Chapter 6

58 3 0
                                    

Aaron's POV

Nandito na kami ngayon sa loob nang tahanan nang lola nina Jerome at Jake— Si Lola Eki.

Naka upo kami ngayong lahat sa lapag habang pinalilibutan ang isang maliit na bilog na lamesa. Tahimik lang kaming lahat habang nag hahanda nang kape ang asawa ni Lola Eki na si Lolo Martin.

Nang madala na ni Lolo Martin ang mga inumin ay naki upo narin siya sa amin. Hindi nanga ako naka tiis pa at nag simula na akong mag tanong sa kanila.

"A-ano po... Lola Eki, ano po ang ibig ninyong sabihin na sinusundan niya ako?" Nag aalinlangan kong pag tatanong sa kaniya.

Umiling iling naman siya saka ako tinitigan nang diretso sa aking mga mata.

"May kapatid kang Babae na pumanaw, Tama ba Ako?" Pag tatanong niya na aking tinanguan lang.

"Ilang beses na din siyang nag papakita sayo hindi ba?" Karagdagan niyang tanong. Tumango lang ulit ako. Humigop muna ito nang kape bago muling nag salita.

"Kawawang bata..." Mahina nitong tugon. "Kaya pinili namin ang tumira malayo sa mga tao dahil ayaw na naming makakita pa nang mga taong binabawian ng buhay dahil sa mga mahal nila sa buhay na yumaong na." Pag sisimula nito sa pag kukuwento.

"Pinili namin ang lumayo sa mga tao dahil pakiramdam namin ay nalalapit narin ang aming katapusan sa tuwing napapanood namin silang binabawian nang buhay kasama ang mga yumaong kapamilya nila. Mga yumaong na kapamilya nila na may bahid nang dilim at kasamaan. Hindi ko alam kung kailan nag umpisa ang lahat ng ito. Pero ang alam ko lang ay nag umpisa ang lahat sa pagka matay nang aking kapatid na lalaki."

Sa bawat salitang kanilang binitiwan ay may halong diin na tila wala na silang balak pang ulitin ang mga nasabi nila, kaya wala na kaming nagawa pa kung hindi ang makinig nalang habang naka tikom ang aming mga bibig.

Hindi din kami nag papakawala nang kahit na anong ingay o kahit na anong lettra mula sa aming mga bibig. Naka bukas lang nang malaki ang aming mga tainga at pinapakinggang mabuti ang bawat salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.

"Katulad nang nangyayari sa'yo Iho, sinusundan din ako nang kapatid ko hanggang ngayon." Unti unti namang nanlaki ang aking mga mata habang dahan dahan nitong inaangat ang kaniyang hintuturo saka nito tinuro ang aking kina uupuan.

Mabilis naman akong napa alis sa aking puwesto dahil sa kaba at takot. Mabilis akong tumabi kay Adan na mahahalata rin ang pangangatog nito maging ang takot sa kaniyang mga mata.

"Hindi kaba nahihirapan bata? Hindi mona nga sila nakikita, hindi mopa alam kung kailan sila susugod sayo." Turan ni Lolo Martin habang may tinuturo sa labas nang kanilang tahanan.

"Tingin ko ang isa sa kanila ay ang nobya mo?" Naka hawak sa babang sabi ni Lolo Martin. Napa lunok naman ako nang sunod sunod habang mariin na naka hawak sa aking suot na jacket.

Nag hahabol din ako nang aking hininga dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga dahil sa nangyayari sa amin ngayon. Ramdam ko din ang malalamig na butil ng aking pawis na siyang tumutulo sa aking noo at leeg.

"Hindi nila kayo titigilan hanggat hindi nila nakukuha ang mga gusto nila." Saad pa nito. Napa tingin naman ako sa mga kaibigan ko na mukhang hindi narin nagugustohan ang mga nangyayari.

Dapat siguro ay nakinig nalang ako kay mama at hindi na itinuloy pa ang pag punta sa lugar na ito. Baka maging ang mga kaibigan ko ay mapahamak lang nang dahil sa akin. Mas gugustohin ko pang ako nalang ang mamatay kaysa sa mga kaibigan ko.

"Iho, gusto mo bang makita sila? Maaari kitang tulungan upang mabuksan ang iyong ikatlong mata." Alok sa akin ni Lolo Martin.

Sandali akong natigil dahil sa kaniyang sinabi.

