniya at nag kakaganito siya?! B-bakit hindi ako nasabihan nila Jerome at Jake na may ganito palang pag uugali ang tita nila?!! Bakit?!!

Napa buga muna siya ng hangin bago siya tumalikod sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa niya ngunit nanatili lang ako sa aking kinatatayuan hanggang sa mag simula siyang mag hubad sa aking harapan.

Napa lunok naman ako ng sunod sunog ng aking sariling laway habang pinag mamasdan ko siya. Dahan dahan naman akong umalis sa aking kinatatayuan habang hindi pa siya naka tingin.

Napa hinto lang ako sa aking pag kilos ng marinig ko ang kaniyang pag hagikhik hanggang sa unti unti na siyang umiikot papaharap sa akin. At sa kaniyang pag harap ay...

"Aaahhh!"

Nailibot ko naman ang aking paningin sa aking paligid at napag alaman kong nandito parin pala ako sa bato kung saan ko naka usap yung lalaki kanina.

Napa kapa kapa naman ako sa aking sarili upang i-check ang aking sarili kung may nawala bang parte ng katawan ko.

Naka hinga lang ako ng maluwag ng mapag alamang kumpleto pa ang parte ng aking katawan. Naupo naman ako ng maayos saka tinanaw ang buwan hanggang sa bumalik sa akin ang naging panaginip ko kanina.

Bakit ko ba napaniginipan ang ganoong klase na bagay? Pinag nanasaan koba si Ate Nimpa?!! Napa iling iling nalang ako saka ko napag desisyonan na bumalik nalang doon sa bahay nila lola Eki.

Habang nag lalakad ako papabalik sa bahay nila lola Eki ay paulit ulit na bumabalik sa aking alaala ang napanaginipan ko kanina. Napa hinto naman ako sa pag lalakad ko saka ako napa hawak sa aking labi.

Naramdaman ko naman ang pag iinit ng aking mga pisngi ng maka rinig ako ng kaluskos sa aking paligid. Napa tayo naman ako ng diretso saka ko pinakiramdaman ang aking paligid.

Mabilis naman akong napa baling sa aking likuran ng maka rinig ako dito ng malakas na pagkaluskos hanggang sa sumulpot si Jake sa aking harapan.

Tanging pag hawak nalang sa aking dibdib Ang aking nagawa dahil sa matinding pagka takot. Napa hinga naman ako ng maluwag saka siya nilapitan. Nag lakad naman din siya papalapit sa akin at mababakas sa kaniyang mga mata ang matinding pag-aalala.

"Bakit Jake?" Nag aalala ko na ring tanong sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin saka niya hinawakan ang aking mag kabilang balikat saka niya ako tinanong nasiyang ikinakunot ng aking noo.

"Nakita moba si Tita Nimpa?" Nag aalala nitong tanong sa akin. Napa kunot noo naman ako saka umiling. Napa buga naman siya ng hangin saka umalis sa aking harapan at nag simula na ulit mag hanap.

Nanatili namang naka kunot ang aking noo saka ko siya sinundan. Bakit kaya? May nangyari kayang masama kay ate Nimpa?

"Jake!" Pag tawag ko sa kaniyang pangalan saka siya hinabol at tumulong narin sa pag hahanap.

"Teka lang Jake! Ano bang nangyayari? Bakit mo hinahanap si Ate Nimpa? May nangyari ba sa kaniyang masama?" Sunod sunod kong pag tatanong sa kaniya.

Huminto naman siya sa pag lalakad saka ako hinarap. Binigyan naman niya ako ng nag aalalang tingin na siyang nag paangat ng mga balahibo sa aking batok.

"Hindi ko alam kung papaano nag simula ang lahat. Ang alam ko lang ay nagising ako sa malakas na sigaw na nanggagaling kay Tita Nimpa. Tapos nung magsi bangunan kami ay lumabas kami para alamin kung anong nangyari bigla nalang siya nag laho na parang bula. A-at n-nadatnan nalang namin a-ang..." Napa lunok naman siya ng sunod sunod habang mukhang nag dadalawang isip kung itutuloy paba.

"Nadatnan nyo ang ano?" Tanong ko rito. Muli naman siyang napa lunok ng maraming beses bago siya sumagot.

"N-nadatnan nalang namin ang isang putol na kamay at mga bahid ng dugo sa paligid." Na ngangatog niyang sagot.

"Kay Ate Nimpa ba ang kamay na iyon?" May halong takot kong pagtatanong sa kaniya. Umiling iling naman siya saka nag simula muling mag lakad.

"Hindi! Hindi namin matukoy kung kanino o sino ang nag mamay-ari ng kamay na iyon. Pero hindi namin pinaniniwalaan na si Tita Nimpa ang nag mamay-ari ng kamay na iyon." May halong pag didiin niyang sabi.

Hindi na ako nag salita pa at tumulong nalang sa pag hahanap kay Ate Nimpa. Napadpad na kami sa kakahuyan ngunit wala parin kaming makita hanggang sa may marinig kaming sigaw na hindi kalayuan sa aming kinatatayuan.

"Akin lang siya...."

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now