CHAPTER 19 -Anne meet someone-

7.7K 158 3
                                    

Anne POV

Papunta ako ngayon sa Bar ni Brix. Dadalhan ko kasi siya nang binake kong cookies.

Drinive ko ang isang kotse na andoon sa bahay ni Brix.

Kahit hindi ako sigurado kanina kung kaya kong patakbuhin pero nung nakaupo na ako pakiramdam ko matagal na rin akong nag dadrive.

Nagdadrive na ako nang biglang tumirik ang sasakyang ginagamit ko

Shocks! Paano to?

Bumaba ako para tingnan ang kotse. Itinaas ko ang hood ng kotse.

MyGod! Paano ako makakarating sa bar. Wala pa naman akong cellphone.

Napapailing ako nang biglang may tumigil na kotse sa may tapat ko.

Binuksan niya ang bintana ng kotse niya.

"Miss may problema ba?" tanong sa akin.

Napatingin ako sa lalaki ba to o babae?

Tinanggal niya ang shades niya.

Ahhh. Babae nga! Kagaya ni Brix.

"Nasira kasi yung sasakyan ko." sabi ko.

"Ganun ba? Saan ba ang lakad mo?" tanong niya sa akin.

"Sa Ross Bar." sagot ko.

"Rosa Bar? Actually madadaanan ko rin yun. So wanna take a ride?" tanong niya sakin.

Napaisip ako.

Tumango nalang ako sa kanya.

Bumaba siya mula sa driver seat at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you!" sabi ko.

"My pleasure" sabi niya saka ito ngumiti.

Sa tabi niya ako nakapuwesto.

Habang nasa biyahe.

"Im Russel. Ano pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Im Andrea." sagot ko.

"Ang ganda nang pangalan mo kasing ganda mo" pagpuri niya sa akin.

"Salamat!" sabi ko.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa Ross Bar.

"Salamat sa paghatid Russel. Nice meeting you :)" sabi ko kay Russel

"Nice meeting you too Miss Beautiful. Im sure hindi ba ito ang huli nating pagkikita."sabi sa kin ni Russel.

Ngumiti nalang ako sa kanya. At saka bumaba ng kotse niya.

Dumiretso ako sa loob ng Ross Bar.

"Andrea?" tila gulat na salubong sakin ni Sandra.

"Hi Sandra. Si Brix?" tanong ko sa kanya.

"Nasa taas! Sa may opisina. Bakit?" sabi niya.

"May ibibigay lang ako sa kanya!" sabi ko.

Dumiretso ako sa may opisina at saka kumatok sa may pinto.

Brix POV

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa may pintuan ng opisina ko.

"Sino yan?" sabi ko

"Brix? Si Andrea to."

Shit! Si Andrea? Ano ginagawa niya dito? Magkikita pa naman kami ni Raine ngayon dito sa Bar.

Dali dali kong binuksan ang pinto.

"Hi :)" sabi niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Dinalhan lang kita nang cookies na binake ko." sabi niya. At saka ipinakita ang cookies na dala niya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mag panic muna dahil pwedeng makita ni Raine si Anne dito sa Bar.

"Umuwi kana!" sabi ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya pababa nang opisina ko. Nung nasa baba na kami ay parang naguguluhan siya.

"Sandra pakihatid naman si Andrea sa bahay!" sabi ko kay Sandra.

Tumango naman si Sandra at saka nito niyaya si Andrea na makalabas ng Bar. Sumunod nalang si Andrea kay Sandra.

Anne/Andrea POV

Hindi ako kumikibo habang nasa biyahe kasama si Sandra.

"Ayos ka lang ba Andrea?"

"Ha? Ahh oo naman. Ayos lang ako" sagot ko nalang kay Sandra.

Ano bang problema ni Brix?

May nasabi ba akong mali?

May nagawa ba akong mali?

Bakit pinaalis niya ako sa bar? eh kararating ko lang.

"Andrea. wag mo nang intindihin yun si Brix. Pagod lang yun. Saka nagka problema lang kasi doon sa Flower Shop niya." paliwanag sakin ni Sandra.

Tumango nalang ako

Hindi pala maganda ang timing ko ngayon.

Ayysst!

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum