Chapter 5

63 4 0
                                    

Aron's POV

"Hinto!!"

Muli namang napa preno nang malakas si Jerome dahil sa biglaang pag sigaw ni Adan.

"Bakit?" Kabado naming tanong sa kaniya. Agad naman akong napa tingin sa labas nang bintana upang i-check kung may nabangga ngaba kami tulad kanina.

"Bakit?" Muli kong tanong sa kaniya. Nilingon naman niya ako saka ako binigyan nang isang ngiti na aking ikinataka.

"Kasi..." Kumamot naman ito sa kaniyang batok habang nag sasalita. "Kasi... naihulog ko yung candy ko kanina. Pwedeng balikan natin?" Halos mahulog naman ako sa aking kina uupuan dahil sa kaniyang sinabi.

Agad naman namin siyang sinamaan nang tingin na nakapag paatras sa kaniya papalayo sa amin.

"Ikaw talaga! Candy lang pala akala ko naman kung ano nang nangyari!" May halong inis kong turan. Muli naman siyang napa kamot sa kaniyang ulo saka napa nguso.

"Eh kasi naman eh! Favorite candy ko kaya iyon! Saka ubos na sa binilhan kong tindahan ang candy na iyon kaya wala na akong mabibiling candy na katulad nayon!" Pag pupumilit nito sa amin.

"Hindi!" Sabay sabay naming turan. Napa nguso naman siya saka humalukipkip na parang bata. "Tss! Ang sasama ninyo naman sa akin." Parang bata nitong ani habang naka nguso parin.

Napa iling iling nalang kaming tatlo saka nag patuloy sa pag biyahe. Muli namang pinaandar ni Jerome ang makina nang kotse at nag simula nanaman ang aming tahimik na biyahe.

"Ano kuya, naaalala mo paba kung saan yung bahay nila Lola?" Pag tatanong ni Jake. "Hmm? Malamang!" Sagot ni Jerome sa naka babata nitong kapatid.

"Ano kaba naman Jake? Sariling bahay nang lola mo hindi mo matandaan kung saan?" Ani ko na naka pag pakamot pa sa kaniyang batok.

"Eh kasi naman nung huling punta ko sa bahay nila lola noong five (5) years old ako eh." Sagot nalang nito saka muling tumahimik.

Ang sabi nang magkapatid sa amin ay malayo sa kabahayanan naka tira ang lolo at lola nila. Halos nasa gubat nadin daw naka tira sila. Nag tanong nga ako sa kanila kung bakit sa gubat sila naka tira at nag tayo nang bahay malayo sa mga tao.

Tinanong din daw nila iyon sa grandparents nila pero ang isinagot lang daw sa kanila nang mga ito ay...

'Ayaw nila sa mga tao. Bawat isa sa kanila ay may itim na awra. Bawat yumaong na kapamilya nila ay katabi nila. Naka titig at naka ngiti nang kakaiba na parang kahit anong oras ay susunduin nanila ang mga naiwang kapamilya nila sa lupa.'

Medyo tumaas naman ang mga balahibo ko sa sinabi na iyon ni Jerome. "Siguro ay namana ni Jake sa mga grandparents ninyo yung kakayahan niyang maka kita nang mga kakaibang bagay na hindi kayang makita nang normal na tao?" Mungkahi ko na kanilang sinang ayunan.

Ilang sandali pa kaming nag biyahe hanggang sa kumaliwa kami sa isang kanto. Hindi kakasya sa daan yung sasakyan kaya nag parada nalang kami sa isang espasyo na nakita namin saka lumabas na nang kotse.

Tinignan ko naman na kung anong oras na at halos pasado alas dose na pala nang madaling araw.

Kinuha naman namin ang mga gamit namin saka nagsimula nang maglakad papasok sa gubat.

Habang nag lalakad kami sa loob nang gubat ay tanging mga kuliglig lang at mga yabag lang ng mga paa namin ang aming naririnig.

Habang nag lalakad kami ay nag mamasid din kami sa aming paligid. Nasa unahan namin si Jerome dahil siya ang nakaka alam kung nasaan ang bahay ng lola nila. Si Jake naman ay katabi ni Adan na kasunod ni Jerome habang ako ay nasa kanilang likuran.

Naalala ko naman yung mga sinabi sa amin ni mama kahapon. Wala namang nangyari sa amin kaya malamang ay ayos lang ang lahat.

Napahinto naman ako sa pag lalakad at napa tayo ng tuwid nang maka rinig ako nang pagkaluskos sa aming paligid. Hindi lang pala ako dahil maging sila ay napahinto narin.

Nag dikit dikit naman kami saka inikot sa paligid ang aming mga paningin hanggang sa unti unti kaming may maaninag na isang babae na papalapit sa akin.

Naramdaman ko naman ang mahigpit na pagkakapit sa akin ni Adan. "Ano kaba Adan! Bitiwan mo nga ako! Para ka namang hindi lalaki niyan eh!" Paasik kong sabi sa kaniya kaya agad itong bumitaw sa akin saka umayos nang tayo.

"Mga bata..."

"WAHHH!!"

Napa hiyaw kaming lahat sa gulat nang bigla itong mag salita at tanlawan ang sarili nang ilaw. Naka hinga lang ako nang maluwag nang nilapitan nina Jerome at Jake ang matandang babae.

"Mga pre, si lola lang ito. Yung lola namin." Humihingal na sabi ni Jerome. Sa tingin ko rito ay nasa 70's na Ang edad nito. Medyo malakas pa 'din Ang kaniyang pangangatawan dahil kaya pa nitong tumayo Ng tuwid. Inakayan naman nila Jerome ang lola nila papalapit sa amin.

"Anong ginagawa ninyo dito mga bata?" Pag tatanong nito sa amin. Nilingon ko naman si Jerome kaya agad siyang tumango.

"Lola pwede pubang doon muna tayo sa bahay ninyo?" Ani ni Jerome. Agad namang pumayag ang lola nila saka kami iginaya papunta sa kanilang tahanan, Nang huminto ito sa pag lalakad saka siya may tinawag.

"Ikaw ba Ine? Hindi kaba sasama sa amin?"

Pag tatanong nang lola nila Jerome habang parang may kinakausap sa aking likuran. Napa baling naman kaming lahat doon ngunit wala kaming nakikitang tao doon.

Nilingon ko naman muli ang lola nila Jerome at maging si Jake na halos nangangatog at pinag papawisan na.

"Ano.. L-lola sino po iyong tinatawag ninyo?" Kabadong tanong ni Jerome sa kaniyang lola. Nilingon naman siya nang lola niya.

"Malamang yung babae! Hindi ninyo manlang paunahin! Tumakbo tuloy!" Kinurot pa nito ang tagiliran ni Jerome na ikinadaing nito saka siya kumamot sa kaniyang batok.

"Kasama ninyo ba siya?" Tanong nitong muli na hindi namin alam kung sasagutin paba namin.

Napa lunok muna ako nang sarili kong laway bago ako sumagot. "U-um... L-lola wala po kaming k-kasamang babae. K-kaming apat lang po ang mag kakasama wala napong iba." Napa lingon naman ito sa akin saka siya napa takip sa kaniyang bibig.

"Oh Diyos ko! Sino ka!" Tinuro turo naman ako nito na parang takot na takot siya sa akin.

"Lola kaibigan po namin siya." Sagot ni Jake na nakabawi na pala sa pagkaka tulala.

"Kaibigan?" Tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa saka napa dasal siya nang mahina. Ilang sandali pa at inaya na kami nitong muling maglakad papunta sa kanilang bahay.

"Sigurado kaba apo? Kaibigan ninyo ba talaga ang lalaking iyon?" Rinig kong bulong nang lola ni Jerome sa kaniya. Nilingon naman ako ni Jerome saka ako binigyan nang nanghihingi nang paumanhin na tingin.

Umiling naman ako na nag sasabing ayos lang. "Opo Lola. Kaibigan po namin siya." Sagot ni Jerome.

Ilang minuto pang paglalakad at narating nadin namin sawakas ang bahay nang Lola nila Jerome. Hinarap naman muna kami nito saka ako tinuro.

Sinalubong nito ang aking mga mata at saka ako binigyan nang nag aalalang tingin.

"Iho, sinusundan ka niya...."

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now