CHAPTER 6 -Name her-

8.3K 160 0
                                    

Brix POV

Tatlong araw na pero hindi pa rin nagigising ang babaeng natagpuan ko sa resort.

Dinamay ko talaga sa kalokohan ko si Nicole. Kasi sa umaga siya ang nagbabantay at kapag gabi ay ako naman ang pumapalit.

Nawalan na nga ako nang oras sa pakikipag flirt sa ibang babae dahil sa pag aalaga sa kanya.

"Dito ka lang ha? Bibili lang ako nang pagkain." sabi ko dun sa babae.

Ang tanga ko. nababaliw na ako. kinakausap ko siya tulog naman pala siya.

Umalis ako at bumili nang pagkain.

Pagkabalik ko ay nakita ko siyang gising na.

"Gising kana pala?" sabi ko sakanya.

Pero hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin.

"Nasaan ako? Sino ka?" tanong niya sakin.

"Nasa hospital ka. At ako nga pala si Brix. Ano ba pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa kisame nang kwarto. Tapos maya maya ay nakita ko na tumulo ang luha niya.

Bigla akong nagpanic. May nagawa ba ako?

"Miss sorry . May nasabi ba akong masama sayo?"  tanong ko sa kanya.

"Hi-hindi ko alam ang kung ano ang pangalan ko."sabi niya sakin.

Dahil sa sitwasyon niya at tinawag ko ang doctor at chineck siya.

"Kumusta po siya?"

"Meron siyang retrograde amnesia"

"Ano po ba yung retrograde amnesia?"

" Karaniwang nangyayari ito kapag lubhang naapektuhan ang utak ng isang tao na naaksidente. Sa kabila nito, agad naibabalik ang alaala ng pasyente na mayroong retrograde amnesia. Pero wag kang mag alala kasi may chance na bumalik as soon as possible ang alaala niya."

Tumango ako at nagpasalamat sa doctor.

Pumunta ako dun sa babae.

"Anong sabi nang doctor?"

"Wag kana mag alalala kasi babalik din naman agad ang alaala mo." sabi ko sa kanya"Kumain kana. Sorry ha?, Noodles lang kasi to."

"Okay lang!"

Sinubuan ko siya para makakain siya.

"So ano ang itatawag ko sayo?"tanong ko sa kanya.

"Ewan ko."

Napaisip ako kung ano ba ang pwede kong itawag sa kanya.

"Eh kung Andrea nalang kaya?" tanong ko sa kanya.

Napaisip siya at sinabing

"Andrea? Maganda nga yun." sabi niya at saka ngumiti.

Ang ganda niya pa lalo na kapag nakangiti na siya.

Dapat pala Angel ang pinangalan ko sakanya. Mukha kasi siyang anghel.

 

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now