Chapter 23

47 3 4
                                    

Jake's POV

"M-may...."

Ang kaninang nakakailing na atmospera ay agad na nabasag Ng sinubukan ni kuya Aron na mag salita.

Nabaling kami sa kaniya ngunit nanatiling naka tungo Ang kaniyang ulo at Hindi manlang kami magawang pag-angatan Ng tingin.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pinag lalaruan lang kami Ng mga pangyayari dahil sa gulo Ng mga kaganapan ngayon.

Nabasa Kona din lahat Ng nasa libro ngunit Wala din itong masyadong Ibinigay na impormasyon. Ngunit sapat Naman na lahat nang nabasa kong impormasyon Mula rito upang mapuksa na Namin Ang sumpa na nakabalot sa Amin ngayon.

"K-kase..."

Muli Naman akong nabaling Kay Kuya Aron na ngayon ay pilit na sinasalubong Ang aking mga Mata na nag tatanong na sa kaniya.

Kinagat nito Ang pang-ibabang labi at tila hinahagilap pa Ang kaniyang nararapat na sabihin. Ilang minuto siyang ganoon habang kami ay nag-aabang sa kaniyang sasabihin, Hanggang sa magsimula na siyang mag salita.

Bumitaw muna ito Ng Isang malalim na buntong hininga Bago nag umpisa. "Gusto ko nang matapos Ang lahat Ng ito." Paninimula nito.

"Alam Kong Hindi lang Ako Ang nahihirapan sa sitwasyon natin ngayon. At alam ko din na Hindi ninyo Naman ito mararanasan kung Hindi Ng dahil sa akin. Kaya patawad sa mga nagawa ko. Kung maging kayo ay nag hihirap Ng dahil sa gulong hinakot ko." Pag hingi nito Ng tawad sa Amin.

Sandali itong tumayo at yumuko sa aming harapan ngunit agad din Namin siyang pinabalik sa pagkakaupo.

"Kuya Aron, Hindi mo kailangang humingi nang tawad sa Amin dahil una sa lahat ginusto namin Ang tulungan ka. Kaya Wala kaming nakikitang dahilang upang humingi ka sa Amin Ng tawad." Pag lilinaw ko sa kaniya na kaniyang pinasalamatan.

"Pasensya na kayo ulit." Muli nitong pag hingi Ng tawad Saka muling naupo sa upuan.

"Wala iyon." Pag sagot ko sa kaniya Saka siya tinapik sa kaniyang balikat. Ngumiti naman ito Ng pilit Saka muling napa tungo.

"Ang totoo niyan, gusto ko lang aminin sa inyo Ang lahat Ng nagawa Kong pagkakamali. Alam ko namang Hindi na mag tatagal Ang Buhay ko sa mundong ito dahil naka tatak na sa akin Ang Marka Ng kamatayan. Kaya alam Kong Hindi na Ako mag tatagal. At upang matapos na Ang mga pag hihirap ninyo ay aaminin Kona lahat Ng aking pagkakamali." Saad nito Saka siya nag Angat Ng tingin Ng may kasamang lungkot sa kaniyang ekspreyon.

"Una gusto ko lang sanang humingi Ng paumanhin sa inyong lahat dahil sa nadamay kayo sa gulo Kong ito. Pangalawa, naalala ninyo ba nung Araw na nawala si Chary? Ang totoo niyan ay ilang beses ko din siyang nakikita na naka sunod sa atin. Lalo na Kay Adan. Hindi ko alam kung paano sisimulan Ang pag Amin sa mga nagawa Kong pagkakamali pero gagawin ko nalang ayon sa tamang pagkakasunod sunod." Ramdam ko Ang tensyon na nararamdaman ni kuya Aron habang nag sasalita siya sa harapan Namin ni kuya Adan na tahimik lang at nakikinig.

