Chapter 16

42 3 0
                                    

Aron's POV

Kasalukuyan kaming mag kakasama ngayong apat Dito sa Sala at nanonood Ng anime.

Napag usapan Kasi Naming lahat kahapon na bukas Namin sisimulan Ang pag kilos Namin upang itama Ang lahat. Sangayon ay nag papahinga muna kami matapos lahat Ng nangyari sa Amin nitong mga nakaraang Araw.

Bukas kami mag sisimula at siguradong mas malalagay sa alanganin Ang mga Buhay Namin. Pero no choice dahil ginusto ko Naman ito. Nag aalala lang Ako sa mga kaibigan ko na nadadamay sa gulong pinasok ko.

Napa kamot Naman Ako sa aking batok habang palihim silang sinusulyapan. Ngunit sandali Naman akong napa isip Ng may mapansin akong kakaiba.

Ngayong araw ay mag kakasama kami sa Bahay ni ate Nimpa. At Ang kakaiba lang ay ni Isang multo ay Hindi kami dinalaw. Ni pagka gising ko Wala akong Nakitang na aagnas na mukhang bigla nalang sumulpot sa mukha ko.

Nakakapag taka 'man ay ikinibit balikat ko nalamang ito Saka itinuon Ang aking atensyon sa panonood Naming anime, Ng biglang tumunog Ang aking cellphone.

Agad Naman nilang pinouse Ang pinapanood Namin Saka Ako nilingon. Humingi muna Ako Ng paumanhin Saka tumayo at sinagot Ang tawag.

"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.

"Aron..?"

Sandali pa akong natigilan Saka nilingon Ang mga kaibigan ko na naka tingin Rin pala sa akin.

Bumalik Naman Ako sa Sala Saka ini-speaker Ang call para marinig naming lahat. Sandaling katahimikan muna Ang namayani sa Amin maging sa kabilang linya Hanggang sa Muli itong mag salita.

"Aron, bakit Hanggang ngayon ay Hindi parin kayo pumapasok?? Maging Sina Jerome at Adan. At nabalitaan ko na pati raw si Jake ay Hindi na pumapasok? Ano bang pinag gagagawa ninyong mag kakaibigan?!?"

Nag katinginan Naman kaming apat Saka napa kamot sa aming mga batok.

Oo nga pala. Ang tagal na din simula nung huling pasok Namin. Malamang maraming nag tataka kung bakit kami Hindi pumapasok.

"Ano po Kasi ma'am--"

"Tama na Ang mga pag papalusot! Bukas dapat Makita Kona kayo rito! Kung Hindi mga magulang ninyo na Ang kakausapin ko bukas. Pati si Jake!" Pag tataas nito Ng boses.

Napa buga Naman ako Ng hangin saka mahinahon na nag salita at kinausap si ma'am Bambi.

"Ma'am pasensya napo, mayroon lang po kaming pinag kakaabalahan sangayon--" ngunit agad nitong pinutol Ang aking sasabihin.

"Sangayon?! Well sangayon blangko din Ang mga grades ninyo sa akin!" Galit nitong tugon.

Sumeryoso Naman Ang aking ekspreyon Saka siya muling kinausap. Ngunit pinanatili Kong kalmado Ang aking sarili. Mahirap na.

"Ma'am, pasensya na po talaga. Pero ma'am Hindi ninyo po kami naiintindihan. May mabigat po kaming problemang kinakaharap. Nag bigay na Rin Naman po kami Ng sulat sa principal Ng school sa mga magiging dahilan Namin. Kaya siguradong alam napo Niya kung bakit Hanggang ngayon Wala papo kami." Pag papaliwanag ko Kay ma'am Bambi na tahimik na sa kabilang linya.

"Pero h'wag po kayong mag aalala. Siguradong makakabalik din po kami sa school matapos lang po itong problemang ito." Dagdag ko pa.

Sandaling katahimikan muna muli Bago ko narinig Ang pag papakawala Niya Ng Isang mabigat na hininga.

