CHAPTER 18 -The truth about Anne-

7.2K 158 22
                                    

Brix POV

Nanginginig ang mga kamay ko at napapailing habang hawak ang documents na naglalaman tungkol sa pagkatao ni Andrea.

Brittannie Celestial yun pala ang totoong pangalan niya. o mas kilala sa tawag na Anne.

One week din ang lumipas bago ko nakuha ang buong resulta ng investigation na pinagawa ko.

Mapagbiro talaga yung tadhana. Andrea ang pangalan na ibinigay ko sa kanya. Pwede rin siyang tawaging Anne dahil sa pangalan na ibinigay ko sa kanya.

At may kakambal pala siya na si Patricia Celestial.

Tinanong ko si Manang Loleng kung anong nangyari. Tinawag niya na raw na Anne si Andrea at saka may pinakitang kambal na aso na dapat ay ireregalo ko talaga sa kanya.

At mas lalo akong napailing nang makita ko ang isang litrato ni Andrea o dapat ko bang sabihin na Anne nalang.

Si Anne ang nasa picture kasama si .... Raine?

Tiningnan ko nang mabuti ang picture na yun. Hindi ako pwedeng magkamali si Raine at si Anne.

Ang ibig sabihin ang babaeng hinahanap ni Raine ay ang babaeng mahal ko rin ngayon

Anong gagawin ko?

Sasabihin ko ba kay Anne ang totoo?

Napa face palm ako.

Kaibigan ko si Raine pero mahal ko si Anne. Ayokong mawala siya sa akin. Hindi ako papayag. Minsan na akong nasaktan at hindi ako papayag na mangyari ulit yun.

"Brix?" napalingon ako dahil sa biglaang pagbukas ng pinto at lumabas doon si Anne.

Agad kong itinago ang documents at inilagay ito sa drawer.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala naman. Gusto ko lang kasing mamasyal eh!" sabi niya.

"Mamasyal? oh sige saan ba?" Tanong ko sakanya.

"Sa resort mo!" sabi ni Anne.

Resort ko?

Hindi pwede . Andoon si Raine. Hindi ako papayag na magkita sila.

"No!" medyo napalakas kong sabi sa kanya.

"Ma-may problema ba Brix?" tanong niya sa akin.

I tooked a deep breath. Brix please! Act normal.

"Im sorry. May inaayos kasi sa resort ko kaya pinasara ko muna pansamantala" paliwanag ko nalang kay Anne

"Ganun ba? Sige wag nalang. Ahmmm nga pala Brix? Kumusta yung investigation? May balita na ba?" sabi niya sakin.

"Sorry Andrea pero wala pang balita eh! sasabihin ko nalang sayo kapag meron." sagot ko.

"Sige. Salamat Brix. :)" ngumiti ito bago umalis nang kwarto ko

Napabuntong hininga ako.

Sorry Anne  Sorry ayokong mawala ka sa akin. Sorry kung wala akong lakas na loob para sabihin sayo ang totoo. Kasi gusto kong sa akin ka habang wala ka pang naalala. Ito lang yung natitirang chance para makasama kita. Kahit hanggang ngayon lang na wala kang maalala. Kahit ngayon lang

Authors Note:
Itutuloy ko pa po ba ito?

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon