CHAPTER 2 -NEWS-

12.2K 202 3
                                    

News:

Isang eroplano ang bumagsak. At tinatayang 7 ang namatay at 5 ang hindi pa natatagpuan.

Raine's POV

Napabalikwas ako nang bangon nang biglang mag ring ang phone ko.

Baka kasi si Anne ang tumatawag.

Patricia Calling ...

Bakit kaya to tumatawag?

"Hello"

"Raine?"

"Oh bakit? May problema ba?"

"Raine si Anne"

Bigla akong kinabahan.

"Ano nangyari kay Anne?"

"Bu-bumagsak yung eroplano na sinasakyan niya"

Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko.

hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko

I was shock.

Nakakausap ko palang siya kahapon tapos ganitong balita ang mabubungadan ko.

Pumunta ako sa lugar kung saan daw bumagsak ang eroplano na sinakyan ni Anne. Tubig ang binagsakan nang eroplano kaya nahirapan ang mga naghahanap na hanapin ang ibang pasahero nang eroplano.

Kasama ko pumunta doon si Patricia kasi nagkataon naman na umuwi siya galing China dahil sa business nila ni Alex.

Nasa may binagsakan na kami nang eroplano. Nakasakay kami sa isang lifeboat.

Lumapit ako sa isang in charge sa mga naghahanap sa mga biktima. At kung sino ang nakaligtas sa pag crash ng eroplano.

"Kuya ano po ba? Nasaan po ba si Brittannie Celestial? Buhay siya diba?" tanong ko dun sa namamahala sa pagliligtas sa mga pasaherong nakaligtas.

kinuha niya ang isang hindi ko alam, siguro listahan nang mga nakasakay sa eroplano. At hinanap niya ang pangalan ni Anne.

"Sorry po pero isa po siya sa nawawala pang limang pasahero nang eroplano" Sagot sakin nung lalaki.

Napa face palm.

"Hanapin niyo ang girlfriend ko. Please!"sabi ko sa kanila.

Tumango na lang yung lalaki.

Umuwi kami sa bahay ni Patricia, dahil sa kakaisip ko kay Anne ay muntik na kaming mabangga ni Patricia nang isang bus.

"Raine ako na magdadrive" sabi sakin ni Patricia.

Nagpalit kami nang upuan at siya na ang nasa driver seat.

Habang nasa biyahe kami.

Hindi pa rin mawala sa isip ko si Anne.

Buhay pa kaya siya? Nasaan na ba si Anne?

Paano kung patay na siya?

Hindi. Hindi mangyayari yun, malakas si Anne. Alam ko hindi pa siya patay.

"Raine?" tawag sakin ni pat at napatingin naman ako sa kanya. "Wag kana mag alala, I know mahahanap rin nila ni Anne, saka alam naman natin pareho na malakas si Anne, matatag yung loob niya. At alam mo naman siguro na magaling naman siya lumangoy diba? Sisiw lang sa kanya ang dagat. Makakaligtas siya. Malay mo bukas nahanap na siya. Kailangan mas maging matatag ka!"sabi sakin ni Patricia

Tama si Patricia, wala akong dapat na ipag alala kasi alam kong buhay si Anne. At nararamdaman ko yun. Alam ko yun!

Ilang araw ang lumipas hanggang umabot sa isang linggo pero walang Anne ang natagpuan. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat at alam kong magigising ako isang araw na masisilayan ko yung mukha niya.

Ang dami kong pangarap para sa aming dalawa. Pero ayokong isipin na hindi matutupad ang lahat nang yun.

Isang linggo na mula nang mawala siya at hanggang ngayon hindi pa rin ako susuko na mahanap siya.

"Hindi kayo pwedeng huminto sa paghahanap kay Anne, kung hindi ay ipapasara ko ang agency na pinagtatrabahuhan niyo." Sabi ko dun sa pinaka leader nila.

Hindi ako susuko na hanapin ka Anne, pangako yan sayo. Kung kailangan puntahan ko lahat nang dagat sa pilipinas para mahanap ka lang gagawin ko. Pangako Anne hahanapin kita.


Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now