"Ano ba Kasing problema iyan? Pwede Naman kayo mag Sabi sa aming mga guro ninyo at baka matulungan Namin kayo." Ngayon ay nawala na Ang Galit sa Tono Ng kaniyang pananalita at napalitan Ng pag aalala.

Napa ngiti Naman Ako Ng Wala sa Oras nang mapag alamang nag aalala ito sa aming kalagayan.

"H'wag po kayong mag alala ma'am. Siguradong pagka balik po Namin diyan sa school walang ditalye na Hindi makakarating sa inyo." Paninigurado ko na sinang-ayunan nang mga kasama ko.

Narinig kopa Ang pag tawa nito sandali Bago pumayag. Ilang sandali pa kami nag kamustahan Bago Namin napag pasyahang ibaba Ang tawag.

Muli kaming natahimik matapos Ang tawag, ngunit agad namang nabasag Ang katahimikang ito nang mabigat na bumukas Ang pintuan Ng Sala at iniluwa nito si ate Nimpa na mukhang pagod na pagod.

Nag tataka Naman Namin siyang pinag masdan na nag lalakad papalapit sa amin. Seryoso Ang kaniyang ekspreyon Hanggang sa naka lapit na nga ito sa Amin.

Inagaw muna nito Ang baso Ng juice sa kamay ni Jake Saka ito ininom Bago Niya kami muling hinarap Saka nag simulang mag paliwanag.

"Nang galing Ako sa Isa sa mga kaibigan ni nanay. Nag tanong Ako sa kaniya patungkol sa pamilyang Yumso." Napa upo Naman kami Ng maayos lahat at humanda sa maaari naming marinig.

"Ano po? May nakuha pu' ba kayong impormasyon?" Tanong sa kaniya ni Jake habang kumakagat Ng turon.

Tinignan Naman siya ni ate Nimpa Saka umupo at kumuha na Rin Ng turon sabay kain nito.

"Malamang, Jake. Ano Akala mo sa akin. Syempre Hindi Ako aalis sa Lugar na iyon Ng walang nakukuhang impormasyon kahit na ipag tabuyan pa nila Ako Ng ilang beses." Sagot nito na parang proud pa sa kaniyang ginawa.

Napa tango tango nalang Ako Saka napa kamot sa aking sentido, nang Muling mag salita si ate Nimpa gamit Ang seryosong tinig.

"Oo may nakuha akong impormasyon Mula sa kanila sa pamamagitan Ng pangungulit ko sa kanila. At syempre Hindi Ako mag papatalo kaya binigyan na nila Ako Ng impormasyon." Sandali itong huminto Saka muling kumuha Ng turon at kumain.

"Nalaman ko Mula sa kanila na malapit lang Dito sa Isla Ng Davao matatagpuan Ang sikretong Isla kung saan naroroon Ang Yumso province." Nahinto Naman Ako sa aking narinig.

"Malapit lang...?" Tanong ko na kaniyang seryosong tinanguan.

"Oo, nalaman ko rin na ilang Oras na biyahe lang gamit Ang bangka para marating Ang Lugar na iyon. Kaya bukas na bukas aalis na agad Tayo para puntahan Ang Lugar na iyon." Muli itong kumuha Ng turon Saka tumayo na at umalis.

Ngunit Bago ito tuluyang maka Ali's ay Muli itong nag salita.

"Mag handa na kayong apat, dahil sisiguraduhin Kong Hindi magiging madali Ang pag punta natin sa Lugar nang mga Yumso. Masyadong delikado." Huling Sabi nito Bago nag lakad papaalis.

Muli namang may namuong katahimikan sa aming apat Hanggang sa tumayo si Jake at mag tanong.

"Ano?? Tara na para makapag handa na Tayo bukas?" Tanong nito na parang handang handa na.

Nag palitan muna kami Ng tinginang tatlo Saka nag ngitian at tanguan Bago tumayo at nag simulang pumanik sa kanya kanya naming mga silid.






Bukas na..







Magsisimula na Ang unang hakbang Namin para malutas Ang mga problemang ito.


A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now