"May kapatid kami ni Chary at Hindi iyon Kilala ni Chary. Ang pangalan Ng ikalawa sa aming mag kapatid ay Luna. Hindi siya nakilala ni Chary dahil ipinaampon siya nila mama dahil sa Hindi na nila kami kayang sustentuhan tatlo. Pinili Namin nila mama na wag ipaalam Kay Chary Ang lahat dahil inakala Namin na mas mabuti itong Gawin dahil tahimik Naman Ang mga Buhay Namin. Hanggang sa nabalitaan Namin na binawian na ito Ng Buhay. At iyon ay nung Araw na nag Dala Ako sa kanilang paaralan Ng payong.

Maulan Ang panahon noon at naisipan Kong dalhan siya Ng payong. Pero h-hindi ko alam, 'di ko matandaan kung Anong nangyari pero maraming nag sasabi na nandoon Ako nung mangyari Ang insidenteng iyon." Naka kuyom Ang kaniyang mga kamao habang nag ku-k'wento siya sa Amin.

Medyo magulo siyang mag kwento Lalo na at sinamahan pa Ng kilabot at lungkot Ang kaniyang tinig. Nanginginig Ang kaniyang boses at Hindi maipag kakailang natatakot siya.

"Si Kat at si Saf. Pareho ko silang niloko. P-pasikreto akong nakikipag relasyon Kay Kat habang kami pa ni Saf." Halos mabulunan Naman Ako sa hangin dahil sa kaniyang sinabi.

Tinitigan ko Naman siya at binigyan Ng Hindi makapaniwalang tingin. Binigyan Naman Niya Ako Ng Isang malungkot na ngiti.

"N-nag Loko ka Kay ate Saf?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Nag Iwas siya sa Amin Ng tingin Saka siya dahan-dahang tumango.

Mag tatanong pa sana Ako sa kaniya Ng mapansin Kong mukhang hindi maganda Ang kaniyang pakiramdam Kaya't inaya ko muna siyang mag pahinga.

10:34 pm na at Ako nalang Ang nananatiling gising sa aming lahat. Bawat Isa sa kanila ay mahimbing Ang mga tulog.

Hindi Ako makatulog kaya Maya Maya na Ako matutulog. Hindi lang talaga mapakali Ang aking pakiramdam matapos marinig Ang mga naging kwento sa Amin ni kuya Aron.

Isa pa, pakiramdam ko ay may mangyayari Hindi maganda kaya't mas pinili ko munang Hindi matulog upang mag matyag sandali.

Hindi ko talaga lubusang maisip na nagawa ni kuya Aron Ang nga Bagay na iyon. Lalong Lalo na nag Loko siya Kay ate Saf na mahal na mahal siya.

Alam Kong mahal na mahal nila Ang Isa't Isa, kaya bakit? Napasabunot Ako sa sarili Kong buhok dahil sa medyo sumakit Ang aking ulo dahil sa mga pangyayari na ito.

Bawat impormasyon na nalalaman ko pakiramdam ko ay siyang nag papabigat at nag papadali sa Buhay ko. Pakiramdam ko sa tuwing nakakahanap Ako Ng panibagong impormasyon ay mas umiikli Ang aking Buhay.

Agad Naman akong lumapit sa Isa sa mga mahahabang sofa Saka doon nahiga at nag simula nang mamahinga. Siguradong pagod lang din Ako Kaya't kung Ano-ano na Ang pumapasok sa isip ko.

Sandali Kong ipinikit Ang aking mga Mata at doon nag simulang bumalik sa aking mga alaala lahat Ng mga napagdaanan Namin.

Nag hirap kami at ilang beses nalagay sa alanganin Ang aming mga Buhay ngunit nanatili kaming Buhay at mag kakasama. Sana manatiling ganito kaming mag kakaibigan Hanggang katapusan.

Hanggang sa dapuan na nga Ako Ng antok at naka tulog Ako. Ngunit nanatili Ang Kaba sa aking dibdib.

*****

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now