Chapter 30

36 1 0
                                    

Nimpa's POV

Naihakbang ko Ng Isa papaatras Ang aking mga paa nang tumabad sa Amin Ang batang si Adan.

Nag Wawala ito habang tumatawa at lumuluha Ang kaniyang mga Mata. Naka kulong din siya sa Isang silid kung saan puro makakapal na salamin Ang mga pader Kaya't kitang kita Namin siya.

Hindi ko alam kung pano nangyari ito. Ngunit Ang alam ko lamang ay may tumawag sa akin at napunta kami sa Lugar na ito at Isang batang nag ngangalang Adan Ang agad na bumungad sa Amin.

"Nagulat na lamang Ang mga pulis nung gabing iyon. Bigla nalang daw itong nag sisigaw sa selda Niya at Saka biglang nag Wala. Hindi Naman na daw nila ito maawat at tila nawala na sa kaisipan Kaya't agad silang tumawag sa opisina Namin at dilana siya Dito." Pag k-kwento sa Amin nang kaibigan Kong nurse na nag aasikaso Dito sa mental hospital.

Siya si Gazy. 26 years old at dating kaklase ko noong highschool at college Ako. Matanda lamang Ako sa kaniya Ng Isang taon. Matagal na din kaming Hindi nag kita.

"Ang balita ko ay mga bandang 9:04 pm nangyari iyon." Pag sisimula Niya habang iginagaya Niya kaming maupo sa sofa na di kalayuan sa silid ni Adan Kaya't natatanaw parin Namin siya.

"Nagulat nalang daw Sila nang may marinig silang kung ano-anong ingay na nag mumula sa selda ni Adan. Nung puntahan daw ito Ng mga pulis ay naabutan daw nila itong nag Wawala at sinasaktan Ang kaniyang sarili. Sinubukan nila itong awatin at pakalmahin pero Wala parin daw nangyayari Kaya't tinawagan na nila kami."

Nilingon ko Naman Ang batang si Adan na naka upo na ngayon sa sahig habang naka yakap sa kaniyang mga tuhod at umiiyak habang naka ngiti.

Nakaramdam Naman Ako Ng matinding awa dahil sa kaniyang dinanas. Parang kahapon lang ay Masaya pa silang nag tatawanan mag kakaibigan. Hindi ko talaga aakalain na ganito Ang kahahantungan Ng mga Buhay nila.

Ngunit laking pasasalamat ko at Walang nangyaring masama sa mga pamangkin ko. Nilingon ko Sila at kitang-kita ko sa kanilang mga Mata Ang hinanakit habang naka tingin sa kanilang kaibigan na Wala na sa matinding pag iisip.

"Base sa pag o-obserba Namin nangyari ito dahil sa matinding depression at matinding pagka takot. Maaari ding naging rason Ang pag iisip Ng kung ano-anong mga Bagay na talagang ikakasama Ng kaniyang kalusugan." Ibinaba Naman isa-isa ni Gazy Ang mga tasang nag lalaman nang mga kape Saka naupo sa Isang single sofa na nasa aming harapan.

"Nakakaawa siyang bata. Masyado pa siyang bata para maranasan Ang ganitong klaseng pag hihirap. Hindi pa Niya nararanasang maka akyat sa entablado ngayong end of quarter Ng kanilang pasok. Hindi na din Niya mararanasan Ang mag karoon Ng Isang masayang pamilya." Ani Gazy habang naka tanaw din Kay Adan kagaya Namin.

Iniwas ko Naman Ang aking mga Mata Kay Adan. Pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog Ang aking puso sa tuwing nakikita ko siya sa ganoong kalagayan.

Hindi Ako sanay na Makita siyang nasa ganoong kalagayan. Hindi ko matanggap na sa ganito nalang mag tatapos Ang kaniyang Buhay. Kawawang bata, Hindi na Niya mararanasan pang mabuhay Ng may masayang pamilya.

