CHAPTER 4 -Who's that Girl?-

10.3K 173 4
                                    

Brix POV

Naglalakad na ako pabalik sa resort nang biglang mag ring ang phone ko.

Nicole Calling ...

"Hello"

"Hello Brix."

"Ooh bakit?"

"Wag kana pumunta dito sa bar. andito na ako sa bar. Ako nang bahala dito!"

"Okay. sige!" and i ended the call.

Si Nicole ay childhood friend ko. Simula pagkabata lagi ko na talaga siyang kasama. Siya rin yung unang tao na nakaalam na ganito talaga ako. Siya rin yung unang tao na tumanggap sakin.

Dahil wala na rin naman na akong dapat na gawin ay napagdesisyunan ko nalang ang maglalakad lakad sa tabing dagat.

Ang lamig nang hangin pero hindi ko talaga maisip kung bakit ko pinapahirapan ang sarili ko.

Medyo malayo na ako sa resort nang may natanaw ako.

Dahan dahan akong lumapit doon. Sa may bato.

At nagulat ako sa nakita ko.

Isang babae. Patay na kaya siya?

Nilapitan ko siya. Dahil medyo madilim na sa part na to ay kinuha ko ang phone ko at pinailaw ito sa kanya.

"Miss? Miss?" tawag ko dun sa babae pero hindi talaga siya gumigising.

Pinakinggan ko ang tibok nang puso niya.

Buhay pa siya!

Hindi ako nag dalawang isip na buhatin siya. Medyo malayo din ang nalakad ko para makarating sa may kotse ko. At dahil madaling araw na ay wala ng masyadong tao sa labas nang resort.

Sinakay ko siya sa back seat nang kotse ko.

At dali daling pinaandar ang kotse ko.

Pumunta agad ako sa pinaka malapit na hospital at dinala siya dun. Agad naman siyang inasikaso nang mga doctor na naroroon.

Nasa Emergency pa yung babae.

Aalis na sana ako nang hospital. Nasa labas na nga ako. Pero hindi ko alam pero naisipan ko ulit bumalik sa loob nang hospital. and i found myself waiting for the result of that girl.

Maya maya lang ay lumabas na yung doctor.

"Kaano ano mo po ang pasyente?" tanong sakin nung doctor.

"Wala po. Nakita ko lang po siya sa tabing dagat kanina."

"Ganun ba? Okay naman siya. Maraming nakapasok na tubig sa katawan niya pero okay na siya. Kailangan nalang natin hintayin na magising siya para magawan pa nang ibang test" paliwanag sakin nung doctor.

"Sige po!"

At saka tumango nalang yung doctor. Pinalipat ko na siya sa isang private room.

Nasa loob na kami. At saka ko siya tinitigan.

Maganda pala siya. Ang simple nang mukha niya pero may dating. Tapos ang mga labing yun. Parang ang sarap halikan.

Ano ba nangyayari sakin? Pati inosente dinadamay ko na naman.

Nawala ako sa pagmumuni muni nang biglang mag ring ang phone ko.

Nicole Calling ...

"Hello?"

"Brix ? Nasaan ka? Hindi ka pa raw umuuwi sabi ni Aling Loleng."

"Im at the hospital."

"Ano? Saang hospital?"

"Guazon Hospital" sagot ko sa kanya.

Pagkasabi ko nun ay biglang namatay.

Ano nangyari dun?

Bat biglang pinatay?

After 15 minutes mula nang tumawag si Nicole ay bigla nalang siyang lumabas sa pintuan kung nasaan kami.

Lumapit sakin si Nicole at sinipat sipat ako.

"Brix. Ayos ka lang ba? ha? May masakit ba sayo?" tanong niya sakin.

"Ayyst. Tumigil ka nga. Syempre ayos lang ako."

"Eh bakit ka nandito?" tanong niya ulit sakin.

Napatingin ako sa may likod niya At napalingon naman siya

She was shock at napatakip nang kamay sa bibig.

"Oh my God! Napatay mo?"

Grabe to. Ginawa pa akong mamamatay tao.

"Sira! Natagpuan ko lang yan sa resort. Walang malay. Alam mo Nicole maganda ka sana medyo slow lang talaga minsan." sabi ko sa kanya.

"Akala ko naman ikaw ang na ospital. sige uwi nako" sabi niya sakin.

Tumango nalang ako sa kanya. At saka naman siya palabas na nang pinto

"Anyway may kakilala ako na pwedeng makatulong sa kanya. Gusto mo? para mahanap natin ang pamilya niya?" pahabol ni Nicole.

"No!" sabi ko habang nakatingin sa babaeng nasa harap ko na hindi ko man lang alam kung saan nang galing.

"Okay!" sagot ni Nicole saka ito lumabas na ng pinto.

Hindi ako umuwi sa bahay kasi binantayan ko yung babae magdamag sa hospital.



Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now