Mabilis na pumihit naman sa kaniya ang aking ulo. Ibinuka ko naman ang aking bibig ngunit walang salitang lumabas mula rito.

Ang Akala ko ay sa mga palabas lang nangyayari na Ang tao ay kayang mag bukas Ng ikatlong Mata. Kahit pala sa tunay na Buhay ay maaaring Gawin Ang Bagay na iyon.

Napa kuyom naman ako nang aking mga kamao saka nilingon ang mga kaibigan ko na may pag aalala sa kanilang mga mukha habang nag hihintay sa magiging sagot ko.

Ayos lang ba? Kaya koba? Kaya ko bang makita sila? Kakayanin ko bang makakita nang mga hindi ordinaryong bagay sa mundo?

Ayos lang ba? A-anong magiging desisyon ko? Papayag ba ako? Itutuloy ko ba? Pero ano namang gagawin ko sa oras na bumukas ang ikatlong mata ko? Ano ang makikita ko? Masasagot ba ang mga katanungan ko? Paano? Ano nang gagawin ko?!

"Iho?" Napaiktad naman ako nang maka ramdam ako nang kamay sa aking balikat. Inilibot ko naman ang aking paningin sa paligid at lahat sila'y nasa akin ang paningin.

Napa iwas naman ako ng mga mata sa kanila at napa kagat labi dahil hindi ko alam kung ano ba ang nararapat kong sabihin.

"Iho, hindi ko naman kinukuha agad ang sagot mo. Marami pang oras para makapag isip-isip ka. Marami pa naman kayong oras para mamalagi dito hindi ba?" Nginitian naman niya ako saka tumayo.

"Sige maiiwan ko muna kayo, pwede mong sabihin sa akin ang magiging sagot mo kahit kailan mo gugustohin." Dagdag pa ni Lolo Martin bago siya tuluyang lumabas sa aming silid.

"Sige maiiwan ko narin kayo. Darating kasi dito ang tita Nimpa ninyo para kuhanin kami at patitirahin sa bahay nila. Kaya mag hahanda muna ako nang makakain bago sila dumating at bago kami lumisan sa lugar na ito."

Inalalayan naman siya ni Jake sa pag tayo saka sinamahan sa kusina upang tumulong sa pag luluto.

Naiwan naman kaming tatlong mag kakaibigan sa loob nang silid. Alas sais na nang umaga. Ni hindi ko manlang namalayan ang daloy nang oras.

"A-ano..."

Napa angat naman ako ng tingin kay Adan nang magsimula siyang mag salita. Naka yuko lang siya habang naka tingin sa amin.

"U-um... kase... N-naisip ko lang na b-baka mag pabukas ka nang i-ikatlong mata. P-pero kung pwede s-sana... A-ano... B-bro, pag isipan m-mo sanang mabuti ang m-magiging desisyon mo."

Napa titig naman ako sa kaniya habang siya ay patuloy lang sa pag sasalita. Habang naka masid ako sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapa ngiti nang palihim dahil nagagawa pa niyang mag alala sa iba kaysa sa kaniyang sarili.

"H-hindi naman sa pinangungunahan kita sa desisiyon mo! A-ang sa akin lang kasi... n-naisip ko lang na mahirap magkaroon ng ikatlong mata... kaya... Ano..." Napa yuko naman siya at saka humina ng humina ang kaniyang boses.

"Bro, ano ba talagang gusto mong sabihin? Nag mumukha ka namang babae diyan eh! Ayusin mo nga!" Kakamot kamot na sabi ni Jerome na aking tinawanan lang.

"G-ganito kasi!" Nag pakawala muna siya nang isang malalim na buntong hininga bago muling nag angat nang tingin sa amin habang may seryosong ekspresyon at madilim na awra.

"Aron, kung maaari sana ay pag isipan mong mabuti kung mag papabukas kaba nang ikatlong mata. Hindi naman sa pinag babawalan Kita pero... binibigyan lang kita nang babala."

Nagka tinginan naman kaming dalawa ni Jerome saka muling bumaling kay Adan na ganoon parin ang ekspresyon.

"Babala??" Sabay naming tanong ni Jerome na tinanguan lang ni Adan.

"Oo babala. Ayaw ko lang kasing matulad kayo sa pinsan ko...

... Na binawian nang buhay dahil hindi niya kinaya ang mga nakikita niya sa araw-araw."

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now