Kinuha ko Ang kape na nasa lamesa Saka Ako humigop doon Ng kakaunti. Parang nag balik Naman sa aking alala Ang kaniyang pigura noong siya ay bata pa lamang.

Naiiling ko nalang Ang aking ulo Saka muling ibinaba Ang tasang aking hawak.

Naalala kopa Ang kakulitan mo noon Adan. Kung papaano mo tangayin Ang mga sapatos ko at Saka ito susukatin sa likod Ng pintuan at mag lalakad sa aking harapan habang naka hawak sa iyong mga baywang.

Napa pikit akong sandali upang pigilan Ang mga luhang nag babadyang tumulo sa aking mga Mata. Nag bitaw muna Ako Ng Isang malalim na buntong hininga Saka tumayo at nag lakad papalapit sa kaniya ngunit nanatiling naka harang Ang malaking salamin sa aming pagitan.

Naupo Naman Ako sa kaniyang harapan Saka ipinatong sa salamin na pader Ang aking mga kamay na tila inaabot siya.

Habang pinag mamasdan ko siya ay Hindi Kona napigilan Ang aking mga luhang tumulo. Ang sakit para sa akin na Makita siyang nag kakaganto.

"Adan, pag pasensyahan Mona Ako. Kung maibabalik kopa sana Ang mga Oras na nag kulang Ako sa pag aalaga sa inyong mag kakaibigan..." Nakagat ko Ang aking pang ibabang labi sabay kuyom Ng aking mga kamay.

"... Kung pwede lang ibalik.. ibabalik ko Ang mga Oras na iyon." Itinikom ko nalang Ang aking mga labi at hinayaang tumulo Ang aking mga luha Hanggang sa maramdaman Kong may tumabi sa akin.

Inangat ko Naman Ang aking ulo at Nakita Kong naka tabi na pala sa akin Ang aking mga pamangkin. Naka pikit Sila habang Ang kanilang mga noo ay naka dikit sa salamin na humahati sa pagitan Namin nila Adan.

Ilang sandali pa kaming nanatili sa Lugar na iyon upang hintayin Ang mga magulang ni Adan na dumating. At sa kanilang pag dating ay nag paalam na din kami agad upang umalis.

Gusto pa sanang manatili nila Jerome sa mental hospital upang makasama Sila Adan ngunit Hindi na Ako pumayag. Alam Kong pagod din Sila sa mga pangyayaring ito Kaya't nag suhesyon nalang Ako sa kanila na bumalik nalang kami kinabukasan at muling dadalawin si Adan.

Tahimik lang Ang naging biyahe naming tatlo Hanggang sa makauwi kami sa aming Bahay.

Pagka baba pa lamang Namin sa sasakyan ay agad Kona silang Pina akyat sa kanilang mga silid upang makapag pahinga na Sila Samantalang Ako ay dumiretso sa banyo upang mapreskuhan.

Nakakapagod nang mabuhay...

Matapos Ang halos Isang Oras Kong paliligo ay naupo muna Ako sa aking kama habang pinupunasan ko Ang aking buhok upang mabilis itong matuyo at makapag pahinga na din Ako dahil sobrang pagod na din Ako, Ng biglang tumunog Ang aking cellphone na naka patong sa aking lamesa katabi Ng kama.

Agad ko Naman itong kinuha at Saka sinagot at tawag.

"Hello?"

Sandali pang kumunot Ang aking noo dahil Hindi ko maintindihan Ang sinasabi sa kabilang linya.

"Sandali lang Gazy. Mag dahan-dahan ka Hindi kita maintindihan. Huminahon ka lang." Pag papakalma ko sa kaniya ngunit napalitan Ng pag hikbi Ang kaniyang balisang boses.

"Ano bang nangyari?" Nag-aalala ko nang tanong rito. Ilang Segundo Bago siya sumagot..

"N-nimpa.... S-si Adan...







Wala na."

*****
No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

Umbrella Where stories live. Discover now