CHAPTER 23 - RUSSEL -

7.2K 155 12
                                    

Russel POV

"Hello. May kailangan akong paimbestigahan sa inyo. I dont know her last name pero tinatawag siyang Andrea at ang gusto kong malaman kung anong kinalaman ni Brix Ross kay Andrea. Kailangan ko nang mabilisang impormasyon." sabi ko and i ended the call.

I smell something fishy.

Hindi ko talaga magets kung anong dahilan ni Brix para sabihin niyang hindi niya kasama si Andrea sa iisang bahay.

I dont know kung anong tumulak sakin. Pero desperado na ako.

Una palang parang may tinatago na talaga si Brix.

Lagi siyang nagpapanic kapag si Andrea ang topic. Minsan naman iniiba niya ang usapan.

Kung ano man ang tinatago mo Brix hindi ka makakawala kay Russel Dela Vega.

Pasensyahan nalang dahil nagkaroon ako ng interes kay Andrea. Damay ka Brix sa investigation na to. Kung sinabi mo nalang sana ang totoo baka maniwala pa ako. Pero mas pinili mo ang ganitong paraan. Pasensyahan nalang tayo.

After Three Days ..

Nasa isang restaurant ako ngayon ka meeting ang isa sa pinaka magaling na investigator na kakilala ko.

Meron na daw siyang alam tungkol kay Brix at kay Andrea.

Ang bilis diba?

Matagal na nga to para sa akin.

"So sinasabi mo na si Andrea ay natagpuan ni Brix sa tabing dagat?" pag uulit ko nang sinabi niya kanina.

"Opo!"

Bakit di nalang sinabi sa amin ni Brix na natagpuan niya si Andrea? wala naman sigurong masama doon?

"Saan nanggaling si Andrea?" tanong ko.

Kinakabahan naman ako.

"In plane crash." sagot niya.

Plane crash?

"W-what plane crash?" tanong ko.

"A plane crash a month ago. #190" sabi niya pa.

Bigla akong kinabahan.

#190?

#190 ang plane crash kung saan nakasakay ang girlfriend ni Raine na si Anne.

Pero hindi. Baka ibang tao naman. May limang tao pa ang nawawala at lahat ng yun ay babae. Kaya may posibilidad na hindi si Anne si Andrea.

"Anong tunay na pangalan ni Andrea.?" tanong ko.

Ito na. Malalaman ko na ang totoo.

"Brittannie Celestial. o mas kilala sa tawag na Anne" sagot niya pa.

Parang bigla akong binuhusan nang malamig na tubig. Talo ko pa ang nag ice bucket challenge dahil sa nalaman ko.

Hindi pwede. Hindi!

"Sigurado ka?" paniniguro ko.

Tumango ito. Shit! Ano gagawin ko?

In my whole life ngayon lang ako nainlove sa girlfriend pa nang kapatid ko. Hindi naman yata makatarungan to.

Raine's POV

Nagluluto ako nang biglang may kumatok sa pintuan nang cottage na tinutuluyan ko.

Dali dali ko naman itong binuksan.

"Russel? Ano ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Wala naman. Makikikain lang!"

"Tamang tama nagluluto ako. Diyan ka lang." sabi ko.

Pabalik na ako ng kusina nang biglang magsalita si Russel.

"Ahmm .. Raine? Anong itsura ni Anne?" tanong niya

Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

Bakit naman kaya bigla siyang naging interesado kay Anne.

"Bakit? Minulto kaba niya kagabi?" tanong ko na medyo natatawa.

Binuksan ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang picture ni Anne.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang picture ni Anne.

Ano ba talaga problema nang taong to?

"Oh? Bakit parang nakakita ka nang multo?" tanong ko

"Hi-hindi aa. Ang ganda pala niya nu?" sabi niya.

"Oo naman. Mabait pa siya." dagdag ko pa.

Bigla itong tumayo.

"Sige. alis nako! May kailangan pa pala akong puntahan." sabi niya.

"Diba kakain ka pa?" tanong ko.

"Next time nalang. Kailangan eh." sabi niya .

Saka ito dumiretso na palabas nang pinto.

Napailing nalang ako kasi muntik na siyang matisod.

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