CHAPTER 25 -The truth will Reveal-

7.4K 160 5
                                    

Brix POV

Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang investigation result ni Anne.

Sasabihin ko na ba sa kanya?

Naaawa na rin ako kay Raine.

Pero mahal ko si Anne.

"Hindi Brix. Hindi ko na kaya! Ang sakit lang isipin na walang sumusuporta sakin na paniwalaan buhay pa si Anne. Lahat sila gusto nilang isuko ko na ang paghahanap sa kanya. Imbes na hilahin nila ako pataas para palakasin ang paniniwala ko na buhay pa siya pero hindi eh iba ang ginagawa nila. Nakalubog na nga ako parang dinidikdik pa nila ako pailalim."

Napabuntong hininga nalang ako.

Biglang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Nasa bar kasi ako ngayon.

"Si Sandra to. May naghahanap sayo Brix." sabi ni Sandra.

Ipinatong ko ang folder sa may mesa ko at saka ako lumabas.

Bumaba ako at nakita ko si Mr. Ching na naghihintay sa akin.

Si Mr. Ching ay ang gustong maging ka partner ko sa flower shop ko.

"Hey Mr. Ching. What brought you here?" tanong ko sa kanya.

"Im going to sign on our contract." sabi niya.

"Hintayin nyo ko dito Mr. ching. Kukunin ko lang sa bahay yung kontrata natin." sabi ko.

Hindi ako umuwi kagabi kaya hindi ko nakuha ang ibang gamit ko sa opisina ko.

Tumango naman si Mr. Ching.

Pumunta na ako sa parking lot at saka dali daling pinaandar ang kotse ko.

Maya maya lang ay nakarating na ako sa bahay.

Papasok palang ako nang makasalubong ko si Manang Loleng na parang pagod na pagod.

"Manang may nangyari po ba?" tanong ko.

"Si Andrea."

"Ano pong nangyari kay Andrea?"

"Umalis siya. Kanina lang. Pupuntahan niya raw yung Raine sa resort mo. Sabi ko sa kanya hintayin ka kaso ayaw niyang makinig sakin." sabi sakin ni Manang Loleng.

I tooked a deep breath.

May naaalala na pala siya?

Bumalik ako sa kotse ko.

"Pupuntahan ko siya!" sabi ko kay Manang.

Pagkatapos nun ay pinaandar ko na ang kotse ko nang mabilis. Kailangan kong maabutan si Anne.

Raine's POV

Papunta ako ngayon sa bar ni Brix.

Pagkarating ko sa paligid ay wala doon sa loob si Brix.

Ang sabi niya sa akin kapag wala siya doon ay nasa opisina niya siya.

Dumiretso ako sa may opisina niya. Kumatok ako.

"Brix?" tawag ko

"Brix?"

"Brix?"

pero wala pa ring sumasagot.

Trinay kong buksan ang pinto. Hindi pala ito naka lock. Pumasok ako sa loob.

"Brix?" tawag ko.

Inikot ang paningin ko sa paligid nang opisina. Napako ang tingin sa brown envelope na nasa ibabaw nang mesa ni Brix.

Lumapit ako sa mesa.

May nakasulat sa labas nang brown envelope.

Investigation Result of Andrea.

Napakunot ang noo ko

Andrea?

"Hinahanap ko kasi si Andrea"

"Alam mo itulog mo ulit yan . O kung ayaw mo naman, sumama ka nalang sakin pupuntahan ko si Andrea"

Andrea ?

Diba yun yung gusto ni Russel?

Kinuha ko ang brown envelope.

Binuksan ko ito

Andrea real name is Brittannie Celestial.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko.

Nabasa ko ang buong detalye pati na rin ang tungkol kay Patricia.

At nakita ko rin ang isang picture na kasama ko si Anne.

Ibig sabihin may alam si Brix.

Napakuyom ang kamay ko.

Bakit kailangan niyang ilihim sakin ang lahat nang ito?

Agad akong bumaba ng opisina ni Brix dala ang brown envelope na naglalaman nang tunay na pagkatao ni Andrea. at dumiretso ako kay Sandra.

"Nasaan si Brix?" direktang tanong ko kay Sandra.

"Umuwi siya may kinuhang contract." sagot niya .

Pagkasabi niya nun ay agad akong pumunta sa parking lot at pinaandar ang kotse ko.

Napahampas ako sa manibela ng kotse ko.

Hindi mo pwedeng itago sakin si Anne. Brix. Kakalimutan kong kaibigan kita para sa kanya.

Maya maya lang ay nakarating na ako sa bahay ni Brix.

Bumaba ako nang kotse ko.

"Brix?" sigaw ko.

"Brix lumabas ka diyan!"

Wala na akong pakialam kung eskandalo na ang ginagawa ko.

"Ibalik mo sakin si Anne." sabi ko.

Bumukas ang pinto.

Napakuyom ako nang kamao ko.

Lumabas doon ang isang matanda.

Lumapit ito sa akin.

"Wala po si Brix dito."

"Nasaan siya?"

"Pumunta siya sa resort para sundan si Andrea." sabi nung matanda.

Pagkasabi nun ay agad akong sumakay nang kotse ko at dumiretso nang resort.

Nakarating na ako ng resort. Hinanap ko sila sa buong resort.

Anne nasaan kana?

Anne hintayin muko!

naikot ko na ang buong resort pero hindi ko sila nakita.

Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang kamay ko.

Damn it Brix! Saan mo dinala si Anne?

Napalingon ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Hindi Russel. Hindi. Andito si Anne. Andito siya. Kinuha siya ni Brix."

Saka ako napakuyom nang kamao ko.



Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now