CHAPTER 8 - I wont give up-

8.4K 152 6
                                    

Raine's POV

Naghahanap pa rin ako kay Anne hanggang ngayon.

Sabi nang isip ko na sumuko na ako. At paniwalaan ang sarili ko wala na si Anne. Pero iba ang sinasabi ng puso ko. Sinasabi nito na wag kang sumuko kasi alam niyang buhay pa si Anne.

Ano ba dapat ang gawin ko Anne?

Sana nasa mabuting kalagayan ka.

Mahal na mahal kita Anne.

Umuwi nako ng bahay. kagaya nang balita at mga pangyayari nung nakaraang araw. Wala akong balita kay Anne..

Naupo ako sa may sofa at siguro nakita ako ni Mommy na nakauwi na kaya

"Anak hindi ka ba napapagod?" tanong sakin ni Mommy.

"Hindi ako mapapagod mommy." sagot ko

"Pero paano kung patay na siya?"

Napatingin ako kay Mommy.

"Hindi Patay si Anne Mommy. Nararamdamam ko yun. I know this week! Mahahanap ko rin siya."

Napailing nalang si Mommy.

Tumayo ako at pa akyat na sana sa kwarto ko ng biglang magsalita si Mommy.

"You have to accept the truth Raine. Dahil may mga bagay at tao na nawawala sa hindi natin inaasahan na pagkakataon."

Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko yun.

"Take a rest Raine. Hindi matutuwa si Anne kapag nakita ka niyang ganyan. Anne wants the best for you. Wag mong sayangin yung oras na inalagaan ka niya." dagdag pa ni Mommy.

i sigh at saka dumiretso sa kwarto ko.

Nahiga ako sa kama ko.

You have to accept the truth Raine. Dahil may mga bagay at tao na nawawala sa hindi natin inaasahan na pagkakataon.

Napa buntong hininga ako.

Hindi ka mawawala sakin Anne. Hindi ako papayag.

Kailangan ko na umalis. Take care of yourself ha? Babalik naman ako. At promise babalikan kita. Mahal na mahal kita Raine. Ikaw lang ang mahal ko

Ang mga salitang yun. Ang salitang yun ang pinanghahawakan ko Anne.

Kasabay nun ay hindi ko namalayan ang pagtulo nang mga luha ko.

Sobrang namimiss ko na siya.

Sana magising ako isang araw na mukha niya ang una kong masisilayan.

Namimiss ko na yung yakap niya. At yung mga pangungulit niya sakin.

Yung mga ngiti niya na bumubuo nang araw ko.

Kelan ba kita ulit makikita?

Kelan?

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now