CHAPTER 7

8.6K 157 12
                                    

Andrea/Anne POV

Nasa tabing dagat ako at pinapanuod ang paglubog nang araw.

Sino ba talaga ako?

Ano ba ang pangalan ko?

Isang linggo rin daw ako sa hospital bago ako nakalabas.

Tinulungan ako ni Brix. Tapos pinatuloy niya ako sa resort niya kasi lagi rin naman daw siya sa resort.

Salamat sa kanya kasi nakaligtas ako. Siya ang tumulong sakin. Kung hindi niya ako tinulungan baka kung ano na ang nangyari sa kin.

Nag iisip ako ng biglang may tumakip sa mata ko.

Hinawakan ko ang kamay na nakatakip sakin.

"Brix?" sabi ko.

Tinanggal niya ang kamay at saka ako napalingon.

Sino pa ba? Si Brix lang naman ang kilala ko. Meron pa pala si Sandra. Silang dalawa lang.

Naupo siya sa tabi ko.

"Ang ganda nang sunset no?" tanong niya sakin.

Tumango naman ako sa kanya.

"Salamat Brix." sabi ko sakanya.

"Ikaw talaga. Halos araw araw kana nagpapasalamat sakin." sabi niya sakin.

"Kasi tinulungan mo ako."

"Kahit sino gagawin yun." sabi niya sakin. "Andrea?" tawag niya sakin.

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Pinipilit mo pa rin ba na alalahanin ang nakaraan mo?" seryosong tanong niya sakin.

Napa buntong hininga ako.

"Oo Brix! Pinipilit ko. Pero useless pa rin ang pag iisip ko. Wala akong maalala"

"Hindi mo kailangan pilitin na maalala mo ang lahat Andrea. Kasi sabi naman ng doctor babalik din naman agad ang alaala mo." paliwanag

Tama siya. Hindi ko kailangan magmadali. Kailangan kong maghintay. Babalik din ang alaala ko.

"Pero paano kung may pamilyang nag hihintay sakin?" tanong ko sa kanya.

"Pero paano rin kung wala nang pamilyang naghihintay sayo?" tanong niya sakin.

I tooked a deep breath.

Paano nga ba?

"Aayst. Tara na nga. Wag mo nang isipin yun. Kakain na tayo . Tara!" sabi sakin ni Brix.

Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ko niya ako na makatayo.

Naglakad kami pabalik sa isa sa pinaka malaking cottage sa resort niya.

Pagkarating namin sa loob ay may nakahanda nang pagkain.

"Ikaw ang nagluto?",tanong ko sa kanya.

"Oo :)" sabi niya sakin.

Inalalayan niya din ako na makaupo . Tapos siya pa ang naglagay ng pagkain sa plato.

"Ako na maglalagay Brix" sabi ko sa kanya.

"Pero-"

"Pero hindi ako baldado. may amnesia lang ako :)" sabi ko sa kanya.

Tumango nalang siya sakin.

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now