Chapter 22

35 2 0
                                    

Aron's POV

Tahimik at Wala kaming imikan tatlo habang may kaniya-kaniyang pwesto sa silid kung saan naroroon Sina Ate Nimpa at Jerome.

Wala parin silang mga Malay at mga nakaratay sa kama. May saksak Sila pareho sa gawing tiyan dahil sa ginawa nila ma'am Bambi.

Matapos Ang insidenteng nangyari ay nanahimik na si Adan. Sinubukan din naming hanapin Yung dalawang teacher na bigla-bigla nalang nanunugod, pero talagang nawala na Sila. 'Ni Hindi manlang Sila nag Iwan Ng bakas kaya hirap kaming matunton kung nasaan na Sila ngayon.

Hawak narin Namin ngayon Ang Red book na ngayon ay binabasa na ni Jake. Nakuha Namin ito dahil Kay Jake. Nakita Niya daw itong naka tago sa Isa sa mga lamesa na gamit Ng Isa sa mga teachers na iyon.

Bumitaw muna Ako Ng Isang malalim na buntong hininga Bago ko pinag masdan Ang mga kasama ko. Ang tahimik nakakailang Ang atmospera Dito sa loob.

Malaki din Ang aking pasasalamat dahil Wala pang nag paparamdam sa Amin na kahit na ano... O kahit na sino.

Nanatiling ganoon Ang aming sitwasyon Hanggang sa tawagin kami ni Jake at nag simula na siyang mag bahagi patungkol sa mga nabasa Niya sa tinatawag na Red Book.

Huminga muna siya Ng malalim Bago nag simulang mag paliwanag.

"Ang buong Akala ko ay may kinalaman Ang pulang payong sa mga pagka matay na nagaganap. Pero mukhang nagkamali Ako. Nagkamali Tayo." Paninimula nito.

Tinitigan Niya kami Ng diretso sa aming mga Mata Saka siya nag patuloy. "Kakatapos ko lamang basahin Ang lahat Ng impormasyon na mayroon Ang libro na ito. At masasabi ko na kakaunti lang Ang Impormasyon Ang mayroon Dito pero sapat na iyon para mahinto ang lahat Ng ito." Umayos ito Ng upo at itinaas Ang kaniyang Isang daliri.

"Una, Ang pulang payong ay walang kinalaman sa mga kamatayang nagaganap sa bawat sitwasyon." Aniya. "Ang pulang payong ay tanging simbolo." Pag lilinaw nito sa Amin.

"Simbolo? Saan?" Pag tatanong ko sa kaniya. Binalingan Naman Ako nito Saka sinagot Ang aking katanungan.

"Ito ay sumisimbolo sa dugo, pagdurusa, at higit sa lahat kamatayan." Pag sagot nito na siyang nag patahimik sa akin. Hindi na Ako muling nag balak pang mag salita pa at nakinig nalang sa kaniya.

"Ang pulang payong ay sumisimbolo sa dugo, pagdurusa at kamatayan. Yun Ang paniniwala nila. Wala itong sumpa at Wala itong kinalaman sa kaganapan ngayon. Ginagamit lang nila Ang pulang payong upang maging simbolo ng kamatayan. At talagang sumasakto lang Ang pulang payong sa mga pagka matay na nagaganap. Pero Wala talaga itong kinalaman sa mga pagka matay." Pag papaliwanag Niya.

Muli Namang itinaas ni Jake Ang kaniyang dalawang daliri at nag Salita. "Ikalawa, Ang Marka Ng kamatayan." Napa lunok Naman Ako Ng Wala sa Oras Ng marinig ko ito at dahil din sa Kaba na aking nararamdaman.

"Ang Marka nang kamatayan ay siyang pinanimulaan Ng dalawang taong nag mamay-ari Ng librong ito. Sila Ang unang naka tuklas Ng Marka Ng kamatayan." Pag bibigay Niya sa Amin Ng ikalawang impormasyon.

