Chapter 32

42 2 0
                                    

Jaremo's POV

Ang lahat ay nag titipon tipon upang sabay na mag paalam sa dalawang kaibigan Namin na yumaong. Napag kasunduan Kasi nang dalawang pamilya na sabay silang ililibing bilang pag respeto at tanda nang pag kakaibigan.

Lahat kami ngayon ay naka tipon at nakikinig sa bawat mensahe at kwento na nag sasalita sa harapan. Si Jake ngayon Ang nag sasalita kakatapos lang ni tita Nimpa na nasa akin tabi at nag pupunas nang kaniyang mga luha.

Alam Kong lalaki Ako at kailangang panatilihin na matikas at matatag Ang tindig. Ngunit Hindi Naman sa lahat Ng pagkakataon ay kaya Kong maging matatag at pigilan Ang kalungkutan na nasa aking Loob.

Kaming mga lalaki ay may damdamin din. Kung Minsan ay napag kakamalan kaming manloloko at Walang puso dahil base sa aming mga tindig ay parang Wala kaming pakielam sa mga nangyayari.

Pero Hindi ibig sabihin na Hindi nila kami nakikitang umiiyak at nanghihina ay ibig sabihin na non ay Hindi kami nalulungkot at Wala kaming pakielam.

Sadyang Hindi lamang talaga kami pala pakita nang aming mga emosyon. Nasasaktan din kami sa bawat sitwasyon. Hindi porket naka Tayo kami at tumatawa ay Baliwala na sa Amin Ang nangyari. Hindi porket naka ngiti kami ay Hindi na kami nalulungkot.

Ang mga lalaki ay hindi nag papakita Ng mahinang bahagi Ng kanilang pagka tao sa ibang tao. Lalo na sa mga babae. Pero kung talagang Hindi na kaya at Hindi na Namin kayang panghawakan pa Ang hinanakit doon Namin nailalabas Ang lahat. Nasasabi Ang lahat at napapakita Ang pag hihirap na itinatago.

Hindi ko nga alam kung bakit Ganon nalang Sila manghusga sa Amin. Na mga manloloko at mga babaero Ang lalaki. Napa iling nalang Ako Saka tumayo nang Ako na Ang mag sasalita sa harapan.

Tinapik Naman nang aking kapatid Ang aking balikat Saka inabot sa akin Ang mikropono. Humugot muna Ako Ng Isang malalim na buntong hininga upang magkaroon Ng lakas Saka Ako tumayo sa maliit na entablado na nasa harapan at Saka Sila hinarap.

Tinignan ko muna Isa-isa Ang mga taong dumalo upang makiramay at makapiling Ang mga kaibigan ko sa huling sandali.

Tumawa Ako sandali Saka itinapat sa aking bibig Ang mikropono.

"Ta... Talagang mga sira ulo..."

"Talagang mga sira ulo Sila. Hindi ko alam na ganito kabilis na mawawala Sila sa akin. Parang kahapon lang nangangako Sila sa akin na sabay-sabay kaming aakyat sa entablado at sabay-sabay na mag hahanap Ng trabaho." Muli akong tumawa Ng mahina Saka Sila nilingon.

Naramdaman ko Ang unti-unting pag higpit Ng hawag ko sa mikropono habang naka tingin sa kanila. Nakagat ko nalang Ang pang ibaba Kong labi Ng diko na mapigilan pa ang aking damdamin.

"Para pala kayong mga gago eh! Ang lakas Ng Loob ninyo na mangako sakin na sabay sabay tayong aakyat sa entablado Samantalang mga naka ratay na kayo Dyan! Ang lakas Ng Loob nyong mag salita Ng mga ganoong Bagay Samantalang para kayong mga gulay na walang Buhay d'yan! Sino ba kayo para mangako sa akin Ng Ganon?!

Inakala ko na sama-sama Tayong aakyat! Nangako kayo sakin! Bumitaw kayo Ng mga salita na Akala ko matutupad! Alam ninyo Naman na Ayoko sa lahat Ang Hindi tumutupad sa mga pangako! Mga bulol talaga kayo!"

Sandali Kong hinabol Ang aking hininga matapos Ang aking ginawang pag sigaw sa kanila. Umayos Naman Ako Ng Tayo Saka Sila pinag masdan. Mayamaya lang ay binigyan ko Sila Ng isang ngiti. Isang tunay na ngiti na gustong gusto nilang nakikita.

"Pero Nakita ko Naman na ginawa niyo Ang inyong makakaya. Ginawa ninyo Ang makakaya ninyo para lang matupad Ang pangako ninyo. Pero Wala eh. Talagang ito na Ang Tadhana ninyo. Mababait kayong kaibigan, tinutulungan ninyo Ako palagi, lalo na kapag nangangailangan Ako. Sinasamahan ninyo Ako sa mga kabulastugan ko sa Buhay. Tinuring Kona kayo bilang mga kapatid ko. Pero nakakabwisit kayo! Alam ninyo Naman na ayokong nag sasalita sa harap Ng maraming tao at bumibitaw Ng ganitong mga pananalita. Pero kung para sa inyo handa Kong Gawin. Gusto Kong makarating sa inyo Ang pasasalamat ko. Hindi sapat Ang salitang 'salamat' pero gusto Kong malaman ninyo na Masaya Ako na nakilala at naging parte kayo Ng Buhay ko. Kayo Ang tumulong sa akin sa lahat. Binigyan ninyo nang kulay Ang Buhay Namin. Salamat sa inyong dalawa. Mamayapa sana kayo Ng maayos at matiwasay." Huling salitang aking binitawan Bago nag bow sa kanila at binigyan Ng huling sulyap Ang aking mga kaibigan.

Umbrella Where stories live. Discover now