Epilogue

33 1 0
                                    

Author's Note:

Thank you po sa mga sumoporta sa akin at sa aking nobela. 'Eto napo matutunghayan natin Ang epilogue.

*****

Years past.

Jake's POV

June 5, 2029.

"Salamat po doc."

"Sige, salamat din po." Pasasalamat ko sa Isa sa mga nurse Dito sa ospital na siyang pag mamay-ari ko.

Ang tagal na di pala simula nung mangyari Ang lahat Ng iyon sa Amin. Hindi ko man lang iyon namalayan sa bilis Ng panahon.

Simula nung mailibing Sila kuya Adan at kuya Aron ay nag karoon din kami ulit Ng mga panibagong kaibigan. Nag karoon kami Ng pag kakataon na makakilala Ng mga bagong tao at makapag patuloy sa Buhay.

Nakapag tapos kami Ng aming pag-aaral. Nakapag-asawa na din si kuya at ngayon ay naninirahan Sila sa London. Samantalang Ako Naman ay naiwan Dito upang makapag tabaho bilang Isang doctor. Matagal-tagal nadin nung nangarap Ako na makapag patayo Ako Ng sarili Kong hospital.

Tumayo Ako Mula sa aking swivel chair Saka nag lakad papalapit sa malaking bintana na nandito sa aking opisina. Tinanaw ko Ang kalangitan Mula rito.

Makulimlim, mukhang may paparating na bagyo. 'Wag Naman sanang malakas Ang dumating na bagyo.

Babalik na sana Ako sa aking upuan Ng may kumatok sa aking pintuan. Agad akong bumaling Dito at Saka ito pinag buksan.

Isang Lalaki na naka Tayo Mula rito Ang agad na bumungad sa akin. May bitbit itong kahon na may kalakihan.

"Delivery po para Kay Doc Jake--"

"Ako 'yun." Naka ngiti Kong putol sa kaniya. Ngumiti naman siya pabalik sa akin Saka Ako pinapirma Bago inabot sa akin Ang kahon.

Nag pasalamat Naman Ako sa kaniya Saka siya pinanood na umalis Bago ko isinara Ang pintuan Ng aking opisina. Nag lakad Ako pabalik sa aking lamesa Saka doon ito ibinaba.

Aron's memories

Naka sulat sa kahon. Humugot Naman Ako Ng Isang malalim na buntong hininga Bago ito binuksan.

Pag bukas ko Ng kahon ay agad na bumungad sa akin Ang mga laman na ito na Isang photo album, Isang camera, tatlong tape at sa pag kakaalam ko mga video ito na nag lalaman Ng bonding Namin at Isang notebook.

Tinignan kopa sandali kung may laman pa Ang kahon at Nakita ko Dito Ang Isang frame picture kung saan ay mag kakasama kaming apat at nag kakatuwaan.

Ibinaba ko muna ito sa aking lamesa saka pinag tuunan Ng pansin Ang notebook na hawak ko.

"Diary? Nag d-diary pala si kuya Aron?" Medyo natatawa Kong tanong sa aking sarili.

Agad Naman akong naupo sa aking upuan saka binuklat Ang notebook. Napapangiti nalang Ako sa tuwing nababasa ko Dito Ang patungkol sa kulitan naming apat. Sinusulat Niya sa diary Niya Ang bawat detalye nung pangyayari na nagaganap sa Amin.

Napa Iling nalang Ako Saka napa ngiti at inilipat Ang susunod na pahinga Ng notebook nang matigilan Ako sa nakasulat Dito.

Entry # No. 54

Araw nang sabado at kakagaling ko lang Kay Doc Manuel. Nagpa check up Ako para sa condition ko. Hindi ko alam kung Anong tawag sa sakit Kona ito pero bigla bigla nalang akong nawawala sa sarili ko at gumagawa nang kung Ano ano. Kikilos nang Hindi ko alam, at magsasalita nang Wala sa sarili. Nitong mga nakaraang Araw kasi napapadalas Yung ganitong pagsumpong nang sakit ko kaya nag pa-check up Ako ulit Kay Doc Manuel.

Umbrella Where stories live. Discover now