CHAPTER 16 -The Past #02-

7.2K 146 0
                                    

Anne/Andrea POV

Nasa garden ako ngayon at nagdidilig nang halaman. Nakipag pilitan pa ako kay Manang Loleng na payagan ako na gawin yun kasi wala talagang magawa sa bahay ni Brix. Kasi silang dalawa lang pala ni Manang Loleng ang magkasama dito sa bahay.

"Andrea. Halika kana. Meryenda muna tayo!" alok sakin ni Manang Loleng.

I nod and say yes. Ngumiti ako sa kanya at inayos ang gamit na ginamit ko sa pagdidilig ng halaman.

Dumiretso kami sa may tabi nang swimming pool at saka doon kami nag meryenda dahil may mesa rin doon.

"Kain kana Andrea." sabi ni Manang.

"Oh sige po :)" sagot ko.

"Alam mo napakabait mong bata. Sana nga maibalik mo na yung alaala mo.",sabi ni Manang Loleng

Napabuntong hininga ako.

"Sana nga po!" sabi ko.

"Alam mo masyadong mahaba yung pangalan mong Andrea nu? Pwede ba tawagin nalang kitang Anne?"

Tumango nalang ako.

Biglang may nag doorbell kaya umalis si Manang Loleng .

"Sandali Anne dito ka muna ha?" sabi niya.

"Anne?"

"Anne?"

"Anne?"

"Ouch!" napasapo ako sa may ulo ko

May naririnig akong boses na tumatawag na Anne. Pare pareho ang sinasabi pero iba ibang boses ang naririnig ko.

Anong nangyayari?

sino ang mga yun?

Bakit ko naririnig yun?

Maya maya ay bumalik na si Manang Loleng.

Nagkunwari nalang ako na wala akong nararamdaman .

Nakangiti si Manang Loleng habang nakatingin sakin. Nginitian ko rin siya. May dala siyang dalawang aso.

"Ang cucute naman po ng aso na yan" sabi ko saka ko kinuha ang isang aso.

Tiningnan ko ang dalawang. Bakit parang pareho ang aso na to?

"Manang Loleng magkapareho po yung aso?" tanong ko.

"Oo eh! Magkambal sila. Tingnan mo wala silang pinagkaiba." sabi ni Manang.

Tiningnan ko wala nga silang pinagkaiba.

"Kambal?"

Sino yun?

Napahawak ako sa ulo ko.

May nakikita na naman ako. May dalawang batang naglalaro. Tapos magka mukha sila.

Ang dami kong nakikita. Dalawang babae. Dalawang babaeng magkamukha. Teka ako yun?

"Anne?" Hinawakan nya ang kamay ko "Andito lang ako para sayo. Makikinig ako. Dadamayan kita kapag may problema ka. Handa kitang tulungan"

"Aww! Payakap nga!" sabi ko sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" napatingin ako kay Manang Loleng .

Hindi na ako nakasagot dahil sa biglaang pagdilim ng paningin ko.

Brix POV

Manang Loleng Calling ...

"Hello po" sabi ko.

"Brix. si Andrea."

Napatigil ko ang kotse ko sa may isang tabi pagkarinig ko nang pangalan ni Andrea.

"Ano pong nangyari kay Andrea?" tanong ko.

Hindi pa man nasasabi ni Manang Loleng ay kinakabahan na talaga ako.

"Nawalan kasi siya nang malay." sabi ni Manang Loleng.

Pagkasabi ni Manang Loleng nun ay pinaharurot ko agad ang kotse ko papunta sa bahay ko.




Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon