CHAPTER 22 -Beautiful Nightmare-

8K 163 2
                                    

Raine's POV

Napabalikwas ako at agad na hinanap ko ang nag iisang taong matagal ko nang hinahanap.

Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid pero walang Anne ang nakita ko?

Agad akong lumabas ng resort at hinanap si Anne. Pero naikot ko na ang buong resort hindi ko talaga siya nakita.

Pabalik na ako ng cottage nang makita ko si Russel.

"Raine? Saan ka nagpunta? Hinahanap kita sa cottage mo!" salubong sakin ni Russel.

"Hinahanap ko si Anne." seryoso kong sabi sa kanya.

Tumawa siya. "Pffftt hahaha Seryoso? Hahaha dito talaga sa resort na to? ahahah."

Alam din ni Russel yung tungkol ay Anne pero hindi pa niya nakikita ito. Na kuwento lang sa kanya ni Mommy kaya pinasunod niya si Russel dito.

Tiningnan ko lang siya.

"Nakita ko siya kagabi!" seryosong sabi ko sa kanya.

"Baka naman minulto ka lang kagabi" sabi niya sa akin.

Naglakad ako at napunta kami sa cottage ko.

Naupo ako sa may sofa.

"Minulto? Eh. Ramdam ko nga yung yakap niya sa akin eh." sabi ko.

"Tol. lasing ka kagabi malamang hallucination mo lang yun." sabi niya sa akin.

"Hindi yun hallucination. Alam kong totoo yun." pagpapa tunay nang sinabi ko.

Ipaglalaban ko talaga yun dahil alam kong totoo yun. Ramdam ko yung yakap yakap ko siya. Alam ko nasa paligid lang siya.

"Alam mo itulog mo ulit yan . O kung ayaw mo naman, sumama ka nalang sakin pupuntahan ko si Andrea." sabi niya sa akin.

"Ayoko! Dito lang ako. Baka bumalik si Anne." sabi ko

"Oo babalik yun. Awoooooh!!" sabi niyang habang palabas nang pinto.

Binato ko siya nang unan na nasa sofa. Kaya tumakbo ito palabas.

Napailing nalang ako.

Nasaan na ang pinangako mo Anne?

FlashBack . . . .

"Please! Wag! Wag mukong iiwan." sabi ko sa kanya

"Hi-hindi kita iiwan." sabi niya.

Napuno nang pag asa yung puso ko.

"Pangako?" tanong ko sakanya

"Pangako" sabi niya.

End of FlashBack ...

I tooked a deep breath.

Nananaginip lang ba ako nun?

Hallucination ko lang ba talaga yun?

Anne/Andrea POV

Dreams ...

Bigla niya akong hinila at sa kadahilanan para mapaupo ako sa may buhanginan at makapantay ko siya. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

Hindi ako makapag react parang masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nakatulala lang ako habang yakap yakap niya ako.

"Alam kong babalikan mo ako dahil sinabi mo sakin yun. " sabi niya.

Ano bang pinagsasabi niya?

"Mahal na mahal kita. Wag mo na akong iiwan ulit. Hindi ko kaya." dagdag niya.

Iniwanan kaya siya nang taong mahal niya?

Dahil yakap yakap niya ako ay naaamoy ko ang alak. Lasing pala siya baka akala niya ako yung mahal niya.

Pinilit kong makawala sa pagkakayakap niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

"Please! Wag! Wag mukong iiwan." sabi niya sakin.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko mula sa mga mata ko. Anong nangyayari? Bakit parang nasasaktan ako sa mga salitang binibitawan niya.

Sino ba siya?

Sino ang taong to?

"Hi-hindi kita iiwan." sabi ko.

Teka? Ano bang sinasabi ko?

"Pangako?" tanong niya habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Pangako" sabi ko

End of Dreams ...

Napabangon ako.

Hanggang sa panaginip ko pa ba naman ay yun pa rin ?

Kagabi pa bumabagabag sakin ang taong yun.

Hindi ko talaga maintindihan.

Napapailing nalang ako.

Pumunta ako sa may baba at nakita kong naghahanda nang almusal si Manang Loleng

"Goodmorning Anne. Halika na. Kain na tayo.!" alok sa akin ni Manang.

"Si Brix po?" tanong ko.

"Nasa resort. Maagang umalis eh. may kailangan daw siyang asikasuhin." sabi ni Manang.

Naupo na ako at nag almusal.

Pagkatapos kong mag almusal ay napagdesisyunan ko na maglakad lakad sa labas kasama ang aso na binili ni Brix. Syempre isa lang yung dinala ko kasi hindi ko naman kaya kapag dalawa.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa sasakyang tumigil sa harapan ko.

Napakunot ang noo ko. At biglang may bumaba doon. May dala siyang bulaklak.

"Hi Andrea :)" bati niya

"Russel?"

"Im glad na kilala mo pa rin ako" sabi niya sa akin.

Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Gustong gusto ko talaga ang ngiti mong yan. Nga pala! Para sayo to" saka niya iniabot ang bulaklak na dala niya.

"Thank you" sabi ko.

"Nga pala saan ang bahay niyo?" tanong niya sa akin.

Itinuro ko naman sa kanya ang bahay ni Brix. Napa kunot ang noo niya.

"Diba bahay yan ni Brix?" tanong niya.

"Oo. Diyan ako nakatira. Sa bahay ni Brix. Bakit? Kilala mo ba si Brix?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Kaibigan siya nang kapatid ko. Pero kasi ano eh- ang sabi niya sakin-" sabi niya.

Napakunot ang noo ko sa tono nang pananalita niya.

"Anong sabi ni Brix?" tanong ko.

"Wala naman. Kailangan ko nang umalis Andrea. Bye!" paalam niya sa akin saka ito nagmamadali na sumakay sa kotse niya.

Anong problema nun?

Russel POV

Pinaandar ko ang kotse ko palayo sa lugar kong nasaan si Andrea.

Bakit nagsinungaling si Brix?

Bakit sabi niya kapit bahay niya si Andrea ?

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang dahilan niya.

Kailangan kong alamin to.

Kailangan kong malaman kong ano ang tunay na dahilan ni Brix.

Votes and Comments ^^

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now