CHAPTER 26 -The truth Part 1-

7.1K 149 4
                                    

Raine's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas. Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis para mahanap si Anne.

Ang hindi ko lang matanggap. Abot kamay ko na pala si Anne tapos hindi ko man lang alam.

Nasa resort pa rin ako ngayon at naghihintay nang tawag kung sakaling may impormasyon.

Nakaupo ako nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Russel.

"Raine?" tawag niya.

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

"Ahmm - ano-"

"Bakit dimo sinabi sa kin na si Andrea pala si Anne? pinakita ko naman sayo yung picture diba? Pero hindi ka nagsalita. Hindi ka man lang ba nakaramdam ng konting awa sakin? Alam mong hirap na hirap na ako sa paghahanap sa kanya.", sabi ko.

"Sorry" sabi niya.

Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya

Napabuntong hininga ako .

Diko naisip na ang kaibigan ko at ang kapatid ko ay pwedeng hindi ko pagkatiwalaan.

Pero sino ba naman ako para  malaman kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan sa hindi.

Kailangan ko lang alamin kung nasaan si Anne. yun ang importante sakin.

Anne/Andrea POV

Dahan dahan kong iminulat ang paningin ko.

Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid.

Nasa isang kwarto ako.

Walang bintana o kung ano mang bagay na magagamit para maka alis sa lugar na to.

At higit sa lahat ..

Nakatali ang mga kamay.

Bakit ba laging nangyayari to sakin?

Bakit?

Ano bang kasalanan ko?

Ano bang kasalanan ko para masangkot sa ganitong gulo?

Napayuko nalang ako.

Biglang bumukas ang pinto.

Napatingin ako sa pagbukas ng pinto.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Brix?"

Authors Note:
A very short update. Inaantok na po talaga ako. Salamat sa mga nagcocomments at nagvovotes sa story na to. Kayo talaga yung dahilan kung bakit nag a update ako ^^

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now