1

108 4 0
                                    

Chapter 01

Athena

Napapikit ako habang nilalanghap ang ihip nang hangin nang makaapak na ako sa lupa ng Pilipinas.

"Hmm.. how I missed this country." Sabi ko sa sarili ko.

"Yeah.. me too." Rinig kong boses ni Amber. "Come on, sis."

Kinuha na namin ang travelling bags namin sa scanner at lumabas.

"Sis, ano kaya kung mamasyal tayo? Matagal na rin nung huli tayong nandito sa Pilipinas. Sobrang nakakamiss ang street food." Sabi ko. Mahilig kasi talaga kaming kumain ng street food pag andito kami sa Pilipinas.

She stared at me flatly. "Anong klaseng katawan meron ka? Seriously? Kakadating lang natin at gusto mo na agad mamasyal? Wala ka bang pagod sa katawan?" Aniya na nakataas ang kilay.

Ngumuso ako. "Edi bukas nalang." Pumara kami ng taxi saka sumakay.

Kinuha ko ang phone ko nang tumunog yun. Mommy Calling..

"Hello, mom.."

["Why didn't you tell me?"] Bungad agad ni mommy. ["Bakit di mo man lang sinabi sakin na pumunta ka pala jan sa Pilipinas."]

"I'm sorry, mom. Biglaan po kasi tsaka sasabihin ko naman talaga sa inyo."

["It's okay, basta mag-iingat kayong dalawa jan. Call me if u need anything, okay?"]

Napangiti ako. "Yes, mom. I love you." Sabi ko.

"Love you, mom!" Sigaw ni Amber sa gilid ko.

Narinig naming natawa si mommy sa kabilang linya. ["I love you too. Sige na, ibababa ko na to. Ingat kayo jan."]

Then the line ended. Naramdaman ko ang pagod sa katawan ko kaya nakatulog ako.

****

Nandito na kami ngayon sa condo unit ko na binili ni daddy. Si Amber naman, nasa katapat lang na unit.

Humiga agad ako sa kama at hindi namalayang nakatulog.

"Hey! Aurora, wake up!" Nagising ang diwa ko sa isang yugyog.

"Hmmm.."

"Hapunan na kaya magbihis ka na. Sa labas tayo kakain." Ani Amber at nakita ko ring nakabihis na siya.

Tamad akong tumayo at nag quick bath. Pagkatapos, nagbihis at naglagay na rin ng light make up.

"Tapos ka na?" Bungad niya sakin pagkalabas kong kwarto.

Tinanguan ko siya kaya lumabas kami at ni-lock ang unit ko.

****

Nandito kami ngayon sa isang Filipino Restaurant since na-miss naming pareho ni Amber ang mga Filipino foods.

Caldereta, Adobo at sinigang lang ang inorder namin.

Habang kumakain kami nang may naaninag akong pamilyar na tao. Napatayo ako at pinakatitigan ng maigi ang taong nasa harapan naming mesa. "Oh my god, Pomela?" Nasambit ko habang nakaturo sa kanya.

Agad naman siyang nag-angat nang tingin at nanlaki ang mata niyang nakatingin sakin. "Athena? OMG, girl! I miss you!" Agad tumayo si Pomela at niyakap siya nang mahigpit. "Andito ka na pala sa Pilipinas? Hindi ka man lang nagsabi!" May pagtatampo sa boses na sabi niya.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now