CHAPTER 20

7.7K 167 24
                                    

Authors Note:
Salamat doon sa mga nag comment na ituloy ko ang story na to. Akala ko po kasi walang kwenta na talaga yung story kaya wala sana akong balak na ituloy. Pero may mga taong nagpalakas nung loob ko na ituloy. Salamat sa inyo. Huhu. Tama na nga to. Baka maiyak ako. hehe

Raine's POV

Papunta na ako sa bar nang biglang mag ring ang phone ko.

Mommy Calling ...

"Hello Mommy may problema po ba?" tanong ko agad kay Mommy.

"Wala naman. Papunta kasi diyan ang kapatid mo si Russel. Malapit na raw siya. gusto ka niyang makilala." sabi ni Mommy

"Oh sige po Mommy. sabihin mo tawagan niya na lang ako." sabi ko kay Mommy.

"Okay sige!"

Hinintay ko na makarating si Russel. Isasama ko na rin siya sa bar para makilala na rin siya ni Brix.

Maya maya ay nag ring ulit ang phine ko.

Unknown Calling ...

"Hello?" tanong ko.

"Raine? ako to si Russel. Andito na ako sa entrance ng resort. Nasaan ka?"

"Hintayin muko palabas na ako diyan" sabi ko.

First time namin magkita ni Russel.

Lumabas ako nang gate. At may nakita akong nakatalikod sa may tabi nang gate.

Hinawakan ko ang balikat niya.

"Russel?" tanong ko.

Bigla siyang lumingon. Dapat ba akong magulat?

Alam ko nagkita na kami.

Kung nagulat ako. syempre nagulat din siya.

"Ikaw?" sabi niya  "Wow! Im not expecting na ikaw pala ang kapatid ko." sabi niya pa.

Tumawa ako.

"Ako rin. Diko ini expect na kapatid ko pala ang naisakay ko sa kotse nung papunta ako dito sa Ross Resort." sabi ko rin sa kanya.

"Haha. Kaya nga eh!" sabi  niya.

"So ano magtatagal ka ba dito?" tanong ko sa kanya.

"Medyo. Depende nalang siguro.", sabi niya.

Napakunot ang noo ko.

Depende?

"Sumama ka nalang sakin sa Ross Bar. Pupuntahan ko yung kaibigan ko." sabi ko.

Tumango nalang siya.

Dalawang kotse na ang dala namin papunta sa bar. Syempre tag isa kami.

Pagkarating namin ay nandun na si Brix. Nakaupo sa isang table.

Nang makita niya kami ay kumaway siya sa amin. Dumiretso naman kami ni Russel doon.

"Raine andito kana wait magpapakuha lang ako ng maiinom" sabi sa amin ni Brix. Sumenyas ito sa isang waiter para magdala nang maiinom. At saka ito muling bumaling sa amin. "Sino tong kasama mo Raine?" tanong sa amin ni Brix.

"Ayy oo nga pala. Kapatid ko si Russel. Russel si Brix kaibigan ko." pakilala ko

Nag shake hands kami.

"Hindi ko alam na may kapatid ka pala Raine!" tila naguguluhan na  sabi ni Brix. Kunsabagay ang alam niya ay nag iisang anak lang ako.

"Kapatid niya ako sa ama!" sagot naman ni Russel.

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon