CHAPTER 15 - They meet-

7.6K 156 11
                                    

Brix POV

Papunta ako sa resort ngayon. Wala gusto ko lang makibalita kung ano na ba ang nangyayari sa resort ko.

Naglalakad ako ngayon.

Paano kaya kung sabihin ko kay Andrea na gusto ko siya?

Magugustuhan niya rin kaya ako?

Gusto niya kaya ako?

Is there any chance kaya na magustuhan niya ako?

Abala ako sa pag iisip nang biglang may nabangga ako.

Boooogssh ..

"Ayy. hala. Sorry. Sorry diko sinasadya." sabi sakin nung nakabangga ko. Nasa tingin ko ay lesbian din dahil sa style ng buhok niya.

"Sorry din  Hindi rin kasi ako nakatingin." sabi ko sa kanya.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatitig sakin.

Hey! Hindi kami talo.

"Brix?" sabi niya sakin.

Teka? Bakit niya ako kilala?

Napakunot ang noo ko at tinitigan ko siya.

She looks familiar. Wait .. Kilala ko siya... Hindi ako pwedeng magkamali. Oo kilala ko nga siya .

Lumawak ang ngiti at saka sinabing "Raine?"

"Ako nga!" sabi niya sakin.

"Wow! Its been a years nung huli kitang makita." sabi ko.

Si Raine ay matagal ko ng kaibigan. siguro mga 13 years old nung huli ko siyang makita. Mula ng mag migrate ako sa ibang bansa kasama si Mommy at si Daddy.

Pumunta kami sa isang restaurant at kumain kami.

Raine's POV

Nasa isang restaurant kami ngayon ni Brix. Matagal na panahon na rin mula ng makita ko siya. Wala pa ring nag bago sa kanya.

Hindi ko inaasahan na dito pa kami magkikita.

"Kumusta kana nga pala?" tanong sakin ni Brix.

Napatigil ako sa pagsubo ng kinakain ko.

Kumusta na nga ba ako?

Napatingin ako sa kanya.

"A-ayos naman ako. " sagot ko. "Ikaw?" balik tanong ko sa kanya.

"Ayos naman ako :)" sabi niya sakin.

"Kumusta na pala sila Tito at Tita?" tanong ko ulit sa kanya.

Hindi siya tumingin sakin.

"They died on a car accident" sabi niya

Patay na pala magulang niya.

"Sorry. Nga pala kelan kapa bumalik ng pilipinas?" tanong ko ulit.

"Matagal na ako dito. Simula nang mamatay si Mommy at Daddy ay napagdesisyunan ko na dito nalang ako" sabi ni Brix. "Kumusta naman ang lovelife mo? sa tingin ko masaya ka ngayon" sabi niya sakin

"Hi-hindi ako okay. Nawawala ang girlfriend ko. Bumagsak kasi ang eroplanong sinasakyan niya." sabi ko sa kanya. "sabi nila patay na raw ang girlfriend ko. pero ayokong maniwala kasi hanggang ngayon naniniwala ako na buhay pa siya." pagpapatuloy ko.

"Kailangan mo ba ng tulong ko? Pwede kitang tulungan sa paghahanap sa kanya."  Tanong niya sakin.

Umiling ako.

"Salamat nalang Brix pero pinapahanap ko na rin siya" sabi ko sa kanya

"Bakit ka nga pala nasa resort ko?" tanong sakin ni Brix.

Uminom muna ako ng juice bago ako sumagot sa kanya.

"Alam mo na. Dahil sa kagustuhan ni Mommy. ayaw niyang magmukmok ako sa isang tabi habang naghihintay sa resulta sa paghahanap sa girlfriend ko." sabi ko. "At teka nga. Sinabi mo bang Resort mo?" tanong ko naman sa kanya.

"Yeah. yung Ross resort is my Resort" sabi niya sakin.

Napatango nalang ako. Kaya pala pamilyar sakin yung Ross na yun. Naalala ko na. Its Brix Ross.

"Wow! i didnt know that youre a successful businesswoman now." sabi ko sakanya na may paghanga.

"Yeah. Kahit ako hindi rin makapaniwala" sabi niya.

"Ikaw naman? Kumusta naman ang lovelife mo?" balik tanong ko sa kanya.

"Malapit ako magkalove life. Konti nalang. Gusto mo siyang makilala?" tanong niya sakin

"Its my pleasure kapag nakilala ko ang babaeng mahal mo!" sabi ko sa kanya.

"Oh sige. Mamayang gabi. Ipapakilala ko siya sayo. Lets have dinner together" sabi niya sakin.

"Okay sige!" pag agree ko sa kanya.

Pagkatapos kumain nang lunch ay bumalik na kami sa resort niya.

Authors Note:
Hanggang dito po muna. Kasi ano po eh. Medyo tinatamad. hehe

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLWhere stories live. Discover now