CHAPTER 21-Love moves in mysterious way-

7.9K 170 9
                                    

(Wildest Dream by Taylor Swift cover by Madilyn Bailey) yun po yung theme song dito sa part na to. Hehe xD. Wala eh. paborito ko yun pag ganitong eksena. Pagtutugin nyo habang binabasa niyo. Read and go feel the drama. haha xD

Raine's POV

Ininom ko ang last na baso nang alak na nakalagay sa baso ko.

Hanggang dito naiisip pa rin kita Anne.

Umiinom ako dahil sa text na natanggap ko. Na kailangan ko na raw tanggapin na wala na si Anne.

Wala akong ibang magawa ngayon kundi ang uminom. At umiyak ng palihim dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Nasa bar ako ngayon na pag aari ni Brix.

"Raine tama na yan!" sabi sakin ni Brix.

"Hindi Brix. Hindi ko na kaya! Ang sakit lang isipin na walang sumusuporta sakin na paniwalaan buhay pa si Anne. Lahat sila gusto nilang isuko ko na ang paghahanap sa kanya. Imbes na hilahin nila ako pataas para palakasin ang paniniwala ko na buhay pa siya pero hindi eh iba ang ginagawa nila. Nakalubog na nga ako parang dinidikdik pa nila ako pailalim." at saka ko ininom ang isang pang baso ng alak.

"Hahatid na kita." sabi sakin ni Brix.

Tinabig ko ang kamay niya.

Hindi naman ako lasing para ihatid niya. Alam ko pa ang ginagawa ko.

Tumayo kahit gumigiwang na ako maglakad.

Dumiretso ako sa parking lot at saka hinanap ang kotse ko.

Magdadrive ako kasi alam kong kaya ko pa dahil malapit lang naman ang bar na to sa resort.

Habang nasa kotse ako at pinapaandar ko na to ay kung anu ano ang naiisip ko.

Eh kung ibangga ko kaya ang kotse ko para makasama ko na si Anne?

Hindi . Hindi ko gagawin yun. Alam kong magagalit sakin si Anne kapag ginawa ko yun. Sigurado kukurutin niya na naman ako.

At hindi ako susunod kay Anne dahil alam kong buhay pa siya. Alam ko yun.

Wala pang five minutes ay nakarating na ako sa resort. Bumaba ako at saka naglakad.

Gabi na kaya wala nang masyadong tao sa labas ng resort.

Naupo ako sa may buhanginan.

Dito ko hihintayin si Anne na bumalik. Alam ko lalabas siya mula sa dagat o di kaya ay lalabas nalang siya kung saan man at babalikan niya ako sa lugar na to.

Habang nakaupo ako ay napayuko ako.

Hihintayin kita Anne

Anne/Andrea POV

"Nasaan si Brix?" tanong ko kay Sandra.

"Si Brix? Ang alam ko ay nasa resort tinulungan yung kaibigan niya na makauwi" sagot sakin ni Sandra.

Ngumiti ako "Salamat Sandra."

Dali dali akong nagtawag ng tricycle na masasakyan papunta sa resort.

Bumaba ako at saka nagbayad.

Ross Resort ..

Pumasok ako ng gate. Sabi ni Brix pinasara to? Sabi niya may inaayos dito? Bakit parang wala naman? Parang wala naman nagbago?

Naglakad ako at dumiretso doon sa nag mamanage nang resort.

"Maam Andrea :)" sabi nung nagmamanage.

Kilala na ako dito. Syempre medyo matagal din akong nag stay sa resort na to

"Rina andito ba si Brix?" tanong ko.

"Hindi ko po napansin Maam Andrea eh. Tingnan mo nalang po sa tabing dagat. Baka po andoon siya.Madalas po siya doon eh" sabi niya sa akin.

"Salamat" sabi ko

Agad agad naman akong dumiretso sa tabing dagat.

Naglalakad lakad ako sa tabing dagat nang may nakita akong nakaupo doon.

Si Brix ba yun?

Tumakbo ako para makalapit sa kanya.

Pero pagkalapit ko hindi siya si Brix. Alam kong hindi siya si Brix.

"Excuse me! Ayos ka lang ba?" tanong ko.

Dahan dahan niyang iniangat ang ulo niya. At saka tiningnan ng mabuti at saka siya ngumiti.

Malamlam yung mga mata niya at halatang katatapos niya lang umiyak. Ang mga matang yun? Pamilyar sakin.

Bigla niya akong hinila at sa kadahilanan para mapaupo ako sa may buhanginan at makapantay ko siya. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

Hindi ako makapag react parang masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nakatulala lang ako habang yakap yakap niya ako.

"Alam kong babalikan mo ako dahil sinabi mo sakin yun. " sabi niya.

Ano bang pinagsasabi niya?

"Mahal na mahal kita. Wag mo na akong iiwan ulit. Hindi ko kaya." dagdag niya.

Iniwanan kaya siya nang taong mahal niya?

Dahil yakap yakap niya ako ay naaamoy ko ang alak. Lasing pala siya baka akala niya ako yung mahal niya.

Pinilit kong makawala sa pagkakayakap niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

"Please! Wag! Wag mukong iiwan." sabi niya sakin.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko mula sa mga mata ko. Anong nangyayari? Bakit parang nasasaktan ako sa mga salitang binibitawan niya.

Sino ba siya?

Sino ang taong to?

"Hi-hindi kita iiwan." sabi ko.

Teka? Ano bang sinasabi ko?

"Pangako?" tanong niya habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Pangako" sabi ko

Ano bang pinag sasabi ko?,

Bakit nadadala ako sa taong to?

Pagkatapos nun ay naramdaman ko ang pagtulo nang luha niya at kasabay nun ay pagbagsak din ng katawan niya sa buhanginan. Siguro dahil sa kalasingan

Tumakbo ako sa nagmamanage ng hotel at pinakuha ko sa kanila yung taong nasa tabing dagat.

Malapit ako na sa gate nang makita ko si Brix na tumatakbo papunta sa akin.

Pagkarating niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" direktang tanong niya sa akin.

"Ahmm akala ko kasi andito ka."

"Tara na!" sabi niya saka ako hinawakan sa kamay ko at hinila paalis sa resort.

Authors Note:
Nakaka inspire yung mga comment nyo. hehe xD. Salamat po :)

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now