Ibig ba nitong sabihin Sila teacher Bambi at teacher Stella Ang unang nakakakita Ng Marka Ng kamatayan? Hanggang sa lumaganap Ang kakayahan na ito? Ganoon ba?

"Ayon sa impormasyon na nakuha ko Dito sa libro, Ang Marka Ng kamatayan ay Makikita sa pamamagitan Ng ikatlong Mata. At Makikita Rin ito sa Isang tao na maaaring mamamatay na 'o babawian na Ng Buhay." Walang pag aalinlangan nitong Sabi habang diretso parin Ang tingin nito sa aming mga Mata.

Napalunok Ako Ng makailang beses, dahil Ang Marka Ng kamatayan ay naka tatak na sa akin maging Kay Adan.

"Mayroong mga sign na mayroon ka Ng Marka Ng kamatayan. Una na doon Ang madalas mong pagka kita sa iyong yumaong na kapamilya. Ikalawa, Ang pagkakaroon mo Ng mga sunod-sunod na problema at Ang ikatlo at huli, Dito ay Ang sunod-sunod na muntik mo nang pagka matay." Pag bibigay sa Amin ni Jake Ng mga sign na kami ay mayroong Marka Ng kamatayan.

Pero matagal ko na ring alam na may marka Ako Ng kamatayan. Dahil Ang lola nila mismo Ang nag Sabi sa akin Ng Bagay na iyon.

Napabuga Naman Ako Ng hangin at tila Hindi kakayanin Ang mga impormasyon na nakukuha ko. Grabe na itong mga pangyayari na ito. Mabuti at nakakaya ni Jake lahat Ng ito. Lalo na at siya Ang pinaka bata sa aming grupo.

"Mayroong paraan para matigil Ang sumpa na pinaniniwalaan nila." Agad na naagaw ni Jake Ang aking atensyon.

Umayos Ako Ng pagkakaupo at Saka siya pinag masdan na nag sasabi na ituloy Niya Ang pagsasalita. Tumango ito sa akin at sandaling nag basa sa libro Bago muling nag patuloy sa kaniyang pag sasalita.

"Matatapos Ang sumpa sa pamamagitan Ng pag Amin ninyo sa inyong mga pagkakamali. Pag Amin sa mga kasalanang nagawa. Kasalanan na nagawa ninyo sa mga yumaong ninyong kapamilya." Sandali kaming natahimik sa kaniyang sinabi.

Kasalanan? Anong klaseng kasalanan ba Ang dapat naming aminin?

Sandali Akong napatigil at napa hawak sa aking ulo dahil medyo sumakit ito. Medyo nanlabo din Ang aking mga paningin.

"Kuya Aron? Ayos ka lang ba?" Rinig ko Ang nag-aalalang boses ni Jake na tinatanong Ako. Sunod-sunod muna akong humugot Ng hangin Bago umayos Ng upo Saka siya binigyan Ng Isang siguradong ngiti.

"Oo, ayos lang Ako." Paninigurado ko sa kaniya. Tinitigan muna Ako nito at tila nag-aalangan pa sa aking naging sagot sa kaniya ngunit tumango na lamang din ito at Saka nag patuloy sa pag papaliwanag.

Hindi ko alam sa sarili ko kung Ano bang Mali 'o kung Ano man ba Ang problema ko. Hindi ko alam pero may tumutulak sa akin na umamin sa mga nagawa Kong pagkakamali.

Siguro nga ay ito na Ang tamang Oras upang aminin ko Ang mga nagawa ko nang pagkakamali sa aking sarili maging sa aking pamilya at mga kaibigan. Hindi lang din pala sa kanila. Maging sa ibang tao na nasa aking paligid.

Sandaling nawala sa pag iisip Ang aking atensyon nang mapansin Kong kanina pa naka tingin sa akin si Adan. Nag Angat Naman Ako Ng kilay at isang pag iling lang Ang kaniyang isinagot sa akin Bago muling bumaling Kay Jake.

"Pasensya na..."

*****
A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now