CHAPTER 28 Raine Vs. Russel

8K 153 8
                                    

Raine POV

Nasa sala ako ng biglang mag ring ang phone ko. haha xD

Biglang nag ring ang phone ko.

Brix Calling ...

Napakunot ang noo ko.

Si Brix? tumatawag!

Agad kong sinagot ko.

"Hello!"

Gusto ko sanang sigawan ang kausap ko. Pero hindi si Brix ang nasa kabilang linya. Kahit matagal kong hindi narinig yung boses niya alam kong si Anne yun.

"A-Anne? Nasaan ka? Anong ginawa sayo ni Brix?" tanong ko.

"Raine tulungan mo kami. hindi si Brix ang kumuha sakin. Si Russel." sabi niya.

Parang biglang yumanig ang mundo ko.

Ang kapatid ko?

Si Russel?

Namatay ang tawag.

"Hello? Hello? Anne? Hello?" sabi ko pero wala nang sumasagot sa kabilang linya.

Sinubukan ko na tawagan ulit ang number na yun pero out of coverage na ang number.

Nasaan si Anne?

Nasaan sila.

Shit! napasipa ako sa upuan na nasa harap ko.

Biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Russel.

"Raine? Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Napakuyom ako ng kamao. Ang kapal naman ng mukha niya na tanungin ako kung okay lang ako.

Nung lumapit siya ay bigla ko siyang sinuntok.

Bumagsak siya sa sahig at napahawak siya sa may panga niya.

"Ano bang problema mo?" tanong nya.

Ang galing nya talaga mag maa maangan.

Nilapitan ko siya kwenilyuhan.

"Hayop ka Russel!! Nasaan si Anne?" tanong ko sa kanya.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Pero bigla siyang ngumiti.

"Hahaha!" tawa niya "Sa tingin mo makikita mo pa si Anne? Hahaha . Hindi na kayo magkikit." sabi niya habang tumatawa.

I grinned my teeth. Gusto ko syang patayin.  Pero hindi ako ganung klaseng tao.

"T*****na. Nasan si Anne?" tanong ko ulit sa kanya.

"Kahit sabihin ko hindi mo na sya maaabutan kasi sasabog na yung lugar na yun. Tuluyan na syang mawawala sayo." sabi niya.

Pagkasabi niya nun ay sinuntok ko ulit sya.

Biglang nag ring ang phone ko.

Sandra Calling ...

"Hello Raine. Alam ko na kung nasaan sila Anne. Text ko sayo ang lugar!"

"Bilisan nyo!" sabi ko.

"Sige!" and i ended the call.

Pagkatapos ng tawag ay tiningnan ko ng masama si Russel.

"Kapag may nangyari kay Anne . pagsisisihan mo na nabuhay ka pa! Ito ang tatandaan mo Russel. Hindi pa tayo tapos!" sabi ko.

At sa ako lumabas nang pinto.

Tumakbo ako papunta sa kotse ko at saka ito pinaandar ng mabilis.

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now