CHAPTER 5 -Missing-

9.2K 167 11
                                    

Raine's POV

Pumunta ako sa opisina ng mga naghahanap sa mga nawawalang pasahero nang eroplano.

"Sorry po pero hindi na po natin pwedeng ituloy ang paghahanap." sabi sakin nung lalaki.

"Ba-bakit?"

"Two weeks na po!"

Two weeks? Anong kinalaman nun?

"Wala akong pakialam kung two weeks nang nawawala si Anne. Kahit abutin pa nang taon kailangan mahanap nyo siya." sabi ko

"Pero po kasi kapag two weeks na consider na po na patay na po ang taong nawawala."

Napakuyom ako nang kamay ko at kasabay nun ay sinuntok ang lalaki na nagsabing patay na si Anne.

"Wala kang karapatan na sabihin sakin na patay na ang girlfriend ko. Hindi ka Diyos para sabihin sakin yan at hindi mo ako tauhan lang para sabihin sakin na itigil ko na ang paghahanap sa kanya." sabi ko at saka ako tumalikod

Kung ayaw nilang maghanap. Ako ang maghahanap kay Anne. Ako ang maghahanap sa kanya.

Hindi ko kailangan nang tulong nila. Hanggat hindi pa nila napapatunayan na wala na si Anne ay hindi ako maniniwala.

Nangako sakin si Anne na babalikan niya ako. She told me na pagbalik niya ay magpapakasal na kami.

Umuwi muna ako sa bahay at saka pumasok sa kwarto ko.

Maya maya lang ay kinatok ako ni Mommy.

"Raine? Kain kana."

"Ayoko Mommy. Busog ako!"

"Anong busog? eh halos isang beses ka nalang kumakain sa isang araw. Tapos sasabihin mo sakin busog ka? Baka ikaw naman ang magkasakit sa ginagawa mo sa sarili mo."

"Mamaya nalang ako kakain. Magpapahinga lang po ako."

"Oh sige kumain kasi mamaya darating yung kapatid mo!"

Kapatid? Sinong kapatid?

Ayy oo nga pala!

"Opo!" sagot ko nalang kay mommy.

Maghapon akong nakakulong sa kwarto. Nakakawalang gana lang talaga kumain.

Alangan naman kumakain ako ng masarap na pagkain tapos si Anne baka kung ano na ang nangyayari sa kanya.

I sigh.

Hanggang dumating na ang dinner.

Lumabas ako nang kwarto ko. At nakita kong naghahanda nang pagkain si Mommy.

"Halika na anak. Kain na tayo!" alok sakin ni Mommy.

Umupo ako.

"Akala ko po ba darating yung kapatid ko ngayon?" tanong ko kay Mommy.

"Ayy oo nga pala..Tumawag siya. Ayun busy raw siya. Kaya next time nalang daw. Nagkaroon daw ng conflict sa trabaho niya."

Tumango nalang ako kay Mommy.

"Oo nga pala. Kumusta yung paghahanap kay Anne?",tanong sakin ni Mommy.

Napatigil ako sa pagkain ko.

"Ayaw na po nila maghanap." malumanay kong sagot kay Mommy.

"Ganun ba? Hayaan mo anak. mag ha hired tayo nang magaling na private investigator para mapabilis ang paghahanap kay Anne.",pag checheer up sakin ni Mommy.

"Sige po!" sagot ko nalang.

Konting panahon nalang Anne. Pangako hindi ako titigil sa paghahanap sayo.

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon