Chapter 14

43 4 0
                                    

Adan's POV

"What the Fuck?!!"

Malakas na mura ang aking pinakawalan ng sunod sunod silang pumasok bigla sa kotse na tila nag mamadali.

"Hoy! Ano bang problema nyo? Saan din ba kayo ng galing kanina? Pagka gising ko nag kakagulo na kayo. Wala manlang nag tangkang sabihin sa akin ang mga nangyayari kaya nag punta ako dito. So ano ngang nangyayari?"

Sunod sunod kong pag tatanong sa kanila ngunit tila balisang balisa sila sa pag papaandar ng sasakyan.

"Dali! Dali!" Pag mamadali ni Jake habang naka tingin sa labas. Dahil sa matinding kuryosidad ay naki tingin narin ako sa labas.

"Hi Chary!" Kumaway naman ako sa kaniya habang naka ngiti saka muling binalingan yung mga kasamahan kong naka tigil at tila na istatwang naka tingin sa akin.

Binigyan ko naman sila ng nag tatakang tingin ng magets ko na ang sinasabi nila. "Chary! Bilisan mo aalis na tayo!" Pag tatawag ko rito. Muli naman akong ngumiti at kumaway sa kaniya.

Ilang segundo pa siyang tumayo hanggang sa mag simula na siyang mag lakad papalapit sa amin.

"AHHHH!!!" Sigawan ng mga kasamahan ko. Muli ko naman silang binigyan ng nag tatakang tingin.

"Bakit ba? Iiwan ba natin si.... Cha...r..y" Dahan dahan ko namang inilingon ang aking ulo sa may gawing bintana.

"H-he..l-llo.." Mahina kong pag bati sa kaniya. Narinig ko naman siyang himagikhik at kasabay nito ang dahan dahan niyang pag aangat ng kaniyang ulo.

"Hello Adan..."

"Tanginang mga putek!! WAAHHH!" Nag kukumahog ko namang sinara ang bintana ngunit paulit ulit niyang iniuuntog ang kaniyang ulo sa bintana.

"Putakte mga chong! Ayaw ko pang mamatay! Masyado pa akong gwapo para dyan!" Sigaw ko habang iniipit sa kabila si Aron.

"UMANDAR KA!!" Sigaw naming lahat hanggang sa umandar nanga ito ngunit kasabay nito ang pagka hulog ni Aron papalabas ng sasakyan.

"Pre, rest and peace."

****

Aron's POV

Napa himas naman ako sa aking balakang ng bigla itong sumakit mula sa aking pagkaka hulog bigla.

Sinubukan ko naman tumayo ngunit tila may naka hawak sa aking mga paa. Madali ko naman itong nilingon at si...

"MEKI?!!" Sigaw ko sa pangalan nito sabay sipa sa kaniyang mga kamay. "Pre dito!" Sigaw ni Adan sabay hila sa akin papasok sa loob ng kotse.

"Gago ka Adan. Papatayin mo pala ako." Mura ko sa kaniya. Agad naman siyang humingi ng tawad sa akin na agad ko ring tinanggap ng biglang himinto ang aming sasakyan.

"Oh Jerom? Anong problema bakit tayo huminto?" Tanong ko sa kaniya ngunit tanging mabibilis na pag iling lang ang kaniyang isinagot.

"P-pare... wala na tayong gasolina." Halos manlaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Wala naman kasing malapit na gasolinahan malapit dito.

Wala na nga kaming nagawa kung hindi ang lumabas at tumakbo papaalis sa lugar na iyon. Pero kamalasan nga naman at biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Shit! Wala akong makita! Patuloy lang ako sa pag takbo kahit na hindi kona alam kung saan ako napupunta. Hanggang sa may makita akong liwanag.

Mabilis ko namang nilapitan ang lugar na ito at napansing isa pala itong grocery store. Agad naman akong lumapit sa lugar na iyon at saka nag patiktik muna sa labas bago ako pumasok sa loob.

Napa himas naman ako sa aking sariling braso dahil sa panlalamig. Napansin ko ring wala silang guwardya at tanging babaeng cashier lang ang nandoon at nag ce-cellphone.

Nag palinga linga naman ako sa paligid at napansing kakaunti lang ang tao sa loob ng grocery ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng store. Mabilis ko naman itong nilingon at sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko na mukhang basang sisiw na rin.

"Mga bro," Pag tawag ko sa kanila. Sabay sabay naman silang lumingon sa akin saka ako nilapitan.

"Ang lamig!" Nangangatog na sabi ni Jake dahil malakas Ang Aircon sa loob Ng grocery store na ito. Nag patuloy naman kami sa loob dahil mukhang wala namang pakielam yung cashier kung basa kami o hindi.

Nag patuloy kami sa pag lalakad habang nag hahanap ng towel upang ipang punas namin.

"Ayun!" Turo ni Jake sa gawing kanan na agad naming pinuntahan. Kumuha naman ako ng apat para tig-iisa kaming lahat ng may kumalabit sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila. "Huh?" Takang tanong din nila sa akin.

"Huh? Diba Kinalabit nyo ako?" Tanong ko muli sa kanila. Sabay sabay naman silang napa kunot noo at saka nag palitan ng kanilang mga tingin.

Napa iling nalang ako saka mag lalakad na sana sa may cashier ng maka rinig ako ng batang umiiyak. Agad naman akong napa hinto sa pag lalakad saka nilingon ang batang umiiyak.

"Bata ayos kalang ba?" Pag tatanong ko sa kaniya ngunit patuloy lang siya sa pag iyak.

"Pre, ano pabang ginagawa mo dyan? Tara na!" Pag aaya sa akin ni Adan. "Teka! Hindi ninyo ba nakikitang umiiyak yung bata?" May halong inis ko nang tanong sa kaniya.

"Bata??" Muling sabay sabay nanaman nilang tanong sa akin. At sa pag kakataong ito ay mukhang seryoso na ang kanilang mga mukha.

"Pre? Ano bang sinasabi mong 'bata'?" Tanong din ni Jerome. Napa tayo naman ako sa inis sabay lingon sa bata upang ipakita sa kanila ngunit bigla nalang itong nawala.

"Alam mo pre antok lang yan." Saad nito saka ako tinapik sa aking balikat.

Nailing nalang Ako Saka inisip na baka antok nga lang iyon. Napag kasunduan Namin na bumili na din kami Ng ilang makakain dahil gutom na Rin kami simula pa kanina.

Matapos naming mamili Ng aming makakain ay pumunta na kami sa may cashier Saka nagbayad. Kanina ay nabanggit sa Amin ni Jerome na patay na daw si Meki dahil sa naubusan ito Ng dugo.

Sinabi Rin Niya sa Amin na may sama ito Ng Loob sa kaniya dahil inaakala nito na may gusto si Kat sa kaniya at inaakala niyang nagloloko ito.

Kaya siguro nagpakita kanina sa akin??

Naalala ko Naman Sila Lolo Martin at lola Eki na naiwan sa Bahay nila. Hindi ko alam pero may bumagsak nalang kanina sa harapan Namin dahilan para mapatakbo kaming lahat.

Ano na kayang nangyari sa kanila??

"Pre, Tara na. Susunduin daw Tayo ni tita Nimpa Dito mga Anong Oras lang." Natauhan Naman Ako Ng Marinig ko Ang malungkot na tinig ni Jerome.

Napa kagat Naman Ako sa aking pang ibabang labi Saka Sila nilapitan at nanghingi nang paumanhin. Nabakas pa sa kanilang mga mukha Ang matinding pag tataka dahil sa aking pag hingi nang tawad; ngunit nanatiling naka Yuko Ang aking ulo sa kanilang harapan.

"Patawarin ninyo Ako sana, pati tuloy kayo nadadamay Dito sa gulo Ng Buhay ko. Patawad." Paghingi ko nang paumanhin.

Narinig ko Naman Ang kanilang mahinang tawa kaya't napa Angat Ako Ng aking tingin at sumalubong sa akin Ang mga natural nilang ngiti. Yung mga ngiti na madalas nilang ginagamit kapag mag kakasama kami at nag sasaya.

"Pre, para ka namang sira eh. Bakit Kaba nag so-sorry eh ginusto din Naman Namin ito." Natatawang Turan ni Adan.

"Pero--"

"Saka Isa pa ginusto Namin na tulungan ka, kaya wag kang mag alala. Isa pa mga kaibigan mo kami kaya handa ka naming tulungan Hanggang kamatayan." Tapik ni Jerome sa aking balikat.

Hanggang sa nauwi sa tawanan Ang aming usapan. Ilang minuto pa kaming nag hintay Hanggang sa dumating na si ate Nimpa na naka sakay sa Isang itim na kotse.

"Tara na."

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now