CHAPTER 12 -The Past 1-

7.5K 151 1
                                    

Anne/Andrea POV

Nagbabake ako ngayon nang cupcake para kay Brix. Thank you ko lang para sa kanya.

Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa. Basta nung nakita ko yung mga ingredients parang alam ko na yung sunod sunod na gagawin.

Pakiramdam ko matagal ko na siyang ginagawa. Parang sanay na sanay na ako na mag bake.

Tapos na ako magbake at hinihintay nalang na pumunta si Brix. Sabi niya sakin pupunta siya nang mga bandang 1:00 pm.

Aaaaaat

saktong 1:00pm dumating nga siya.

Pinaupo ko siya sa may upuan dun.

"Diyan ka lang may ibibigay ako sayo!" sabi ko sa kanya.

Tila naguguluhan siya pero sumunod nalang siya sakin.

Pumunta ako sa may kusina at kinuha ang mga cup cakes na ginawa ko.

She was shock at naka kunot yung noo niya.

"Tikman mo :)" sabi ko sa kanya.

"You make this?" sabi niya bago kumuha nang isang cup cake at saka ito isinubo.

Gusto niya kaya yung binake ko sa kanya?

Tinitingnan ko siya habang kinakain niya yung cup cake.

"Masarap ba?" tanong ko sa kanya.

"Actually ..."bigla akong kinabahan. Hindi ba masarap yung niluto ko. "masarap siya!" ngumiti siya sakin.

"Akala ko naman hindi mo gusto yung binake ko sayo." sabi ko sa kanya.

"Actually ang sarap nga eh. Ngayon lang ako nakatikim nang ganitong kasarap na cupcake. Paano mo nagawa yun? Nanuod kaba kung paano gawin yun?" tanong niya sakin.

Umiling ako sa kanya.

"Eh paano mo nagawa?" tanong niya sakin.

Umupo ako sa tabi niya at saka sumandal sa may sofa.

"I dont know. Nung nakita ko yung mga ingredients. Nung nakita ko yung cupcake sa tv parang alam ko na siya gawin. Pakiramdam ko nga sanay na sanay ako na gawin yun." paliwanag ko sa kanya.

"Talaga? Turuan mo naman ako gawin yun." sabi sakin ni Brix.

"Oh sige.!" sagot ko.

Tumayo kami at dumiretso sa kusina.

"Okay ganito yan. Syempre we need flour." sabi ko sa kanya.

"Teka. Paano? Ganito ba?" sabi niya sakin.

"Hindi ganyan. Ganito!" inagaw ko sa kanya yung ginagawa niya at inayos ito.

"Oowh sige.!"

Niready ko na lahat ng kailangan sa pag bebake.

Maya maya ay napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sakin. Hindi lang tingin nakatitig siya sakin.

"Hoy! wag mo nga akong tingnan ng ganyan Brix." sabi niya sakin.

Naiilang talaga ko kapag ganyan siya

"Ang ganda mo kasi Andrea!" sabi niya sakin napatingin ako sa kanya. "Lalo na kapag meron kang ganito." kasabay nun ay pinunasan niya ako ng harina sa mukha. "Hahaha" tawa niya pa sakin.

Napanganga naman ako kasi nabigla talaga ako. Hindi ko inaasahan na gagawin niya yun.

"Ikaw ha?" sabi ko.

Lalagyan ko sana rin siya ng harina sa mukha kaso bigla siyang tumakbo.

Naghabulan pa kami sa kusina. Paikot dun sa mesa na gamit namin.

Hinahabol ko siya nang biglang nanlabo ang paningin ko. Tapos napatingin ako kay Brix. Malabo yung mukha niya pero alam ko hindi na si Brix yun. Sino siya?

Pagkatapos nun ay napahawak ako sa noo ko dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko.

Kasabay nun ay parang may nakita ako. May kahabulan ako sa isang kusina. Nagtatawanan kami habang nagpupunasan nang harina

Nanghina yung katawan ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay ang katawan.

At muntik na sana akong malaglag sa sahig nang may humawak sa magkabilang braso ko.

"Brix?" sabi ko.

"Are you okay?" seryosong tanong niya sakin.

"Masakit ulo ko." sabi ko sa kanya.

Bigla niya akong binuhat like a bridge. At saka ko nalang naramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa isang malambot na bagay.

"Take some rest Andrea. Next time mo nalang ako turuan." sabi niya sakin.

Ano ba yung nakita ko?

Bakit ang labo?

Bakit parang totoo?

Nangyari na ba talaga yun?



Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now